Lumang Tipan 2022
Hunyo 12. Paano Ko Pinakikinggan ang Tinig ng Panginoon? Ruth; 1 Samuel 1–3


“Hunyo 12. Paano Ko Pinakikinggan ang Tinig ng Panginoon? Ruth; 1 Samuel 1–3,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022 (2021)

“Hunyo 12. Paano Ko Pinakikinggan ang Tinig ng Panginoon?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022

Larawan
pamilyang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Hunyo 12

Paano Ko Pinakikinggan ang Tinig ng Panginoon?

Ruth; 1 Samuel 1–3

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, ChurchofJesusChrist.org). Magplano ng mga paraan para kumilos ayon sa tinatalakay ninyo.

  • Ipamuhay ang ebanghelyo. Anong mga karanasan kamakailan ang nagpalakas sa ating patotoo?

  • Pangalagaan ang mga nangangailangan. Sino ang nangangailangan ng ating tulong at mga dalangin? Ano ang naiisip nating gawin para tulungan sila?

  • Anyayahan ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Paano tayo magiging liwanag sa mga kapamilya o kaibigan na hindi natin kapareho ang mga paniniwala?

  • Pagbuklurin ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Paano tayo maaaring magpakita ng higit na pagmamahal at suporta para sa ating pamilya at gumawa ng magandang kaibhan sa ating mga tahanan?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Maaaring makaugnay ang maraming miyembro ng inyong klase o korum sa batang si Samuel. Nang kausapin siya ng Panginoon, wala pang sapat na karanasan si Samuel sa paghahayag para makilala ang tinig ng Panginoon. Nagawa ng guro ni Samuel na si Eli na tulungan si Samuel na matutong kilalanin ang tinig na ito. Tulad ni Eli, may pagkakataon kang magpatotoo sa mga tinuturuan mo na nais ng Panginoon na mangusap sa kanila. Matutulungan mo silang matutong kilalanin ang tinig ng Panginoon, kahit habang natututo ka ring pakinggan Siya. Maaari ninyong sama-samang pag-aralan kung ano ang naituro ng Kanyang mga propeta tungkol sa personal na paghahayag. At matututo kang magsabi sa Panginoon, tulad ng ginawa ni Samuel, “Magsalita ka; sapagkat nakikinig ang iyong lingkod” (1 Samuel 3:10).

Dagdag pa sa pagbabasa sa 1 Samuel 3 sa linggong ito, maaari kang maghandang magturo sa pagbasa sa mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson na “Pakinggan Siya” (Liahona, Mayo 2020, 88–92).

Larawan
binatilyong nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Hiniling sa atin ni Pangulong Russell M. Nelson na “dagdagan ang ating espirituwal na kakayahang tumanggap ng paghahayag.”

Magkakasamang Matuto

Upang maihanda ang mga tinuturuan mo para sa talakayan ngayon, isiping hilingin sa kanila na rebyuhin ang 1 Samuel 3:1–14. Anyayahan silang ibahagi ang natututuhan nila mula sa salaysay na ito tungkol sa pakikinig sa tinig ng Panginoon. Ano ang ilang karagdagang paraan na nakikipag-ugnayan sa atin ang Panginoon? Ang sumusunod na mga aktibidad ay makakatulong sa mga kabataan na mapalalim ang kanilang pag-unawa sa personal na paghahayag.

  • Narito ang isang paraan para mas maipaunawa sa mga tinuturuan mo kung paano tumanggap ng paghahayag. Maaari mong isulat sa pisara ang mga reperensya sa banal na kasulatan na iminungkahi sa “Suportang Resources” (o iba pang alam mo). Anyayahan ang mga kabataan na basahin ang bawat talata. Pagkatapos ay maaari nilang isulat sa pisara sa tabi ng bawat reperensya ang itinuturo ng talatang iyon tungkol sa pagtanggap ng personal na paghahayag. Anyayahan silang magbahagi ng mga karanasan nila sa paghahangad at pagtanggap ng paghahayag. Kung angkop, ibahagi ang sarili mong mga karanasan.

  • Tumatanggap tayo ng malalaking pagpapala habang natututo tayong pakinggan ang tinig ng Panginoon. Maaari kang magsimula ng isang talakayan tungkol dito sa paghiling sa mga kabataan na magbahagi ng mga dahilan kung bakit kailangan nila ng paghahayag. Pagkatapos ay hilingin sa kanila na saliksikin ang mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson na “Pakinggan Siya.” Anyayahan silang maghanap ng payo na magpapaunawa sa kanila kung paano pakinggan ang tinig ng Panginoon. Maaari mo ring ipalabas ang isa o mahigit pang mga video mula sa koleksyong “Pakinggan Siya” (ChurchofJesusChrist.org/media). Bakit napakahalaga na matutuhan nating pakinggan ang tinig ng Panginoon? Hikayatin ang mga kabataan na itala ang natututuhan nila sa kanilang journal o sa mga piraso ng papel na ididispley sa kanilang tahanan.

  • Maaaring naisip ng mga kabataang tinuturuan mo kung paano malalaman kung kailan nangungusap sa kanila ang Espiritu Santo. Paano nating nalalaman ang kaibhan sa pagitan ng mga pahiwatig ng Espiritu at ng ating mga kaisipan? Maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase o korum kung paano sila tutugon sa isang kaibigan na may mga tanong tungkol dito.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Anyayahan silang isipin kung paano mapapatibay ng pagkilos ayon sa kanilang mga impresyon ang kaugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Suportang Resources

Print