Lumang Tipan 2022
Mayo 22. Paano Ko Maipapakita ang Aking Pasasalamat sa Diyos? Deuteronomio 6–8; 15; 18; 29–30; 34


“Mayo 22. Paano Ko Maipapakita ang Aking Pasasalamat sa Diyos? Deuteronomio 6–8; 15; 18; 29–30; 34,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022 (2021)

“Mayo 22. Paano Ko Maipapakita ang Aking Pasasalamat sa Diyos?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022

Larawan
binatilyong naglalakad sa dalampasigan

Mayo 22

Paano Ko Maipapakita ang Aking Pasasalamat sa Diyos?

Deuteronomio 6–8; 15; 18; 29–3034

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, ChurchofJesusChrist.org). Magplano ng mga paraan para kumilos ayon sa tinatalakay ninyo.

  • Ipamuhay ang ebanghelyo. Ano ang tinalakay natin noong nakaraan, at anong mga paanyaya o assignment ang ginawa? Ano ang nagawa natin para kumilos ayon sa mga paanyaya o assignment na iyon?

  • Pangalagaan ang mga nangangailangan. Ano ang magagawa o masasabi natin para tulungan ang mga maaaring makadama na sila ay nag-iisa o malayo sa Ama sa Langit?

  • Anyayahan ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Ano ang ilang paraan na maipadarama natin sa iba ang pagmamahal ni Jesucristo?

  • Pagbuklurin ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Anong mga ideya ang maibabahagi natin sa isa’t isa para mapatatag ang ating mga pamilya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Palagi tayong binabantayan at pinagpapala ng Diyos. Ngunit dahil sa lahat ng gambala at tuksong kinakaharap natin, madali natin Siyang malimutan. Maraming beses itong nangyari sa mga Israelita, kabilang na ang mahihirap na panahon na nagpagala-gala sila sa ilang. Ngunit maawain silang inakay ng Panginoon patungo sa lupang pangako—isang lugar na mas maginhawa at maraming tukso, kung saan maaari silang matuksong kalimutan Siyang muli. Ang mga tagubilin ng Panginoon sa Deuteronomio 6 ay para tulungan ang mga Israelita na palagi Siyang maalaala at ang Kanyang mga salita (tingnan sa mga talata 6–9).

Paano mo pinananatili ang Panginoon at ang Kanyang mga salita sa puso mo—“baka iyong malimutan ang Panginoon”? (Deuteronomio 6:12). Paano nakakatulong ang pag-alaala sa Panginoon para makadama tayo ng pasasalamat sa lahat ng sitwasyon natin sa buhay? Habang naghahanda kang magturo, isiping rebyuhin ang Deuteronomio 12:6–9, 12 at Lucas 17:11–19. Maaari mo ring rebyuhin ang mensahe ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf na “Nagpapasalamat Anuman ang Kalagayan” (Liahona, Mayo 2014, 70–77).

Larawan
dalagitang nag-aaral

Ang pag-alaala sa Panginoon ay magpapadama sa atin ng pasasalamat sa lahat ng sitwasyon sa buhay.

Magkakasamang Matuto

Para makapagsimula ng talakayan tungkol sa pag-alaala sa Panginoon, maaari mong anyayahan ang mga kabataan na magbahagi ng mga karanasan na nakalimutan nila ang isang mahalagang bagay. Ano ang naging mga resulta nito? Ano ang nangyayari kapag nalilimutan natin ang mga dakilang bagay na nagawa ng Panginoon para sa atin? Anyayahan ang inyong klase o korum na rebyuhin ang Deuteronomio 6:4–9, 20–25. Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa pag-alaala sa kabutihan ng Diyos sa ating buhay? Pumili ng isa o mahigit pa sa mga aktibidad sa ibaba para matulungan ang mga tinuturuan mo na matutong mas magpasalamat para sa kabutihan ng Diyos at ipahayag ang kanilang pasasalamat sa Kanya.

  • Ang sama-samang pagbasa sa Lucas 17:11–19 ay makakatulong sa mga kabataan na pag-isipan kung bakit mahalaga na ipakita ang ating pasasalamat sa Diyos. Isiping magtanong ng mga bagay na tutulong sa kanila na maiugnay ang kuwentong ito sa kanilang buhay. Halimbawa, ano ang ilang posibleng dahilan kung bakit hindi nagpasalamat sa Tagapagligtas ang siyam sa sampung ketongin? Bakit hindi tayo nagpapasalamat sa Diyos kung minsan? Hilingin sa mga tinuturuan mo na isipin ang mga pagkakataon na nakadama sila ng pasasalamat, kahit mahirap ito. Ano ang epekto sa atin ng pagpapakita ng pasasalamat? Bakit mahalagang ipakita ang ating pasasalamat sa Diyos? (Tingnan ang mga reperensya sa banal na kasulatan sa “Suportang Resources” para sa ilang sagot.) Ano ang magagawa natin para maipakita ang ating pasasalamat sa Diyos?

  • Maraming himno ng papuri at pasasalamat, tulad ng “Dakilang Diyos” at “Mga Pagpapala ay Bilangin” (Mga Himno, blg. 48, 147). Maaari mong hilingin sa mga kabataan na saliksikin ang mga titik ng mga himnong ito para sa mga bagay na pinasasalamatan nila. Anyayahan silang ibahagi ang mga bagay na nahanap nila at ipaliwanag kung bakit sila nagpapasalamat para sa mga ito. Maaari ninyong kantahin nang sabay-sabay ang ilan sa mga himnong ito.

  • Ipinauunawa sa atin ng mensahe ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf na “Nagpapasalamat Anuman ang Kalagayan” kung paano maging mas mapagpasalamat. Ang isang paraan para matulungan ang mga kabataan na matuto mula sa mensaheng ito ay hatiin sila sa maliliit na grupo at bigyan ang bawat grupo ng isang bahagi ng mensahe. Hilingin sa kanila na magbahagi ng isang kataga o pangungusap na sa palagay nila ay nagbubuod sa itinuro ni Pangulong Uchtdorf. Anyayahan silang magbahagi ng isang bagay na natutuhan nila tungkol sa pasasalamat. Ano ang magagawa natin para maging “mapagpasalamat sa anumang kalagayan,” anuman ang mga ito? Anong mga halimbawa ang nakita natin na nagpapasalamat ang mga tao sa kabila ng mahihirap nilang sitwasyon?

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Anyayahan silang isipin kung paano mapapatibay ng pagkilos ayon sa kanilang mga impresyon ang kaugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Kilala ng Tagapagligtas ang Kanyang mga alagad at kung ano ang maaari nilang kahinatnan. Ang kaalamang ito ay nakaimpluwensya sa paraan ng pagtuturo Niya sa kanila. Paano mo malalaman ang mga interes, pangangailangan, at hamon ng mga tinuturuan mo para mas epektibo mo silang maturuan?

Print