Lumang Tipan 2022
Agosto 14. Paano Ako Makasusumpong ng Kagalakan sa Pagsunod sa Tagapagligtas? Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46


“Agosto 14. Paano Ako Makasusumpong ng Kagalakan sa Pagsunod sa Tagapagligtas? Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022 (2021)

“Agosto 14. Paano Ako Makasusumpong ng Kagalakan sa Pagsunod sa Tagapagligtas?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022

Larawan
mga kabataang naglalaro sa labas

Agosto 14

Paano Ako Makasusumpong ng Kagalakan sa Pagsunod sa Tagapagligtas?

Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 4046

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, ChurchofJesusChrist.org). Magplano ng mga paraan para kumilos ayon sa tinatalakay ninyo.

  • Ipamuhay ang ebanghelyo. Paano tayo nakasusumpong ng kagalakan sa pagsunod kay Jesucristo?

  • Pangalagaan ang mga nangangailangan. Sino sa ating ward o komunidad ang nangangailangan ng ating tulong? Paano natin sila matutulungan?

  • Anyayahan ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Paano natin matutulungan ang isa’t isa na maghandang maglingkod bilang missionary?

  • Pagkaisahin ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Paano tayo makapag-aambag sa mga pagsisikap ng ating ward na gumawa ng family history at gawain sa templo?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Ano ang naghahatid sa iyo ng kagalakan? Maaaring sabihin ng mga tao na nakasusumpong sila ng kagalakan kapag kasama ang mga kaibigan at pamilya, sa isang paboritong libangan, o maging sa isang araw lamang na walang mga pagsubok. Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Ang kagalakang nadarama natin ay halos walang kinalaman sa mga sitwasyon natin sa buhay kundi sa pinagtutuunan natin sa buhay. Kapag nakatuon ang ating buhay sa plano ng kaligtasan ng Diyos … at kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, makadarama tayo ng kagalakan anuman ang nangyayari—o hindi nangyayari—sa ating buhay. Ang kagalakan ay nagmumula sa at dahil sa Kanya” (“Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan,” Liahona, Nob. 2016, 82). Inuulit ng marami sa mga Awit ang mensahe ring ito: “Iyong ipinakita sa akin ang landas ng buhay: sa iyong harapan ay may kapuspusan ng kagalakan” (Mga Awit 16:11).

Isipin ang ilan sa mga hamon na maaaring kinakaharap ng mga miyembro ng inyong klase o korum. Paano mo maipauunawa sa kanila na ang tunay na kagalakan ay nagmumula sa pagsampalataya sa Tagapagligtas—maging sa mahihirap na panahon? Pagnilayan ang mga tanong na ito habang naghahanda kang magturo. Maghanap ng kaugnay na mga talatang maibabahagi mo sa inyong klase o korum sa Mga Awit o sa mensahe ni Pangulong Nelson na “Kagalakan at Espirituwal na Pagkabuhay.”

Larawan
klase ng young men

Ang tunay na kagalakan ay nagmumula sa pagsampalataya sa Tagapagligtas, maging sa mahihirap na panahon.

Magkakasamang Matuto

Isiping anyayahan ang mga miyembro ng inyong klase o korum na rebyuhin ang ilan sa mga sumusunod: Mga Awit 1; 8; 19; 2327. Ano ang natututuhan natin mula rito sa Mga Awit kung ano ang naghahatid sa atin ng kagalakan? Pagkatapos ay maaari mong gamitin ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga aktibidad para mas maipaunawa sa mga tinuturuan mo na ang tunay na kagalakan ay nagmumula sa pagsunod kay Jesucristo.

  • Nais nating lahat na makasumpong ng kagalakan, ngunit kailangan nating maunawaan kung ano ang nagdudulot ng tunay na kagalakan at ano ang tunay na humahantong sa kalungkutan. Hilingin sa mga kabataan na ibahagi ang ilan sa mga bagay na naghahatid sa kanila ng kagalakan at kung bakit sila nagagalak sa mga ito. Isulat sa pisara ang “Ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan” (2 Nephi 2:25). Pagkatapos ay anyayahan ang mga kabataan, bilang mga indibiduwal o maliliit na grupo, na rebyuhin ang isa o mahigit pa sa mga talata sa banal na kasulatan sa “Suportang Resources” at ilista ang matatagpuan nila na humahantong sa kagalakan. Ano ang ilang paraan na sinisikap ng mga tao na makasumpong ng kagalakan na humahantong talaga sa kalungkutan? Paano nagdulot sa atin ng kagalakan ang Tagapagligtas?

  • May kilala tayong lahat na mga taong nahaharap sa mga hamon kahit sinisikap nila nang husto na ipamuhay ang ebanghelyo. Paano mo maipauunawa sa mga tinuturuan mo na makasusumpong tayo ng kagalakan kahit may mga hamon tayo sa buhay? Maaari mong hilingin sa kanila na rebyuhin ang mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson na “Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan” o ang mensahe ni Pangulong Steven J. Lund na “Paghahanap ng Kagalakan kay Cristo” (Liahona, Nob. 2020, 35–37). Anong mga halimbawa ang nakikita natin sa mga taong nakasumpong ng kagalakan kay Cristo sa kabila ng mga hamon nila sa buhay? Ano ang natututuhan natin mula sa mga karanasang ito? Anong mga karanasan ang maibabahagi natin?

  • Lahat tayo ay madaling makadama ng pagkabalisa at kalungkutan sa pagharap natin sa mga hamon ng buhay. Para sa ilan, ang mga damdaming ito ay habambuhay na pakikibaka. Maaaring makinabang ang inyong klase o korum sa isang talakayan tungkol sa mga hamong ito at kung paano matutulungan ng Tagapagligtas ang mga nahihirapan sa pagkabalisa at kalungkutan. Para masimulan ang talakayang ito, maaari mong hilingin sa mga kabataan na rebyuhin ang mensahe ni Elder Jeffrey R. Holland na “Parang Basag na Sisidlan,” lalo na ang huling apat na talata (Liahona, Nob. 2013, 40–42), o ang mensahe ni Sister Reyna I. Aburto na “Sa Dilim at Liwanag, Panginoon, Manatili!” (Liahona, Nob. 2019, 57–59). Anyayahan ang mga miyembro ng klase o korum na hanapin ang mga katotohanang makabuluhan sa kanila at ibahagi ang natuklasan nila. Hikayatin ang mga kabataan na kausapin ang isang pinagkakatiwalaang magulang o lider o bisitahin ang mentalhealth. ChurchofJesusChrist.org kung kung nadarama nila na kailangan nila ng tulong.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Anyayahan silang isipin kung paano mapapatibay ng pagkilos ayon sa kanilang mga impresyon ang kaugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Personal na kilala ng Tagapagligtas ang Kanyang mga tinuruan—at alam Niya ang maaari nilang kahinatnan. Nang mahirapan sila, patuloy Niya silang minahal. Paano mo maipapakita na mahal mo at sinusuportahan ang mga tinuturuan mo?

Print