Lumang Tipan 2022
Agosto 28. Paano Ako Matutulungan ng Tagapagligtas sa Oras ng Aking mga Pagsubok? Mga Awit 102–103; 110; 116–119; 127–128; 135–139; 146–150


“Agosto 28. Paano Ako Matutulungan ng Tagapagligtas sa Oras ng Aking mga Pagsubok? Mga Awit 102–103; 110; 116–119; 127–128; 135–139; 146–150,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022 (2021)

“Agosto 28. Paano Ako Matutulungan ng Tagapagligtas sa Oras ng Aking mga Pagsubok?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022

Larawan
dalagang nakangiti

Agosto 28

Paano Ako Matutulungan ng Tagapagligtas sa Oras ng Aking mga Pagsubok?

Mga Awit 102–103; 110; 116–119; 127–128; 135–139; 146–150

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, ChurchofJesusChrist.org). Magplano ng mga paraan para kumilos ayon sa tinatalakay ninyo.

  • Ipamuhay ang ebanghelyo. Anong mga karanasan kamakailan ang mas naglapit sa atin sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Pangalagaan ang mga nangangailangan. Mayroon bang isang taong lumipat sa ating ward o sumapi sa Simbahan kamakailan? Paano natin maipadarama na tanggap sila?

  • Anyayahan ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Anong paparating na mga aktibidad ang maaari nating padaluhan sa ating mga kaibigan?

  • Pagbuklurin ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Anong mga pagsisikap ang magagawa natin para maitala ang ating mga personal na kasaysayan?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Ang mga hamong kinakaharap natin ay maaaring magpadama sa atin na tayo ay pagod, bigo, talo, at nag-iisa. Naunawaan ng mga manunulat ng Mga Awit ang mga damdaming iyon at ipinahayag nang mainam ang mga ito: “Ang puso ko’y nasaktan na parang damo, at natuyo; … Ako’y gising, ako’y gaya ng malungkot na ibon sa bubungan” (Mga Awit 102:4, 7). Ngunit sa gayundin kalaking kapangyarihan, nagpatotoo sila na ang pagbaling sa Tagapagligtas ay magdudulot ng ginhawa: “Purihin mo ang Panginoon, O kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mga biyaya—na siyang nagpapatawad ng lahat mong mga kasamaan; na siyang nagpapagaling ng lahat mong karamdaman, na siyang tumutubos ng iyong buhay sa hukay: na siyang nagpuputong sa iyo ng habag at tapat na pagmamahal” (Mga Awit 103:2–4).

Isipin ang mga pagpapalang darating sa mga miyembro ng inyong klase o korum habang mas lubos nilang nauunawaan kung paano sila matutulungan ng Tagapagligtas sa kanilang mga pagsubok. Paano ka natulungan ng Tagapagligtas? Habang naghahanda kang magturo, maaari mong rebyuhin ang mensahe ni Pangulong Henry B. Eyring na “Sinubok, Napatunayan, at Pinino” (Liahona, Nob. 2020, 96–99) at “Paghihirap” sa Mga Paksa ng Ebanghelyo (topics.ChurchofJesusChrist.org).

Larawan
youth conference

Tutulungan at aaliwin tayo ng Tagapagligtas sa ating mga pagsubok.

Magkakasamang Matuto

Maaari kang magsimula sa paghiling sa mga miyembro ng klase o korum na rebyuhin ang Mga Awit 102, 103, at 116, na tinitingnan kung paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas sa ating mga pagsisikap na madaig ang mga pagsubok. Maaari silang magkanya-kanya o magtulungan sa isang grupo sa pagsulat ng ilang pangungusap tungkol sa natagpuan nila at pagkatapos ay ibahagi ang isinulat nila. Pumili ng isa o mahigit pa sa sumusunod na mga aktibidad para maipaunawa sa kanila nang mas malalim ang paksang ito.

  • Ang mga himno ay maaaring mag-aanyaya sa Espiritu at magturo ng doktrina sa mabisang paraan. Isiping rebyuhin ang isang himno kung paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas sa ating mga pagsubok, tulad ng “Saligang Kaytibay” (Mga Himno, blg. 47). Ano ang itinuturo ng himno tungkol sa tulong na maibibigay sa atin ng Tagapagligtas? Pagkatapos ay maaaring rebyuhin ng mga kabataan ang mga talata ng banal na kasulatan sa “Suportang Resources.” Maaari silang makinabang sa pagtatala ng isang parirala mula sa himno o isa sa mga talata ng banal na kasulatan na nagpapaalala sa kanila na hanapin ang Tagapagligtas sa kanilang mga paghihirap.

  • Maaaring mas maipaunawa ng mensahe ni Pangulong Henry B. Eyring na “Sinubok, Napatunayan, at Pinino” sa mga tinuturuan mo ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod: Ano ang ilan sa mga layunin ng ating mga pagsubok sa buhay? Paano tayo tutulungan ng Tagapagligtas sa ating mga hamon sa buhay? Ano ang magagawa natin para makahugot ng lakas sa tulong at kapangyarihan ng Tagapagligtas? Isiping isulat ang mga tanong na ito sa pisara. Maaaring maghanap ng mga sagot ang mga miyembro ng klase o korum sa mensahe ni Pangulong Eyring. Halimbawa, ano ang matututuhan natin mula sa mga kuwento tungkol sa ina ni Pangulong Eyring sa simula at katapusan ng mensahe? Maaari mong hilingin sa bawat tao na pagnilayan kung paano nila maipamumuhay ang natutuhan nila sa sarili nilang mga pagsubok. Maaaring handa ang ilang kabataan na ibahagi ang kanilang iniisip.

  • Nagkuwento si Sister Lisa L. Harkness tungkol sa pagpapayapa ng Tagapagligtas sa unos para ituro na kaya Niyang payapain ang mga unos sa ating buhay (tingnan sa Marcos 4:35–41; “Pumayapa Ka, Tumahimik Ka,” Liahona, Nob. 2020, 80–82). Maaari mong anyayahan ang isang miyembro ng klase o korum na pumasok na handang ibahagi ang natutuhan niya tungkol sa Tagapagligtas mula sa salaysay sa banal na kasulatan. Maaari ding magpakita ng isang larawan ang taong ito (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 40). Pagkatapos ay maaaring rebyuhin ng mga kabataan ang itinuro ni Sister Harkness kung paanong “nasa ating bangka” ang Tagapagligtas kapag nahaharap tayo sa mga hamon. Maaari mong anyayahan ang mga indibiduwal na ibahagi kung paano sila tinulungan ng Tagapagligtas sa kanilang mga pagsubok, pati na kung paano Niya sila natulungan sa pamamagitan ng ibang mga tao. Hikayatin ang mga kabataan na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa isang taong kilala nila na nangangailangan ng kapayapaan ng Tagapagligtas.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Anyayahan silang isipin kung paano mapapatibay ng pagkilos ayon sa kanilang mga impresyon ang kaugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

“Ang pagtatanong ng mga bagay na naghihikayat sa mga mag-aaral na magpatotoo tungkol sa mga alituntuning itinuturo ay maaaring maging mabisang paraan para maanyayahan ang Espiritu. … Ang kanilang mga patotoo—at ang mga patotoo ng iba sa klase—ay lalago kapag pinatotohanan ng Espiritu ang katotohanan” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 32).

Print