Lumang Tipan 2022
Setyembre 11. Paano Ako Magiging Malinis at Masayang Muli Matapos Akong Magkasala? Isaias 1–12


“Setyembre 11. Paano Ako Magiging Malinis at Masayang Muli Matapos Akong Magkasala? Isaias 1–12,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022 (2021)

“Setyembre 11. Paano Ako Magiging Malinis at Masayang Muli Matapos Akong Magkasala?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022

Larawan
binatilyong nakangiti

Setyembre 11

Paano Ako Magiging Malinis at Masayang Muli Matapos Akong Magkasala?

Isaias 1–12

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, ChurchofJesusChrist.org). Magplano ng mga paraan para kumilos ayon sa tinatalakay ninyo.

  • Ipamuhay ang ebanghelyo. Paano tayo matutulungan ng pagbaling sa Panginoon na harapin ang mga hamon at pagsubok?

  • Pangalagaan ang mga nangangailangan. Sino ang kilala natin na nangangailangan ng ating mga dalangin at pakikipagkaibigan?

  • Anyayahan ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Anong mga planong ibahagi ang ebanghelyo ang natalakay sa mga ward youth council meeting? Paano makakasali ang ating klase o korum?

  • Pagkaisahin ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Paano mapapatatag ng paggawa ng gawain sa family history ang ating mga kaugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesus?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Kapag sinusurot tayo ng ating budhi matapos magkasala, may magagawa tayo. Ang mga damdaming ito, bagama’t masakit, ay maaaring maging isang pagpapala kung aantigin tayo nitong magsisi. Ngunit sinasabi sa atin ni Satanas na ang kahulugan ng mga damdaming ito ay na hindi tayo mahal ng Diyos at sinusubukang pahinain ang ating loob at mawalan tayo ng pag-asa. Maaaring mayroon kang mga tinuturuan na nabibigatan sa gayong mga damdamin. Maaaring iniisip nila kung maaari pa silang maging malinis at masayang muli. Paano mo sila matutulungang makasumpong ng pag-asa sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas?

Buong tapang na pinagalitan ng propetang si Isaias ang mga tao dahil sa kanilang mga kasalanan. Ngunit nagpatotoo rin siya na dahil sa Tagapagligtas, “bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula, ang mga ito’y magiging mapuputi na parang niyebe” (Isaias 1:18). Pagnilayan ito habang binabasa mo ang Isaias 1–12 sa linggong ito. Ano ang maaaring makahikayat sa mga tinuturuan mo na bumaling kay Jesucristo nang may pananampalataya upang maalis ang bigat ng kanilang mga kasalanan? Maaari mo ring pag-aralan ang patotoo ni Sister Sharon Eubank tungkol kay Cristo sa kanyang mensaheng “Si Cristo: Ang Ilaw na Lumiliwanag sa Kadiliman” (Liahona, Mayo 2019, 73–76).

Larawan
klase ng young women

Dahil kay Jesucristo, maaalis ang bigat ng ating kasalanan.

Magkakasamang Matuto

Para makapaghanda para sa isang talakayan na nakabatay sa Isaias 1–12, maaari mong hilingin sa bawat kabataan na magdala sa miting ng isang bagay na mapula at isang bagay na maputi. Maaari mong idispley ang mga bagay na ito habang magkakasama ninyong binabasa ang Isaias 1:16–18. Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga kabataan sa sarili nilang mga salita ang natututuhan nila mula sa mga talatang ito. (Tingnan sa pagtalakay ni Sister Sharon Eubank sa talata 18 sa “Si Cristo: Ang Ilaw na Lumiliwanag sa Kadiliman.”) Narito ang ilang iba pang aktibidad na maaaring maghikayat ng pananampalataya sa kapangyarihan ng Tagapagligtas na gawin tayong espirituwal na malinis.

  • Ang pagrebyu sa mga halimbawa sa banal na kasulatan tungkol sa pagsisisi ay makakatulong sa mga tinuturuan mo na mapalakas ang kanilang pananampalataya na kaya ni Jesucristo na gawin silang espirituwal na malinis. Maaari mong isulat sa pisara ang mga pangalang tulad nina Saul (kalaunan ay naging Pablo), Nakababatang Alma, Zisrom, at ang mga Anti-Nephi-Lehi. Maaari ka ring sumulat ng dalawang grupo ng mga reperensya sa banal na kasulatan: Mga Gawa 8:3; Mosias 27:8–10; Alma 11:21–23; Alma 17:12–15 (ang mga taong ito sa kanilang makasalanang kalagayan) at Mga Gawa 9:13–20; Alma 36:17–24; Alma 15:5–12; Alma 23:6–12 (matapos bumaling ang mga taong ito sa Tagapagligtas at magsisi). Maaaring itugma ng mga kabataan ang bawat pangalan sa mga talatang naglalarawan sa taong iyon. Ano ang ginawa ng mga taong ito para magsisi? Ano ang itinuturo sa mga salaysay na ito tungkol sa kahandaan ng Tagapagligtas na magpatawad? May nakikita ba tayong ilang pattern na maaari nating sundan?

  • Para mas maipaunawa sa mga tinuturuan mo ang kapatawaran ng kasalanan, maaari mong bigyan ang bawat tao ng isang analohiya o talinghagang pag-aaralan. Maaaring isama rito ang alibughang anak (tingnan sa Lucas 15:11–24); ang Tagapagligtas bilang ating Pastol (mga talata 5–8 ng mensahe ni Elder Dale G. Renlund na “Ang Ating Mabuting Pastol” [Liahona, Mayo 2017, 29–32]); at isang sirang piyano (ang simula ng mensahe ni Sister Cristina B. Franco na “Ang Nagpapagaling na Kapangyarihan ni Jesucristo” [Liahona, Nob. 2020, 60–62]). Maaaring ibuod ng mga kabataan ang bawat analohiya o talinghaga at talakayin kung ano ang itinuturo nito tungkol sa pagmamahal at nagbabayad-salang kapangyarihan ng Tagapagligtas.

  • Ang pagkalungkot na nagkasala tayo ay nakakatulong at inaakay tayong magsisi. Ang panghihina-ng-loob o kawalan ng halaga dahil sa ating mga kasalanan ay hindi nakakatulong at maaari itong makapigil sa ating magsisi. Maaaring magkakasamang basahin ng inyong klase o korum ang bahaging may pamagat na “Kalumbayang Mula sa Diyos” sa mensahe ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf na “Magagawa na Ninyo Iyan Ngayon!” (Liahona, Nob. 2013, 55–57). Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng kalungkutan dahil sa kasalanan na humahantong sa pagsisisi at ng kalungkutang humahantong sa kawalan ng pag-asa? (tingnan din sa 2 Corinto 7:9–10; Mormon 2:12–14). Kung ang isang tao ay nadaraig ng panunurot ng budhi at kawalan ng pag-asa dahil sa kasalanan, ano ang maaari nating sabihin para tulungan siyang bumaling sa Tagapagligtas? Anyayahan ang mga kabataan na ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang biyaya.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Anyayahan silang isipin kung paano mapapatibay ng pagkilos ayon sa kanilang mga impresyon ang kaugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

“Ang personal na patotoo ng Tagapagligtas ay nagbigay ng awtoridad sa Kanyang mga salita. … Kapag nagpatotoo ka tungkol sa tunay na doktrina, pagtitibayin ng Espiritu ang katotohanan ng doktrina sa puso ng mga tinuturuan mo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 21).

Print