Lumang Tipan 2022
Oktubre 23. Nakasulat Ba ang Ebanghelyo sa Puso Ko? Jeremias 30–33; 36; Mga Panaghoy 1; 3


“Oktubre 23. Nakasulat Ba ang Ebanghelyo sa Puso Ko? Jeremias 30–33; 36; Mga Panaghoy 1; 3,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022 (2021)

“Oktubre 23. Nakasulat Ba ang Ebanghelyo sa Puso Ko?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022

Larawan
pag-aaral ng mga banal na kasulatan ng pamilya

Oktubre 23

Nakasulat Ba ang Ebanghelyo sa Puso Ko?

Jeremias 30–33; 36; Mga Panaghoy 13

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, ChurchofJesusChrist.org). Magplano ng mga paraan para kumilos ayon sa tinatalakay ninyo.

  • Ipamuhay ang ebanghelyo. Ano ang tinalakay natin noong nakaraan, at anong mga paanyaya o assignment ang ginawa? Ano ang nagawa natin para kumilos ayon sa mga paanyaya o assignment na iyon?

  • Pangalagaan ang mga nangangailangan. Ano ang magagawa o masasabi natin para tulungan ang mga maaaring makadama na sila ay nag-iisa o malayo sa Ama sa Langit?

  • Anyayahan ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Ano ang ilang paraan na maipadarama natin sa iba ang pagmamahal ni Jesucristo?

  • Pagkaisahin ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Anong mga ideya ang maibabahagi natin sa isa’t isa para mapatatag ang ating mga pamilya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Sinabi ng Panginoon sa propetang si Jeremias na sa darating na mga araw, titipunin Niya ang Israel at gagawa Siya ng isang “panibagong tipan” sa Kanyang mga tao. Sabi Niya, “Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat iyon sa kanilang mga puso; at ako’y magiging kanilang Diyos at sila’y magiging aking bayan” (tingnan sa Jeremias 31:31–34). Ang mga araw na iyon ay ngayon, at tayo ang bayan ng Diyos. Ang mga turong ito ay maaaring maghikayat sa iyo—at sa mga tinuturuan mo—na itanong, Ano ang ibig sabihin ng maisulat ang ebanghelyo sa puso ko? Nakasulat ba ang ebanghelyo sa puso ko? Kung hindi, ano ang magagawa ko tungkol dito?

Isipin kung paano mo tutulungan ang mga miyembro ng iyong klase o korum na pagnilayan ang mga tanong na ito sa sarili nila. Para makapaghandang magturo, maaari kang makahanap ng mga mensaheng ibabahagi mula sa Jeremias 30–33; 36; mula sa mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson na “Hayaang Manaig ang Diyos” (Liahona, Nob. 2020, 92–95); at mula sa mensahe ni Elder D. Todd Christofferson na “Kapag Ikaw ay Nagbalik-loob” (Liahona, Mayo 2004, 11–13).

Larawan
mga kabataang babaeng nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Habang minamahal natin ang Panginoon at hinahangad nating matuto tungkol sa Kanya, masusulat ang ebanghelyo sa ating puso.

Magkakasamang Matuto

Hikayatin ang mga kabataan na talakayin ang Jeremias 31:31–34. Para magawa ito, maaari mo silang bigyan ng mga pusong papel na may ilang tanong na nakasulat sa mga ito tungkol sa kahulugan ng taglayin ang ebanghelyo sa ating puso, tulad ng matatagpuan sa ilalim ng “Espirituwal na Ihanda ang Inyong Sarili.” Sa paggawa nang mag-isa, nang magkakapares, o sa maliliit na grupo, maaaring basahin ng mga kabataan ang mga talatang ito mula sa Jeremias at pagnilayan kung paano nila sasagutin ang mga tanong. Hayaang ibahagi nila ang kanilang mga tanong at ang mga sagot na naisip nila. Nasa ibaba ang iba pang mga ideyang makakatulong sa iyo na ituro sa mga kabataan kung paano maisusulat ang ebanghelyo sa kanilang puso.

  • Nang ibigay ni Moises ang ilan sa kanyang mga huling turo sa mga Israelita, hinimok niya silang tanggapin ang mga salita ng Diyos sa kanilang puso. Itinuro din niya sa kanila ang ilan sa mga paraan na magagawa nila ito, na matatagpuan sa Deuteronomio 6:3–9. Bilang isang klase o korum, sama-samang basahin ang mga talatang ito at talakayin ang mga paraan na magagawa natin ang ipinayo ni Moises. Maaari din nilang pag-aralan ang Alma 5:14, 26–35 para alamin ang itinuro ni Alma kung paano natin mapananatiling nakasulat ang ebanghelyo sa ating puso.

  • Sa kanyang mensaheng “Kapag Ikaw ay Nagbalik-loob,” inilarawan ni Elder D. Todd Christofferson kung ano ang magagawa natin para maisulat ang ebanghelyo sa ating puso. Ano ang natututuhan natin mula sa unang apat na talata tungkol sa kahulugan ng maisulat ang ebanghelyo sa ating puso? Maaari mong anyayahan ang bawat kabataan na basahin ang isa o mahigit pa sa natitirang mga talata at hanapin kung ano ang kailangan nating gawin para mangyari ito. Anong papel ang ginagampanan ng Tagapagligtas? Anong papel ang ginagampanan natin? Hikayatin ang mga kabataan na ibahagi ang kanilang mga sagot, pati na ang iba pang mga kabatirang natagpuan nila. Anong mga karanasan ang nakatulong sa atin upang maisulat ang ebanghelyo sa ating puso? Anong papel ang ginagampanan ng ating mga tipan sa prosesong ito?

  • Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson na ang katagang Israel ay “tumutukoy sa tao na handang hayaan ang Diyos na manaig sa kanyang buhay” (“Hayaang Manaig ang Diyos,” 92). Maaari mong anyayahan ang mga kabataan na saliksikin ang unang anim na talata ng mensahe ni Pangulong Nelson at ang huling bahagi ng mensahe simula sa “Ang tanong para sa bawat isa sa atin.” Hilingin sa kanila na maghanap ng isang bagay na nagpapaunawa sa kanila sa kahulugan ng “hayaan ang Diyos na manaig” sa kanilang buhay. Ano ang nadarama at ginagawa natin kapag nananaig ang Diyos sa ating buhay? Ano ang itinuro ni Pangulong Nelson kung paano nakakaapekto ang maisulat ang ebanghelyo sa ating puso sa ating mga pagsisikap na tipunin ang Israel?

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Anyayahan silang isipin kung paano mapapatibay ng pagkilos ayon sa kanilang mga impresyon ang kaugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

“Ang doktrinang matatagpuan sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta sa mga huling araw ay may kapangyarihang baguhin ang mga puso at pag-ibayuhin ang pananampalataya. Habang ikaw at ang mga tinuturuan mo ay ‘[sinusu]bukan ang bisa ng salita ng Diyos,’ malalaman mo na ito ay may ‘lakas na umakay sa mga tao na gawin yaong matwid’ (Alma 31:5)” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 5).

Print