Lumang Tipan 2022
Agosto 8–14. Mga Awit 1–2; 19–33; 40; 46: “Ang Panginoon ay Aking Pastol”


“Agosto 8–14. Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46: ‘Ang Panginoon ay Aking Pastol,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Agosto 8–14. Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2022

Larawan
Naglalakad si Jesus kasama ang tupa

The Lord Is My Shepherd [Ang Panginoon ay Aking Pastol], ni Yongsung Kim, havenlight.com

Agosto 8–14

Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 4046

“Ang Panginoon ay Aking Pastol”

Huwag isiping limitado ka sa piniling Mga Awit o sa mga alituntuning iminungkahi sa outline na ito. Hayaang gabayan ka ng Espiritu sa mga katotohanan na tumutulong sa iyo na mas mapalapit sa Panginoon.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Hindi natin alam kung sino ang sumulat ng Mga Awit. Ang ilan ay tungkol kay Haring David, ngunit para sa karamihan, hindi pa rin alam kung sino ang mga sumulat. Subalit matapos basahin ang Mga Awit, maaaring madama natin na para bang alam natin ang puso ng Mga Mang-aawit, kahit hindi natin alam ang kanilang mga pangalan. Ang alam natin ay na ang Mga Awit ay mahalagang bahagi ng pagsamba noon ng mga Israelita, at alam natin na madalas itong banggitin noon ng Tagapagligtas. Sa Mga Awit, masusulyapan natin ang kaluluwa ng mga sinaunang tao ng Diyos. Nakikita natin ang naging damdamin nila tungkol sa Diyos, ano ang mga ikinabahala nila, at paano sila nakasumpong ng kapayapaan. Bilang mga nananalig ngayon, sa buong mundo, ginagamit pa rin natin ang mga salitang ito sa ating pagsamba sa Diyos. Ang mga manunulat ng Mga Awit ay tila nakadungaw sa bintana sa ating kaluluwa at tila nakakita ng paraan para masabi ang nadarama natin tungkol sa Diyos, ang mga ikinababahala natin, at paano tayo nakatatagpo ng kapayapaan.

Para sa buod ng aklat ng Mga Awit, tingnan sa “Mga Awit” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

Larawan
icon ng personal na pag-aaral

Mga Ideya para sa Personal na Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Awit 1; 23; 26–2846

Tinuturuan tayo ng Mga Awit na magtiwala sa Panginoon.

Maaari mong mapansin habang binabasa mo ang Mga Awit kung gaano kadalas ipinapahayag ng mga manunulat ang pangamba, kalungkutan, o pag-aalala. Ang gayong damdamin ay normal, kahit sa mga taong may pananampalataya. Ngunit ang nakapagbibigay-inspirasyon sa Mga Awit ay ang mga solusyong iniaalok ng mga ito, kabilang na ang lubos na pagtitiwala sa Panginoon. Pag-isipan ang nakahihikayat na mga mensaheng ito habang binabasa mo ang Mga Awit 1; 23; 26–2846. Abangan ang mga sumusunod, at isulat ang matutuklasan mo:

  • Mga paanyayang magtiwala sa Panginoon:

  • Mga salitang naglalarawan sa Panginoon:

  • Mga salitang naglalarawan sa kapayapaan, lakas, at iba pang mga pagpapalang Kanyang ibinibigay:

  • Mga salitang naglalarawan sa mga taong nagtitiwala sa Kanya:

Mga Awit 222

Itinuturo ng Mga Awit ang ating isipan sa buhay at ministeryo ni Jesucristo.

Ilan sa mga Awit ang nakatuon sa mortal na buhay ni Jesucristo. Nakita rin ng mga Kristiyano sa panahon ng Bagong Tipan ang mga kaugnayang ito—halimbawa, kinilala nila sa Awit 2 ang isang reperensya sa mga pagsubok ni Jesus sa harap nina Haring Herodes at Poncio Pilato (tingnan sa Mga Gawa 4:24–30). Isiping basahin ang Mga Awit 2 at 22 kasama ang Mateo 27:35–46; Lucas 23:34–35; at Juan 19:23–24. Hanapin ang kaugnayan ng mga salita sa mga awit na ito at sa buhay ng Tagapagligtas, at patuloy na maghanap ng gayon ding mga kaugnayan sa pag-aaral mo ng aklat ng Mga Awit sa susunod na ilang linggo.

Kunwari ay isa kang Judio sa panahon ni Jesus na pamilyar sa Mga Awit at nakakita ng mga koneksyon sa buhay ng Tagapagligtas. Paano kaya naging pagpapala sana sa iyo ang kaalamang ito?

Tingnan din sa Mga Awit 31:5; 34:20; 41:9; Lucas 24:44; Mga Hebreo 2:9–12.

Mga Awit 8; 1933

“Ang mundo ay puno ng kabutihan ng Panginoon.”

Ang pagbasa sa Mga Awit 8; 19; at 33 ay maaaring makahikayat sa iyo na isaalang-alang ang maraming kahanga-hangang mga nilikha ng Panginoon. Pag-ukulan ng pansin ang iyong mga iniisip at nadarama habang ikaw ay nagbabasa. Paano “ipinahahayag ng [mga likha ng Panginoon] ang kaluwalhatian ng Diyos” sa iyo? (Mga Awit 19:1).

Mga Awit 19:7–1129

Ang salita ng Panginoon ay makapangyarihan, “nakagagalak sa puso.”

Sa Mga Awit, ang mga salitang tulad ng patotoo, mga batas, kautusan, at mga paghatol ay maaaring tumutukoy sa salita ng Panginoon. Isaisip ito habang binabasa mo ang Mga Awit 19:7–11. Ano ang iminumungkahi sa iyo ng mga talatang ito tungkol sa salita ng Panginoon? Ano ang itinuturo sa iyo ng Mga Awit 29 tungkol sa Kanyang tinig? Sa iyong karanasan, paano tumugma ang salita o tinig ng Panginoon sa mga paglalarawang ito?

Larawan
Concepción Chile Temple

Dapat tayong maging malinis at dalisay sa espirituwal upang makapasok sa kinaroroonan ng Panginoon.

Mga Awit 24; 26–27

Ang pagpasok sa kinaroroonan ng Panginoon ay nangangailangan ng kadalisayan.

Dahil itinayo ang templo sa Jerusalem sa isang burol, ang mga katagang “burol ng Panginoon” (Mga Awit 24:3) ay maaaring tumukoy sa templo o sa presensya ng Diyos. Ano ang idinaragdag nito sa iyong pag-unawa sa Mga Awit 24? Ano ang ibig sabihin sa iyo ng may “malilinis na kamay, at dalisay na puso”? (“Mga Awit 24:4).

Ano ang itinuturo sa iyo ng Mga Awit 26 at 27 tungkol sa bahay ng Panginoon?

Tingnan din sa Mga Awit 15; David A. Bednar, “Malilinis na Kamay at Dalisay na Puso,” Liahona, Nob. 2007, 80–83.

Larawan
icon ng pag-aaral ng pamilya

Mga Ideya para sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan ng Pamilya at Home Evening

Mga Awit 22.Habang binabasa ng isang miyembro ng pamilya ang awit na ito, ang iba naman ay maaaring maghanap ng mga pagkakatulad sa Mateo 27:35–46. Pagkatapos ay maibabahagi nila ang kanilang damdamin tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang sakripisyo para sa atin.

Mga Awit 23.Ang Mga Awit 23 ay isang inspirasyon para sa ilang himno, tulad ng “Ang Panginoon ay Pastol Kong Tunay” at “Pastulan Ko ay Alay ng Diyos” (Mga Himno, blg. 62, 63). Marahil gustong kantahin ng inyong pamilya ang isa sa mga himnong ito at tukuyin ang mga salita sa awit na maaaring nagbigay-inspirasyon sa mga titik. O maaari silang masiyahan sa pagdodrowing ng mga larawan ng isang bagay na nakita nila sa awit o himno at hayaang hulaan ng mga miyembro ng pamilya ang mga talata o liriko na kasama ng mga larawan. Paano natutulad ang Panginoon sa isang pastol sa atin?

Mga Awit 24:3–5.Upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na mga kamay at dalisay na puso, maaari ninyong basahin ang Mga Awit 24:3–5 habang naghuhugas ng kamay ang mga miyembro ng pamilya. Ano ang maaaring isinasagisag ng mga kamay sa awit na ito? Ano kaya ang isinisimbolo ng puso? Ano ang magagawa natin para espirituwal na malinis ang ating mga kamay at mapadalisay ang ating mga puso?

Mga Awit 30:5, 11.Ang Mga Awit 30:5 ay naglalaman ng pangako na “maaaring magtagal nang magdamag ang pag-iyak, ngunit sa kinaumagahan ay dumarating ang galak.” Paano ginawang kagalakan ng Panginoon ang ating kalungkutan? Maaaring masiyahan ang ilang miyembro ng pamilya na isadula ang inilalarawan ng talata 11.

Mga Awit 33Pansinin kung ilang beses ginamit ang salitang lahat sa awit na ito. Ano ang nalaman natin tungkol sa Panginoon mula sa paulit-ulit na paggamit ng salitang ito, lalo na sa mga talata 13–15?

Mga Awit 46:10.Maaari kayong sama-samang gumawa ng isang bagay na nangangailangan na “magsitigil” ang mga miyembro ng pamilya. Paano tayo matutulungan ng pagtigil na makilala ang Diyos? Ano ang mga pagkakataon natin para tumigil at makilala ang Diyos?

Para sa iba pang mga ideya sa pagtuturo sa mga bata, tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Iminumungkahing awitin: “Ang Panginoon ay Pastol Kong Tunay,” Mga Himno, blg. 62.

Pagpapabuti ng Personal na Pag-aaral

Maging malikhain. Ang mga banal na kasulatan tulad ng Mga Awit ay madalas makahikayat sa mga tao na purihin ang Panginoon sa malikhaing mga paraan. Kung sa pakiramdam mo ay dapat mong ipahayag ang iyong katapatan sa pamamagitan ng musika, tula, visual art, o sa ibang paraan, kumilos ayon sa damdaming iyon. Isiping ibahagi ang mga ginagawa mo para tulungan ang iba na tumatag ang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Larawan
Pasan ni Jesus ang tupa

Ang Mabuting Pastol, ni Ken Spencer

Print