Lumang Tipan 2022
Setyembre 12–18. Isaias 13–14; 24–30; 35: “Isang Kagila-gilalas na Gawa at Kamangha-mangha”


“Setyembre 12–18. Isaias 13–14; 24–30; 35: ‘Isang Kagila-gilalas na Gawa at Kamangha-mangha,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Setyembre 12–18. Isaias 13–14; 24–30; 35,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2022

nakita ni Joseph Smith ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa Sagradong Kakahuyan

Sagradong Kakahuyan, ni Brent Borup

Setyembre 12–18

Isaias 13–14; 24–30;35

“Isang Kagila-gilalas na Gawa at Kamangha-mangha”

Itinuro ni President Bonnie H. Cordon, “Ang mga banal na kasulatan ay nagdaragdag sa ating isipan, nangangalaga sa ating espiritu, sinasagot ang ating mga tanong, pinag-iibayo ang ating tiwala sa Panginoon, at tinutulungan tayong isentro ang ating buhay sa Kanya” (“Magtiwala sa Diyos nang Walang Pag-aalinlangan,” Liahona, Mayo 2017, 7).

Itala ang Iyong mga Impresyon

Ang isa sa mga bagay na ipinagagawa ng Panginoon sa mga propeta ay ang magbabala tungkol sa mga bunga ng kasalanan. Sa kaso ng mga propeta sa Lumang Tipan, ito ay kadalasang nangahulugan ng pagsasabi sa makapangyarihang mga pinuno ng makapangyarihang mga kaharian na kailangan nilang magsisi o sila ay malilipol. Mapanganib na gawain iyon, ngunit walang takot si Isaias, at ang mga babala niya sa mga kaharian ng kanyang panahon—pati na ang Israel, Juda, at karatig na mga bansa—ay ginawa niya nang buong tapang (tingnan sa Isaias 13–23).

Gayunpaman, may mensahe rin si Isaias tungkol sa pag-asa. Kahit na ang ipinropesiya na mga kapahamakan ay nangyari nga kalaunan sa mga kahariang ito, nakinita ni Isaias ang isang pagkakataon para sa pagpapanumbalik at pagpapanibago. Aanyayahan ng Panginoon ang Kanyang mga tao na bumalik sa Kanya. Gagawin Niyang “ang tigang na lupa ay magiging lawa, at ang uhaw na lupa ay magiging mga bukal ng tubig” (Isaias 35:7). Gagawa siya ng “isang kagila-gilalas na gawa at kamangha-mangha” (Isaias 29:14), na magpapanumbalik sa Israel ng mga pagpapalang ipinangako Niya sa kanila. Si Isaias o ang sinumang nabubuhay noong panahong iyon ay hindi nabuhay upang makita ang kagila-gilalas na gawaing ito. Ngunit nakikita natin ang pinakadakilang katuparan nito ngayon. Sa katunayan, tayo ay bahagi nito!

icon ng personal na pag-aaral

Mga Ideya para sa Personal na Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Isaias 13:1–11, 19–22; 14:1–20

Ang masasamang kaharian ng sanlibutan at ang kanilang mga pinuno ay babagsak.

Ang Isaias 13–14 ay tinatawag na “pasan ng” (mensahe ng isang propeta tungkol sa) Babilonia (Isaias 13:1). Minsan na isang malakas na kaharian na may makapangyarihang pinuno, ang Babilonia ay itinuturing na ngayong sinaunang kasaysayan. Bakit mahalaga sa atin ngayon ang mensahe sa Babilonia? Sa mga banal na kasulatan, ang Babilonia ay sagisag ng kapalaluan, kamunduhan, at kasalanan, at ngayon ay naliligiran tayo ng lahat ng ito. Pag-isipan ang simbolismo na ito habang binabasa mo ang Isaias 13:1–11, 19–22; 14:1–20. Maaari mong pag-isipan ang mga tanong na katulad nito:

  • Paano natutulad ang mga babala ni Isaias sa Babilonia sa mga propesiya tungkol sa mundo bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas? (tingnan sa Isaias 13:1–11; Doktrina at mga Tipan 45:26–42).

  • Anong mga pagkakatulad ang nakikita mo sa pagitan ng kapalaluan ng hari ng Babilonia at ng kapalaluan ni Satanas? (tingnan sa Isaias 14:4–20; Moises 4:1–4). Anong mga babala ang nakikita mo para sa iyong sarili sa mga talatang ito?

  • Paano nagbibigay ang Tagapagligtas ng “kapahingahan mula sa iyong kalungkutan, at sa iyong takot”? (Isaias 14:3).

si Jesus na nakasuot ng damit na pula

Muli Siyang Naparito upang Mamuno at Maghari, ni Mary R. Sauer

Isaias 24:21–23; 25:6–8; 26:19; 28:16

Itinuturo ako ng mga isinulat ni Isaias kay Jesucristo.

Ang mga turo ni Isaias ay kadalasang tumutukoy sa misyon ng Tagapagligtas, kabilang na ang Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, Pagkabuhay na Mag-uli, at Ikalawang Pagparito. Anong mga aspeto ng Kanyang misyon ang naiisip mo habang binabasa mo ang sumusunod na mga talata: Isaias 24:21–23; 25:6–8; 26:19; 28:16? Ano ang iba pang mga talata na nakikita mo na nagpapaalala sa iyo sa Tagapagligtas?

Tingnan din sa Isaias 22:22–25.

Isaias 24:1–12; 28:7–8; 29:7–10; 30:8–14

Ang ibig sabihin ng pagtalikod sa katotohanan ay paglayo sa Panginoon at sa Kanyang mga propeta.

Upang magbabala tungkol sa mga bunga ng pagtalikod sa Panginoon at pagtanggi sa Kanyang mga propeta, gumamit si Isaias ng iba-ibang talinghaga. Kabilang dito ang hungkag na mundo (Isaias 24:1–12), kalasingan (Isaias 28:7–8), gutom at uhaw (Isaias 29:7–10), at isang sirang pader o sisidlan (Isaias 30:8–14). Batay sa nabasa mo sa mga talatang ito, bakit mahalagang tuparin ang ating mga tipan? Isipin ang ginagawa mo para manatiling tapat sa Panginoon at sa Kanyang mga lingkod.

Tingnan din sa M. Russell Ballard, “Manatili sa Bangka at Kumapit nang Mahigpit!Liahona, Nob. 2014, 89–92; Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Apostasiya,” topics.ChurchofJesusChrist.org.

Isaias 29; 30:18–26; 35

Maaaring ipanumbalik ng Panginoon ang mga bagay na nawala o nasira.

Kapag tumatalikod ang mga tao o lipunan sa Panginoon, nais ni Satanas na isipin natin na ang mga bunga nito ay hindi na mababago. Gayunman, inilarawan ni Isaias ang ilan sa mga kagila-gilalas na bagay na gagawin ng Panginoon kapag ang mga tao ay nagsisi at bumaling sa Kanya. Ano ang natutuhan mo mula sa Isaias 29:13–24; 30:18–26; 35 tungkol sa Panginoon, sa Kanyang pagmamahal, at sa Kanyang kapangyarihan?

Isang paraan na ipinakita ng Panginoon ang Kanyang kapangyarihan sa ating panahon ay sa pamamagitan ng Pagpapanumbalik ng Kanyang ebanghelyo. Ang Isaias 29 ay naglalaman ng ilang talata na may pagkakatulad sa mga pangyayari sa Pagpapanumbalik na iyon. Halimbawa:

Ano ang iyong mga kaisipan o impresyon tungkol sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo habang binabasa mo ang mga talatang ito?

Tingnan din sa “Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo” (ChurchofJesusChrist.org).

icon ng pag-aaral ng pamilya

Mga Ideya para sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan ng Pamilya at Home Evening

Isaias 25:4–9.Naranasan na ba ng inyong pamilya ang pagpapala ng isang ligtas na kanlungan sa gitna ng isang bagyo o ng isang mainit na araw ng tag-init? (tingnan sa talata 4). Pag-usapan ito habang binabasa ninyo ang mga talatang ito at ang iba pang mga paglalarawan tungkol sa Panginoon na matatagpuan sa Isaias 25:4–9. Paano natutulad ang Panginoon sa mga bagay na ito?

Isaias 25:8–9; 26:19.Ang pagpapakita ng mga larawan ng Tagapagligtas sa Getsemani, sa krus, at matapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli ay makatutulong sa inyong pamilya na makita ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga talatang ito at ni Jesucristo (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 56, 57, 58, 59). Anyayahan ang inyong pamilya na ibahagi kung bakit sila “nagsasaya sa kanyang kaligtasan” (Isaias 25:9).

Isaias 29:11-18.Matutulungan ng mga talatang ito ang inyong pamilya na talakayin ang “kagila-gilalas na gawa at kamangha-mangha” (talata 14) na Pagpapanumbalik ng ebanghelyo at paglitaw ng Aklat ni Mormon. Bakit kagila-gilalas at kamangha-mangha sa atin ang mga bagay na ito? Anyayahan ang mga kapamilya na humanap ng mga bagay sa inyong tahanan na kumakatawan sa kagila-gilalas na mga pagpapala ng Pagpapanumbalik.

Isaias 35.Maaaring masiyahan ang inyong pamilya sa pagdodrowing ng mga larawan sa kabanatang ito na makatutulong sa atin na maunawaan kung paano itinatayo ni Jesucristo ang Sion sa ating panahon. Ano ang natututuhan natin mula sa mga larawang ito? Ano ang magagawa natin para makatulong sa pagtatatag ng Sion?

Para sa iba pang mga ideya sa pagtuturo sa mga bata, tingnan ang outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Iminumungkahing awitin: “Nang Minsan ay Tagsibol,” Aklat ng mga Awit Pambata, 57.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang pagkamalikhain. Kapag lumilikha ang mga bata ng isang bagay na nauugnay sa isang alituntunin ng ebanghelyo, tumutulong ito sa kanila na mas maunawaan ang alituntunin. Hayaan silang bumuo, magdrowing, magkulay, magsulat, at lumikha. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25.)

nakatitig sina Maria at Juan kay Jesus na nasa krus

“Ito’y ating Diyos; hinintay natin siya at ililigtas niya tayo” (Isaias 25:9). James Tissot (French, 1836–1902). Babae, Masdan ang Iyong Anak (Stabat Mater), 1886–1894. Opaque watercolor sa graphite sa gray wove paper, Image: 11 11/16 x 6 in. (29.7 x 15.2 cm). Brooklyn Museum, Binili sa pamamagitan ng pampublikong suskrisyon, 00.159.300