“Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Aklat ni Mormon 2020 (2020)
“Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2020
Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata
Ang resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa ChurchofJesusChrist.org.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya
Maaari mong iakma ang mga aktibidad mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para magamit sa inyong klase sa Primary. Huwag mag-alala kung nagawa na ng mga bata ang mga aktibidad na ito sa bahay kasama ng kanilang mga pamilya; ang pag-uulit ay tumutulong sa mga bata na matuto. Maaaring gustong sabihin sa iyo ng mga bata kung paano nila ginawa ang mga aktibidad kasama ng kanilang pamilya at kung ano ang natutuhan nila.
Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata
Ang sagradong musika ay nag-aanyaya ng Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa paraan na madali itong matandaan. Bukod pa sa mga print version ng Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata, makakakita ka ng mga audio at video recording ng maraming himno at mga awiting pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa LDS Media Library apps.
Masdan ang Inyong mga Musmos
Marami sa mga paksang tinalakay sa manwal ng nursery na Masdan ang Inyong mga Musmos: Manwal sa Nursery ang katulad ng mga ituturo mo sa Primary. Lalo na kung nagtuturo ka ng mas maliliit na bata, isipin na tingnan ang manwal ng nursery para sa mga karagdagang awitin, kuwento, aktibidad, at crafts.
Mga Magasin na Friend at Liahona
Ang mga magasin na Friend at Liahona ay may mga kuwento at aktibidad na maaaring maidagdag sa mga alituntunin na iyong itinuturo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.
Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon
Ang Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon ay makakatulong sa mga bata na matutuhan ang doktrina at mga kuwentong matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Mahahanap mo din ang mga video ng mga kuwentong ito sa medialibrary.ChurchofJesusChrist.org.
Media Library
Ang mga ipinintang larawan, video, at iba pang media ay makakatulong sa mga bata na mailarawan sa isip ang doktrina at mga kuwento na matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Bisitahin ang medialibrary.ChurchofJesusChrist.org para ma-browse ang koleksiyon ng Simbahan ng mga media resource, kabilang na ang koleksiyon ng Book of Mormon Videos, na nagpapakita ng mga pangyayari sa Aklat ni Mormon. Ang mga media resource ay makukuha rin sa LDS Media Library app.
Sining ng Ebanghelyo
Ang mga ipinintang larawan ay makakatulong sa mga bata na mailarawan sa isip ang doktrina at mga kuwento sa Aklat ni Mormon. Maraming larawan na maaari mong gamitin sa klase ang matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, sa medialibrary.ChurchofJesusChrist.org, at sa LDS Music at LDS Media Library apps.
Tapat sa Pananampalataya
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong para maunawaan ang mga pangunahing alituntunin na ituturo mo sa mga bata, isiping tingnan ang Tapat sa Pananampalataya. Ang reperensyang ito ay nagbibigay ng mga simpleng paliwanag tungkol sa mga paksa ng ebanghelyo, na nakalista nang paalpabeto.
Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas
Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay maaaring makatulong sa iyo na matutuhan at gamitin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo. Ang mga alituntuning ito ay tinatalakay at pinapraktis sa mga teacher council meeting.