Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary


“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Aklat ni Mormon 2020 (2020)

“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2020

klase sa Primary na naglalaro

Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary

Paghahandang Magturo sa Primary

Ang personal at pampamilyang pag-aaral sa tahanan ang dapat na maging sentro sa pagkatuto ng ebanghelyo. Ito ay totoo para sa iyo at para sa mga batang tinuturuan mo. Habang naghahanda kang magturo, magsimula sa pagkakaroon ng sarili mong mga karanasan sa mga banal na kasulatan. Magagawa mo ang iyong pinakamahalagang paghahanda kapag sinaliksik mo ang mga banal na kasulatan at hinangad ang inspirasyon ng Espiritu Santo.

Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay isa ring mahalagang bahagi kapwa ng iyong personal na pag-aaral at ng iyong paghahandang magturo. Tutulungan ka nitong magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga alituntunin ng doktrina na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.

Sa iyong paghahanda, darating sa iyo ang mga ideya at impresyon tungkol sa mga batang tinuturuan mo. Matatanggap mo ang mga kabatiran tungkol sa paraan kung paano mapagpapala ng mga alituntunin sa mga banal na kasulatan ang kanilang mga buhay. Papatnubayan ka na bigyan sila ng inspirasyon na tuklasin ang mga alituntuning iyon habang pinag-aaralan nila ang mga banal na kasulatan nang personal at kasama ang kanilang pamilya. Tandaan na maging sensitibo sa mga bata na ang mga kalagayan ng pamilya ay maaaring hindi nakasusuporta sa regular na pag-aaral ng pamilya at sa family home evening.

Mga Ideya sa Pagtuturo

Habang naghahanda kang magturo, maaari kang magtamo ng karagdagang inspirasyon sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga outline sa pagtuturo sa resource na ito. Huwag isipin na ang mga ideyang ito ay sunud-sunod na mga hakbang, kundi sa halip ay mga mungkahi para magkaroon ka ng sariling inspirasyon. Kilala mo ang mga batang ito—at mas makikilala mo sila habang nakikisalamuha ka sa kanila sa klase. Kilala rin sila ng Panginoon, at bibigyan ka Niya ng inspirasyon na malaman kung ano ang mga pinakamainam na paraan para turuan at pagpalain sila.

Marami pang ibang mga sanggunian ang maaari mong gamitin sa iyong paghahanda, kabilang na ang mga ideya sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at sa mga magasin ng Simbahan. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga ito at iba pang sanggunian, tingnan ang “Mga Karagdagang Sanggunian sa Pagtuturo ng mga Bata” sa resource na ito.

Ilang Bagay na Dapat Tandaan

  • Ang mga magulang ang may pangunahing responsibilidad na magturo sa kanilang mga anak. Bilang guro, may mahalagang responsibilidad kang suportahan, hikayatin, at patatagin ang pag-aaral ng ebanghelyo sa tahanan. Maging sensitibo sa mga bata na ang mga magulang ay hindi nagtuturo ng ebanghelyo sa kanilang tahanan. Isama ang lahat ng bata sa mga talakayan ng ebanghelyo, anuman ang sitwasyon sa kanilang tahanan.

  • Ang pag-uulit-ulit ay mabuti. Mas epektibong natututuhan ng mga bata ang mga katotohanan ng ebanghelyo kapag ang mga katotohanang ito ay paulit-ulit na itinuturo sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad. Kung nakita mong epektibo sa mga bata ang isang aktibidad sa pag-aaral, isiping ulit-ulitin ito, lalo na kung mas maliliit na bata ang iyong tinuturuan. Maaari mo ring rebyuhin ang isang aktibidad mula sa nakaraang lesson.

  • Nais ng Ama sa Langit na magtagumpay ka bilang guro. Naglaan Siya ng maraming resource na tutulong sa iyo, kabilang na ang mga teacher council meeting. Sa mga miting na ito, maaari kang sumangguni sa iba pang mga guro tungkol sa mga hamon na kinakaharap mo. Maaari mo ring talakayin at praktisin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo.

  • Kung ikaw ay nagtuturo ng mga mas maliliit na bata at nangangailangan ng karagdagang tulong, tingnan ang “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Mas Maliliit na Bata” sa resource na ito.

  • Kabilang sa resource na ito ang mga outline para sa bawat linggo ng taon maliban sa dalawang Linggo kung kailan idinaraos ang pangkalahatang kumperensya. Sa mga Linggo na hindi idinaraos ang Primary dahil sa mga stake conference o sa iba pang dahilan, maaaring magpatuloy ang mga pamilya sa pagbabasa ng Aklat ni Mormon sa tahanan ayon sa nakaiskedyul sa outline. Para manatiling nasa iskedyul ang iyong klase sa Primary, maaari mong laktawan ang isang lesson o pagsamahin ang dalawang lesson. Para maiwasan ang kalituhan, maaaring ipaalam ng mga Primary president sa mga guro ang tungkol sa mga pagbabagong ito nang maaga.

pamilyang nag-aaral gamit ang laptop