“Oktubre 28–Nobyembre 3. I at II Kay Timoteo; Kay Tito; Kay Filemon: ‘Ikaw ay Maging Uliran ng mga Nagsisisampalataya’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)
“Oktubre 28–Nobyembre 3. I at II Kay Timoteo; Kay Tito; Filemon,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019
Oktubre 28–Nobyembre 3
I at II Kay Timoteo; Kay Tito; Kay Filemon
“Ikaw ay Maging Uliran ng mga Nagsisisampalataya”
Pag-aralan nang may panalangin ang I at II Kay Timoteo; Kay Tito; at Kay Filemon upang malaman kung paano mo magagamit ang mga sulat na ito para turuan ang mga bata sa katuwiran (tingnan sa II Kay Timoteo 3:16).
Itala ang Iyong mga Impresyon
Mag-anyayang Magbahagi
Hilingin sa mga bata na magkuwento tungkol sa isang tao na naging “uliran ng mga nagsisisampalataya” sa kanila. Ano ang ginagawa nila upang maging mabubuting halimbawa sa iba?
Ituro ang Doktrina
Nakababatang mga Bata
I Kay Timoteo 3:1–2; Kay Tito 1:7–9
Pinamumunuan ng mga bishop ang ward bilang mga lingkod ng Diyos.
Tinuruan ni Pablo sina Timoteo at Tito tungkol sa kahalagahan ng mga bishop. Paano mo maituturo sa mga bata kung ano ang ginagawa ng bishop? (Ang branch president ay maikukumpara sa isang bishop.)
Mga Posibleng Aktibidad
-
Magdrowing ng isang simpleng larawan ng inyong bishop sa pisara. Ipabanggit sa mga bata ang ilang bagay na alam nila tungkol sa bishop. Ano ang hitsura niya? Ano ang ginagawa niya? Paano niya pinagpapala ang ward? (Maaari mong mahanap ang ilang katangian ng isang bishop sa I Kay Timoteo 3:1–2 at Kay Tito 1:7–9.) Habang ibinabahagi ng mga bata ang kanilang mga ideya, isulat ang mga ito sa mga piraso ng papel at ipalagay sa mga bata ang mga ito sa pisara sa tabi ng drowing.
-
Isulat ang mga tungkulin ng bishop sa mga piraso ng papel—tulad ng pagtanggap ng mga ikapu at handog-ayuno, pagbibigay ng mga calling, pag-interbyu sa mga miyembro, pagtulong sa mga maralita at nangangailangan, at pagdarasal para sa iba. Ilagay ang mga papel na ito sa isang mangkok, at anyayahan ang bawat bata na pumili ng isa. Pagkatapos ay tulungan ang bata na isadula ninyo ang mga tungkuling ito. Magpatotoo na ang inyong bishop ay tinawag ng Diyos.
-
Anyayahan ang mga bata na idrowing ang bishop na naglilingkod sa mga miyembro ng ward. Imungkahi na ibigay nila ang drowing nila sa kanya para pasalamatan siya. Ano ang magagawa natin para tulungan siya?
Bawat miyembro ay maaaring maging “uliran ng mga nagsisisampalataya.”
Ano ang magagawa mo para mahikayat ang mga bata na magtiwala sa kanilang kakayahang maging mga “uliran ng mga nagsisisampalataya”?
Mga Posibleng Aktibidad
-
[NO TRANSLATION] Sabihin sa mga bata na sundan ang halimbawa mo sa pamamagitan ng paggaya sa ginagawa mo. Hayaang maghalinhinan ang mga bata na pamunuan ang klase sa paggaya sa kanilang ginagawa. Basahin ang I Kay Timoteo 4:12, at itanong sa mga bata kung ano ang magagawa nila upang maging mabubuting halimbawa sa iba.
-
Magbahagi ng isang karanasan na sinubukan mong maging isang magandang halimbawa sa isang tao o naging mabuting halimbawa sa iyo ang isang tao. Ipaunawa sa mga bata na kapag sila ay mabubuting halimbawa, matutulungan nila ang kanilang mga kapamilya at kaibigan.
Ang mga banal na kasulatan ay tutulong sa akin na malaman ang katotohanan.
Kung matutulungan mo ang mga bata na matutong mahalin ang mga banal na kasulatan, mapagpapala mo ang kanilang buhay sa darating na mga taon.
Mga Posibleng Aktibidad
-
Magpakita ng isang set ng mga banal na kasulatan, at tulungan ang mga bata na maging pamilyar sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng mga pahina ng pamagat ng Biblia, Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, at Mahalagang Perlas. Anyayahan ang isang bata na hawakan ang mga aklat na ito habang binabasa mo ang II Kay Timoteo 3:15–17. Ipaliwanag na inutusan na ng Ama sa Langit ang mga propeta sa buong kasaysayan na isulat ang mga katotohanang inihahayag Niya sa kanila. Malalaman natin ang mga katotohanang ito kapag binasa natin ang mga banal na kasulatan.
-
Magpakuwento sa mga bata tungkol sa pinakamahalaga nilang pag-aari. Ano ang ginagawa nila rito? Hayaan silang maghalinhinan sa paghawak sa mga banal na kasulatan at maingat na pagbubuklat ng mga pahina. Saan natin ginagamit ang mga banal na kasulatan? Bakit ba natin dapat pangalagaan nang husto ang mga ito? Tulungan ang mga bata na lumikha ng mga aksyong aakma sa mga awitin tungkol sa mga banal na kasulatan, tulad ng “Babasahin, Uunawain, at Mananalangin” o “Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon” (Aklat ng mga Awit Pambata, 66, 62).
Ituro ang Doktrina
Nakatatandang mga Bata
Maaari akong maging “uliran ng mga nagsisisampalataya.”
Medyo bata pa si Timoteo para maging isang pinuno ng Simbahan, ngunit gustong ipaalam sa kanya ni Pablo na maaari siyang maging isang halimbawa. Matutulungan mo ang mga batang tinuturuan mo na magkaroon ng tiwala sa kanilang kakayahang magpakita ng mabuting halimbawa.
Mga Posibleng Aktibidad
-
Sama-samang basahin ang I Kay Timoteo 4:12, at sabihin sa mga bata na hanapin ang anim na paraang sinabi ni Pablo na maaari tayong maging “uliran ng mga nagsisisampalataya.” Gawing pares-pares ang mga bata, at anyayahan ang bawat pares na mag-isip ng isang sitwasyon na maaari silang maging uliran ng mga nagsisisampalataya. Sabihin sa kanila na isadula ang kanilang sitwasyon sa buong klase.
-
Itanong sa mga bata kung gusto nilang magbahagi ng anumang karanasan kung kailan nagsikap silang maging mabuting halimbawa sa iba. Sabihin sa kanila kung paano sila naging uliran ng mga nagsisisampalataya sa iyo at kung ano ang napansin mong ipinapakita nila na mabubuting halimbawa sa iba.
Dapat kong mahalin ang mga bagay na walang-hanggan nang higit kaysa pera.
Sa daigdig na mas lalong nagiging materyalistiko, paano mo mapapanatili ang tuon at pagmamahal ng mga bata sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Mga Posibleng Aktibidad
-
Anyayahan ang mga bata na ikuwento kung ano ang bibilhin nila kung nasa kanila ang lahat ng pera sa mundo. Anyayahan ang isang bata na basahin ang I Kay Timoteo 6:7–12, at ipabuod sa iba pang mga bata ang itinuro ni Pablo kay Timoteo tungkol sa pera. Pagkatapos ay anyayahan ang mga bata na muling basahin ang mga talata, na hinahanap ang mga bagay na binanggit ni Pablo na mas mahalaga kaysa pera.
-
Maglatag ng mga larawan ng mga makamundong bagay (tulad ng pera, mga laruan, o libangan) at ng mga bagay na walang-hanggan (tulad ng mga pamilya o templo). Anyayahan ang mga bata na igrupo ang mga larawan sa dalawang pangkat—mga bagay na mas naglalapit sa atin kay Cristo at mga bagay na maaaring makagambala sa pagtutuon natin kay Cristo kung mas mamahalin natin ang mga ito kaysa sa Kanya. Bakit “pag-ibig sa salapi [ang] ugat ng lahat ng uri ng kasamaan”?
Ibinigay sa atin ng Ama sa Langit ang mga banal na kasulatan upang maipaalam sa atin ang katotohanan at kamalian.
Maaaring maranasan ng mga bata ang mga pagpapala ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan. Habang tinuturuan mo ang mga bata tungkol sa mga banal na kasulatan, humanap ng mga paraan para mahikayat silang magkaroon ng magagandang karanasan sa salita ng Diyos.
Mga Posibleng Aktibidad
-
Anyayahan ang mga bata na basahin ang II Kay Timoteo 3:15–17. Magdala ng isang larawan na nagpapakita ng isang kuwento mula sa bawat isa sa apat na pamantayang banal na kasulatan, at ilagay ang mga larawan sa isang kahong may takip. Anyayahan ang ilang bata na pumili ng isang larawan at isalaysay ang kuwento. Itanong sa mga bata kung may maibabahagi pa sila tungkol sa aklat na iyon ng banal na kasulatan. Paano “makapag[pa]padunong sa [atin] sa ikaliligtas” ang mga banal na kasulatan?
-
Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang paborito nilang talata o karanasan kung kailan nakatulong sa kanila ang isang katotohanan sa mga banal na kasulatan. Maaari ka ring magbahagi ng sarili mong talata o karanasan.
-
Ipabasa sa isang bata ang Moroni 10:4–5. Ano ang ipinangako ni Moroni sa mga talatang ito? Itanong sa mga bata kung ano na ang nagawa nila para magkaroon ng patotoo na ang mga banal na kasulatan ay totoo. Anyayahan silang magbasa o makinig sa mga banal na kasulatan nang regular.
Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan
Anyayahan ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang natutuhan nila tungkol sa mga banal na kasulatan at maghanap ng isang talata sa banal na kasulatan na maibabahagi nila sa klase sa susunod na linggo (sa tulong ng kanilang mga magulang, kung kailangan).