Bagong Tipan 2023
Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata


“Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2023 (2023)

“Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2023

Larawan
mga babaeng nagtuturo sa mga batang musmos sa silid-aralan sa simbahan

Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata

Ang resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa SimbahanniJesucristo.org.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya

Maaari mong iakma ang mga aktibidad mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para magamit sa inyong klase sa Primary. Huwag mag-alala kung nagawa na ng mga bata ang mga aktibidad na ito sa bahay kasama ng kanilang mga pamilya; ang pag-uulit ay tumutulong sa mga bata na matuto. Maaaring gustong sabihin sa iyo ng mga bata kung paano nila ginawa ang mga aktibidad kasama ng kanilang pamilya at kung ano ang natutuhan nila.

Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata

Ang sagradong musika ay nag-aanyaya sa Espiritu, tumutulong sa atin na madama ang pagmamahal ng Diyos, at nagtuturo ng doktrina sa di-malilimutang paraan. Bukod pa sa paggamit ng mga print version ng Mga Himno at ng Aklat ng mga Awit Pambata , makakakita ka ng mga video at audio recording ng maraming himno at awiting pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa Sacred Music at Gospel Media apps.

Para sa mga ideya, tingnan sa “Paggamit ng Musika upang Maituro ang Doktrina” at “Pagtulong sa mga Bata na Matutuhan at Maalala ang mga Awitin sa Primary at mga Himno” sa apendiks ng manwal na ito.

Masdan ang Inyong mga Musmos

Marami sa mga paksang tinalakay sa Masdan ang Inyong mga Musmos: Manwal sa Nursery ang kapareho ng mga ituturo mo sa Primary. Lalo na kung nagtuturo ka sa mas maliliit na bata, isiping tumingin sa manwal ng nursery para sa karagdagang mga awitin, kuwento, aktibidad, at crafts.

Kaibigan

Ang magasing Kaibigan ay mayroong mga kuwento at aktibidad na maaaring makadagdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Mga Kuwento sa Bagong Tipan

Ang Mga Kuwento sa Bagong Tipan ay makakatulong sa mga bata na matutuhan ang doktrina at mga kuwentong matatagpuan sa Bagong Tipan. Makakakita ka rin ng mga video ng mga kuwentong ito sa Gospel Library app at sa GospelMedia.ChurchofJesusChrist.org.

Coloring Book ng mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan—Bagong Tipan

Ang resource na ito ay naglalaman ng mga kukulayang pahina ng aktibidad na idinisenyo upang mapahusay ang pagkatuto ng mga bata mula sa Bagong Tipan.

Mga Video at Sining

Ang mga gawang-sining, video, at iba pang media ay makakatulong sa mga tinuturuan mo na maunawaan ang doktrina at mailarawan sa kanilang isipan ang mga kuwentong may kaugnayan sa mga banal na kasulatan. Bumisita sa Gospel Media sa GospelMedia.ChurchofJesusChrist.org para ma-browse ang koleksyon ng media resources ng Simbahan. Makukuha rin ang Gospel Media bilang mobile app. Maraming larawang magagamit mo sa klase ang matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo .

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay maaaring makatulong sa iyo na matutuhan at gamitin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng pagtuturo ni Cristo. Ang mga alituntuning ito ay tinatalakay at isinasagawa sa mga teacher council meeting.

Print