“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Aklat ni Mormon 2020 (2020)
“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2020
Karagdagang Resources
Ang resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa ChurchofJesusChrist.org.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya
Maaari mong iakma ang anumang aktibidad mula sa resource na ito para magamit sa klase mo sa Sunday School. Kung nagamit na ng mga miyembro ng klase ang mga aktibidad na ito sa kanilang personal na pag-aaral o sa pag-aaral ng pamilya ng mga banal na kasulatan, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga karanasan at kabatiran.
Mga Magasin ng Simbahan
Ang mga magasing New Era, Ensign, at Liahona ay may mga artikulo at iba pang mga tampok na maaaring makaragdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School.
Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata
Ang sagradong musika ay nag-aanyaya ng Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa paraan na madali itong matandaan. Bukod sa mga print version ng Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata, matatagpuan mo ang mga recording ng maraming himno at awiting pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa LDS Music at LDS Media Library apps.
Media Library
Ang artwork, mga video, at iba pang media ay makakatulong sa mga tinuturuan mo na ilarawan sa isipan ang doktrina at mga kuwentong matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Bisitahin ang medialibrary.ChurchofJesusChrist.org para ma-browse ang koleksyon ng media resources ng Simbahan, kabilang na ang koleksyon ng Book of Mormon Videos, na nagpapakita ng mga pangyayari sa Aklat ni Mormon. Makukuha rin ang media resources sa LDS Media Library app.
Sining ng Ebanghelyo
Ang artwork ay makakatulong sa mga tinuturuan mo na ilarawan sa isipan ang doktrina at mga kuwentong matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Maraming larawang magagamit mo sa klase ang matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, sa medialibrary.ChurchofJesusChrist.org, at sa LDS Music at LDS Media Library apps.
Mga Manwal sa Seminary at Institute
Ang mga manwal sa seminary at institute ay naglalaman ng kasaysayan at komentaryong doktrinal para sa mga alituntuning matatagpuan sa mga banal na kasulatan. Maaari din itong magganyak ng mga ideya sa pagtuturo para sa mga klase sa Sunday School.
Mga Paksa ng Ebanghelyo
Sa topics.ChurchofJesusChrist.org matatagpuan mo ang pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa ng ebanghelyo, pati na ang mga link sa makakatulong na resources, tulad ng kaugnay na mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, artikulo, banal na kasulatan, at video. Matatagpuan mo rin ang Gospel Topics Essays, na nagbibigay ng detalyadong mga sagot sa mga tanong tungkol sa doktrina at kasaysayan.
Tapat sa Pananampalataya
Ang resource na ito ay nagbibigay ng mga simpleng paliwanag tungkol sa mga paksa ng ebanghelyo, na nakalista nang sunud-sunod ayon sa alpabeto.
Mangaral ng Aking Ebanghelyo
Ang gabay na ito para sa mga missionary ay nagbibigay ng buod ng mga pangunahing alituntunin ng ebanghelyo.
Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ang resource na ito ay binabalangkas ang mga pamantayan ng Simbahan na maaaring makatulong sa atin na manatiling karapat-dapat sa mga pagpapala ng Panginoon. Isiping sumangguni rito nang madalas, lalo na kung mga kabataan ang tinuturuan mo.
Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas
Matutulungan ka ng resource na ito na matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo. Ang mga alituntuning ito ay tinatalakay at pinapraktis sa mga teacher council meeting.