Doktrina at mga Tipan 2021
Marso 15–21. Doktrina at mga Tipan 27–28: “Lahat ng Bagay ay Kailangang Maisagawa nang May Kaayusan”


“Marso 15–21. Doktrina at mga Tipan 27–28: ‘Lahat ng Bagay ay Kailangang Maisagawa nang May Kaayusan,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Marso 15–21. Doktrina at mga Tipan 27–28,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

Joseph Smith

Marso 15–21

Doktrina at mga Tipan 27–28

“Lahat ng Bagay ay Kailangang Maisagawa nang May Kaayusan”

Bagama’t ang mga kaganapang humantong sa mga paghahayag sa Doktrina at mga Tipan 27–28 ay nangyari sa ibang panahon at lugar, ang mga alituntuning itinuro sa mga bahaging ito ay may kabuluhan ngayon. Anong mga alituntunin ang maaaring magpala sa mga miyembro ng klase mo sa mga sitwasyong kinakaharap nila?

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Bigyan ng ilang minuto ang mga miyembro ng klase para rebyuhin ang Doktrina at mga Tipan 27–28 at maghanap ng isang talata o parirala na makabuluhan para sa kanila. Para mabigyan ng pagkakataon ang lahat na magbahagi, maaari mong hatiin ang mga miyembro ng klase nang magkakapares para ibahagi ang nakita nila.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Doktrina at mga Tipan 27:1–2

Dapat nating tanggapin ang sakramento nang may matang nakatuon sa kaluwalhatian ng Diyos.

  • Para makahikayat ng talakayan tungkol sa Doktrina at mga Tipan 27:1–2, isiping sumulat ng isang tanong na tulad nito sa pisara: Ano ang itinuro sa atin ng Tagapagligtas tungkol sa layunin ng sakramento? Maaaring maghanap ang mga miyembro ng klase ng mga parirala sa mga talatang ito na tumutulong sa kanila na sagutin ang tanong. Maaaring handa silang ibahagi ang mga impresyong natanggap nila kung paano magkaroon ng mas sagradong karanasan kapag tumatanggap ng sakramento.

    Maaaring makatagpo ang mga miyembro ng klase ng iba pang mga ideya sa pagbabasa sa sinabi ng Tagapagligtas nang pasimulan niya ang sakramento (tingnan sa Lucas 22:19–20; 3 Nephi 18:1–11). Kung naroon ang Tagapagligtas sa ating sacrament meeting, ano kaya ang maaari nating gawin na naiiba?

    tinapay at saro ng sakramento

    Ang sakramento ay naglalaman ng mga simbolo ng sakripisyo ng Tagapagligtas.

Doktrina at mga Tipan 27:15–18

Tutulungan tayo ng baluti ng Diyos na paglabanan ang kasamaan.

  • Paano mo maipapaunawa sa mga miyembro ng klase kung paano gamitin ang baluti ng Diyos para paglabanan ang kasamaan sa ating panahon? Maaari mong sabihin sa isang tao na idrowing sa pisara ang baluting nakalarawan sa mga talata 15–18. Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase ang anumang ideyang natuklasan nila sa kanilang personal na pag-aaral tungkol sa mga piraso ng baluti. O maaaring basahin ng klase ang Doktrina at mga Tipan 27:15–18 at sulatan ang mga piraso ng baluti sa pisara at ang mga bahagi ng katawan na pinoprotektahan nito. Ano ang ibig sabihin ng isuot ang baluti ng Diyos? Marahil ay maaaring pag-usapan ng mga miyembro ng klase kung paano tayo pinoprotektahan ng Panginoon sa kasamaan kapag suot natin ang baluti ng Diyos.

  • Kung mga kabataan ang tinuturuan mo, maaari mong ikonekta ang Doktrina at mga Tipan 27:15–18 sa mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. Halimbawa, maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang mga talata at talakayin kung bakit natin kailangan ang baluti ng Diyos. Pagkatapos ay maaari silang magpares-pares at rebyuhin ang isa sa mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. Ano ang matututuhan natin sa mga talatang ito tungkol sa mga pag-atake ni Satanas sa atin? Paano tayo matutulungan ng baluti ng Diyos na paglabanan ang mga pag-atakeng ito? Paano natin maisusuot ang Kanyang baluti?

Doktrina at mga Tipan 28

Ang buhay na propeta ay tumatanggap ng paghahayag para sa Simbahan ng Panginoon.

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na matutuhan ang tungkulin ng propeta, maaari ninyong rebyuhin ang karanasang umakay kay Joseph Smith na magdasal at matanggap ang bahagi 28 (tingnan sa section heading), at pagkatapos ay maaari ninyong basahin ang mga talata 2–3, 6–7, 11–13. Paano sinusubukan ni Satanas na kumbinsihin tayong sundin ang mga taong hindi hinirang ng Panginoon? Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na nagpalakas sa kanilang patotoo na ang propeta ay tumatanggap ng paghahayag para sa Simbahan.

  • Ang isang paraan para marebyu ng mga miyembro ng klase ang Doktrina at mga Tipan 28 ay isipin na may kakilala sila na tumanggap kamakailan ng isang bagong tungkulin sa Simbahan. Ano ang maaari nating ibahagi mula sa Doktrina at mga Tipan 28:1–6, 13–16 para matulungan ang taong iyon sa kanyang tungkulin? Ang sipi sa “Karagdagang Resources” ay maaaring magdagdag ng mga kabatiran sa talakayan.

icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Humingi ng payo tungkol sa personal na paghahayag.

Itinuro ni Pangulong Joseph F. Smith at ng kanyang mga tagapayo sa Unang Panguluhan na:

“Kapag ang mga pangitain, panaginip, wika, propesiya, impresyon o anumang pambihirang kaloob o inspirasyon, ay nagpaparating ng isang bagay na hindi naaayon sa tanggap na mga paghahayag ng Simbahan o salungat sa mga desisyon ng hinirang na mga awtoridad nito, maaaring malaman ng mga Banal sa mga Huling Araw na ito ay hindi sa Diyos, gaano man ito mukhang kapani-paniwala. … Sa sekular gayundin sa espirituwal na mga gawain, maaaring tumanggap ng patnubay at paghahayag ang mga Banal na nakakaapekto sa kanilang sarili, ngunit hindi ito nagpaparating ng awtoridad na utusan ang iba. …

“Nakatala sa kasaysayan ng Simbahan ang maraming kunwaring paghahayag na inaangkin ng mga impostor o panatiko na naniwala sa mga pagpapakitang hinangad nila upang akayin ang ibang tao na tanggapin, at sa bawat pagkakataon, kabiguan, kalungkutan at kapahamakan ang idinulot nito” (Joseph F. Smith, Anthon H. Lund, Charles W. Penrose, “A Warning Voice,” Improvement Era, Set. 1913, 1148–49).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Magtuon sa tunay na doktrina. Itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer, “Ang tunay na doktrina, kapag naunawaan, ay nagpapabago ng asal at pag-uugali” (“Huwag Matakot,” Ensign o Liahona, Mayo 2004, 79). Kapag nagtuturo tayo, kailangan tayong magtuon sa mga turo ni Jesucristo kung gusto nating tumulong na magdala ng mga kaluluwa sa Kanya.