Doktrina at mga Tipan 2021
Marso 8–14. Doktrina at mga Tipan 23–26: “Palakasin ang Simbahan”


“Marso 8–14. Doktrina at mga Tipan 23–26: ‘Palakasin ang Simbahan,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Marso 8–14. Doktrina at mga Tipan 23–26,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

Emma Smith

Marso 8–14

Doktrina at mga Tipan 23–26

“Palakasin ang Simbahan”

Bago basahin ang outline na ito, basahin ang Doktrina at mga Tipan 23–26 at pagnilayan ang mga alituntunin na sa palagay mo ay magpapalakas sa mga miyembro ng iyong klase. Pagkatapos ay isipin kung anong resources ang makakatulong sa iyo na magturo, kabilang na ang mga iminungkahi sa outline na ito.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Anong mga pagpapala ang naranasan na natin habang “[inilalaan natin] ang [ating] panahon sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan”? (Doktrina at mga Tipan 26:1). Paano natin nadama ang Espiritu sa ating tahanan? Marahil ay maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase kung paano nila nadaig ang mga balakid o gambala para mag-ukol ng oras sa personal na pag-aaral at pag-aaral ng pamilya ng banal na kasulatan.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Doktrina at mga Tipan 23–26

Mapapalakas nating lahat ang Simbahan.

  • Maaari ninyong saliksikin ng mga miyembro ng klase kung ano ang ibig sabihin ng “manghikayat sa Simbahan” (Doktrina at mga Tipan 25:7). Maaari sigurong magbahagi ang isang tao ng mga kahulugan sa diksyunaryo ng manghikayat o mga halimbawa ng panghihikayat na nakita nila. Ano ang mga pagkakataon natin upang mahikayat ang isa’t isa? Paano nito pinalalakas ang Simbahan? Ano pa ang natututuhan natin sa Doktrina at mga Tipan 23–26 na makakatulong sa atin na palakasin ang Simbahan? Maaari mo ring talakayin kung paano naaangkop ang mga alituntuning ito sa pagpapalakas ng ating mga tahanan. Para magamit ang mga alituntuning ito sa ating mga pagsisikap na maglingkod, maaari mong rebyuhin ang mga bahagi ng mensahe ni Sister Bonnie H. Cordon na “Pagiging Isang Pastol” (Ensign o Liahona, Nob. 2018, 74–76).

Doktrina at mga Tipan 24

Ang Tagapagligtas ay maaari tayong “[iahon] mula sa [ating] mga pagdurusa.”

  • Ang paghahayag sa Doktrina at mga Tipan 24 ay ibinigay upang “palakasin, hikayatin, at tagubilinan” sina Joseph at Oliver sa isang panahon ng pagsubok (Doktrina at mga Tipan 24, section heading; tingnan din sa Mga Banal, 1:106–109). Maaari mong anyayahan ang klase na hanapin sa bahaging ito ang mga katibayan na alam ng Panginoon ang sitwasyon ni Joseph. Paano tinugunan ng Panginoon ang mga pangangailangan ni Joseph? Paano Niya ginagawa ito para sa atin ngayon? Maaari mong hilingin sa mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan kung kailan nadama nila na alam ng Panginoon ang kanilang personal na kalagayan at iniangat sila sa oras ng kanilang mga paghihirap.

    si Jesucristo na nagpapagaling ng mga tao

    Pinagaling Niya ang Maraming Iba’t Ibang Sakit, ni J. Kirk Richards

Doktrina at mga Tipan 25

Si Emma Smith ay isang “hinirang na babae.”

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na personal na makaugnay sa paghahayag ng Panginoon kay Emma Smith, isipin ang aktibidad na ito: Sabihin sa kalahati ng klase na saliksikin ang bahagi 25 para sa mga bagay na ipinagawa ng Panginoon kay Emma, at sabihin sa natitirang kalahati na magsaliksik ng mga bagay na ipinangako Niyang gagawin Niya. Anyayahan silang ilista ang makikita nila at ibahagi ang mga ito sa isa’t isa. Maaaring ibahagi ng ilang miyembro ng klase ang mga alituntuning talagang makabuluhan sa kanila.

  • Anong mga salita at parirala sa bahagi 25 ang sumusuporta sa sinabi ng Panginoon kay Emma Smith na, “Ikaw ay isang hinirang na babae”? (talata 3). Maaari ding talakayin ng mga miyembro ng klase kung paano ipinamuhay ni Emma ang mga alituntunin sa pahayag na ito. Kabilang sa makakatulong na resources ang “Thou Art an Elect Lady” (Revelations in Context, 33–39), at “Mga Tinig ng Panunumbalik” sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.

    5:23
  • Ayon sa Doktrina at mga Tipan 25:11–12, ano ang pakiramdam ng Panginoon tungkol sa sagradong musika? Marahil ay maaaring talakayin ng klase ang mga paraan ng paggamit ng mga himno upang anyayahan ang Espiritu sa kanilang tahanan.

Doktrina at mga Tipan 25:5, 14

Dapat nating hangaring magkaroon ng “diwa ng kaamuan.”

  • Pinayuhan ng Panginoon si Emma na “magpatuloy sa diwa ng kaamuan” (Doktrina at mga Tipan 25:14; tingnan din sa talata 5). Para saliksikin kung ano ang maaaring ibig sabihin nito, maaari mong isulat ang Kaamuan sa pisara at anyayahan ang mga miyembro ng klase na isulat sa tabi nito ang naiisip nila dahil sa salitang ito. Pagkatapos ay maaari nilang saliksikin ang bahagi 25 para sa mga salita at parirala na sa palagay nila ay may kaugnayan sa kaamuan at pagkatapos ay ibahagi ang nalaman nila. Maaari mong ibahagi ang pahayag ni Elder David A. Bednar sa “Karagdagang Resources.” Bakit mahalagang maging maamo?

Doktrina at mga Tipan 25:10, 13

Dapat nating hangarin ang mga bagay ng mas magandang daigdig.

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na masunod ang payo ng Panginoon na “isantabi muna ang mga bagay ng daigdig na ito, at hangarin ang mga bagay na mas mabuti” (Doktrina at mga Tipan 25:10), maaari ninyong hilingin sa kanila na maglista ng mga halimbawa ng “mga bagay ng daigdig na ito” at mga halimbawa ng “mga bagay [ng] mas mabuting [daigdig].” Anong payo ang maibabahagi natin sa isa’t isa na makakatulong sa atin na magtuon sa mga bagay na walang hanggan? Paano nauugnay ang payo sa talata 13 sa mithiing ito?

icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Ang kaamuan ay lakas.

Ipinaliwanag ni Elder David A. Bednar: “Ang pagiging maamo na katangian ni Cristo ay madalas na hindi nauunawaan [na]ng tama sa ating mundo ngayon. Ang pagiging maamo ay kalakasan, hindi kahinaan; kumikilos, at hindi pinakikilos; matapang, at hindi nahihiya; may pagpipigil, at hindi mapagmalabis; mapagpakumbaba, at hindi mapagmataas; at mabait, at hindi lapastangan. Ang maamong tao ay hindi madaling magalit, hindi mapagkunwari o mapanupil at handang kilalanin ang mga nagawa ng iba” (“Maamo at Mapagpakumbabang Puso,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 32).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Magpatotoo tungkol sa mga ipinangakong pagpapala. Kapag inanyayahan ninyo ang mga miyembro ng klase na kumilos ayon sa natututuhan nila, patotohanan ang mga pagpapalang naipangako ng Diyos (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 35).