Doktrina at mga Tipan 2021
Marso 1–7. Doktrina at mga Tipan 20–22: “Ang Pagsisimula ng Simbahan ni Cristo”


“Marso 1–7. Doktrina at mga Tipan 20–22: ‘Ang Pagsisimula ng Simbahan ni Cristo,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Marso 1–7. Doktrina at mga Tipan 20–22,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

tahanan ni Peter Whitmer

Tahanan ni Peter Whitmer, ni Al Rounds

Marso 1–7

Doktrina at mga Tipan 20–22

“Ang Pagsisimula ng Simbahan ni Cristo”

Itala ang mga espirituwal na impresyon mo habang pinag-aaralan mo ang Doktrina at mga Tipan 20–22. Ang ilan sa mga impresyong ito ay maaaring humantong sa mga ideya na makakatulong sa iyo habang ikaw ay nagtuturo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Sa pag-aaral nila sa tahanan, maaaring nagkaroon na ng kabatiran ang mga miyembro ng klase tungkol sa mga pagpapala ng pagkakaroon ng tunay na Simbahan sa lupa. Anyayahan silang magbahagi ng isang talata mula sa mga bahaging ito na naglalarawan kung bakit sila nagpapasalamat na naipanumbalik ang Simbahan.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Doktrina at mga Tipan 20–21

Naipanumbalik na ang Simbahan ni Jesucristo.

  • Maaaring makinabang ang mga miyembro ng klase sa pag-aaral ng mga pagkakatulad ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Simbahang itinatag ni Cristo noong unang panahon. Maaari kang magdrowing sa pisara ng isang tsart na may apat na column na may nakasulat na Doktrina, Mga Ordenansa, Awtoridad ng Priesthood, at Mga Propeta. Maaari mong ibigay ang sumusunod na mga reperensya tungkol sa Simbahan ni Cristo noong unang panahon: Mateo 16:15–19; Juan 7:16–17; Mga Taga Efeso 2:19–22; 3 Nephi 11:23–26; Moroni 4–5. Maaaring tukuyin ng mga miyembro ng klase kung ano ang itinuturo ng bawat talata tungkol sa Simbahan ni Cristo at isulat ang reperensya sa tamang column sa pisara. (Ang ilang reperensya ay maaaring umangkop sa mahigit sa isang column.) Magagawa rin nila ito para sa sumusunod na mga reperensya tungkol sa ipinanumbalik na Simbahan ni Cristo: Doktrina at mga Tipan 20:17–25, 60, 72–79; 21:1–2. Ano ang matututuhan mo tungkol sa Panunumbalik ng Simbahan ni Cristo mula sa pagkukumparang ito?

Doktrina at mga Tipan 20:37, 75–7922

Tinutulungan tayo ng sagradong mga ordenansa na maging katulad ng Tagapagligtas.

  • Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pag-aralan ang mga kwalipikasyon para sa binyag na inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 20:37, at hilingin sa kanila na pagnilayan ang mga tanong na tulad nito: Paano tayo tinutulungan ng mga kwalipikasyong ito na maghandang mabinyagan sa Simbahan ng Panginoon? Ano ang ibig sabihin ng taglayin sa ating sarili ang pangalan ni Cristo? (tingnan sa Mosias 5:5–12). Ano ang nakakatulong sa iyo upang mapanatili ang iyong “matibay na hangaring maglingkod [kay Jesucristo] hanggang wakas”?

  • Ano ang itinuturo ng bahagi 22 tungkol sa binyag? Hilingin sa mga miyembro ng klase na isipin na kunwari’y may isang kaibigan silang nabinyagan sa ibang simbahan. Maaari nilang basahin ang bahaging ito para makahanap ng payo na magpapaunawa sa kanilang kaibigan kung bakit kinakailangang mabinyagan sa ipinanumbalik na Simbahan ng Tagapagligtas. Maaaring isadula ng mga miyembro ng klase ang eksenang ito bilang isang klase o nang magkakapareha.

  • Basahin ang Doktrina at mga Tipan 20:75–79 nang sama-sama, at anyayahan ang mga miyembro ng klase na isipin kung ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang kapangyarihan sa ating buhay. Anong mga salita o parirala ang namumukod-tangi kapag binabasa natin ang mga panalangin sa sakramento sa ganitong paraan? Bakit mahalagang tumanggap ng sakramento bawat linggo?

    deacon na nagpapasa ng Sakramento

    Ang sakramento ay isang sagradong ordenansa.

Doktrina at mga Tipan 20:38–60

Ang paglilingkod sa priesthood ay nagpapala sa mga miyembro ng Simbahan at sa kanilang pamilya.

  • Maaaring makatulong ang paglalarawan sa mga tungkulin ng priesthood sa Doktrina at mga Tipan 20:38–60 sa mga miyembro ng klase mo na mapalawak ang kanilang pagkaunawa sa paglilingkod sa priesthood. Maaari mo siguro silang anyayahang isipin na kunwari’y oordenan na ang isang kaibigan o kapamilyang nabinyagan kamakailan sa isang katungkulan sa priesthood. Paano nila gagamitin ang mga talatang ito upang maipaunawa sa kanya ang kanyang mga tungkulin? Anong mga halimbawa ang ibabahagi nila upang maipaunawa sa kanya kung paano siya matutulungan ng pagganap sa mga tungkuling iyon na maging higit na katulad ni Jesucristo? Marahil ay maaari nilang isadula ang pag-uusap na ito.

    Bukod pa rito, paano nila maaaring gamitin ang mga talatang ito para ipakita sa isang bagong binyag na sister kung paano siya makakabahagi sa gawaing inilarawan dito? (Ang pahayag sa “Karagdagang Resources” ay maaaring makatulong.)

Doktrina at mga Tipan 21:4–7

Pinagpapala tayo kapag tinatanggap natin ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang propeta.

  • Ang Doktrina at mga Tipan 21 ay naglalaman ng mabibisang pahayag tungkol sa pagsunod sa propeta ng Panginoon. Para matulungan ang mga miyembro ng klase na pagnilayan at talakayin ang mga pahayag na ito, hilingin sa kanila na saliksikin ang mga talata 4–7 para sa isang parirala na gusto nilang mas maunawaan at isulat ang parirala sa pisara. Pumili ng ilan sa mga parirala, at talakayin bilang isang klase ang maaaring kahulugan nito. Ano ang itinuturo sa atin ng mga talatang ito tungkol sa pagsunod sa propeta ng Panginoon?

icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Lahat tayo ay gumagawa nang may kapangyarihan ng priesthood.

“Ang mga lalaki ay inoorden sa mga katungkulan ng priesthood, samantalang inaanyayahan kapwa ang mga lalaki at ang mga babae na maranasan ang kapangyarihan at mga pagpapala ng priesthood sa kanilang buhay. …

“… Nangangaral at nagdarasal [ang mga babae] sa mga kongregasyon, pinupunan nila ang maraming posisyon ng pamumuno at paglilingkod, lumalahok sila sa mga priesthood council sa lokal at pangkalahatang lebel, at naglilingkod sa pormal na mga misyon na ituro ang ebanghelyo sa mga tao sa buong mundo. Sa ganito at sa iba pang mga paraan, gumagamit ng awtoridad ng priesthood ang kababaihan kahit hindi sila inoorden sa katungkulan ng priesthood. …

“… Sa mga tungkulin sa Simbahan, ordenansa sa templo, ugnayan sa pamilya, at tahimik at indibiduwal na ministeryo, ang mga babae at lalaking Banal sa mga Huling Araw ay sumusulong nang may kapangyarihan at awtoridad ng priesthood. Ang pag-uugnay ng kalalakihan at kababaihan sa pagsasakatuparan ng gawain ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan ay mahalaga sa ebanghelyo ni Jesucristo” (Gospel Topics, “Joseph Smith’s Teachings about Priesthood, Temple, Women,” topics.ChurchofJesusChrist.org).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Sama-sama tayong natututo. Bilang guro, natututo ka kasabay ng klase mo. Ipakita ang kahandaan mong matuto mula sa kanila sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga ideya.