“Pebrero 22–28. Doktrina at mga Tipan 18–19: ‘Ang Kahalagahan ng mga Kaluluwa ay Dakila,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)
“Pebrero 22–28. Doktrina at mga Tipan 18–19,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021
Pebrero 22–28
Doktrina at mga Tipan 18–19
“Ang Kahalagahan ng mga Kaluluwa ay Dakila”
Sa pamamagitan lamang ng Espiritu Santo maaaring magbago ang puso ng isang tao. Itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring, “Kung nagtuturo ka ng mga doktrinal na alituntunin, darating ang Espiritu Santo” (“Discussion with Elder Richard G. Scott and Elder Henry B. Eyring” [Church Educational System satellite training broadcast, Ago. 11, 2003]).
Itala ang Iyong mga Impresyon
Mag-anyayang Magbahagi
Para mahikayat ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa mga banal na kasulatan, sama-samang basahin ang Doktrina at mga Tipan 18:34–36. Pagkatapos ay hilingin sa mga miyembro ng klase na magbahagi ng isang talatang nabasa nila sa linggong ito kung saan nakilala nila ang tinig ng Panginoon.
Ituro ang Doktrina
Doktrina at mga Tipan 18:10–16; 19:15–20, 39–41
Nagagalak ang Panginoon kapag nagsisisi tayo.
-
Iniuugnay ng maraming tao ang pagsisisi sa mga negatibong damdamin. Paano matutulungan ng mga salita ng Panginoon sa Doktrina at mga Tipan 18 at 19 ang mga miyembro ng klase na ituring ang pagsisisi na isang bagay na masaya? Maaari mong isulat sa pisara ang Ang pagsisisi ay at hilingin sa mga miyembro ng klase na magmungkahi ng mga paraan para makumpleto ang pangungusap na ito, batay sa nabasa nila mula sa mga bahagi 18 at 19. (Maaari ninyong pag-aralang muli ng klase ang Doktrina at mga Tipan 18:10–16; 19:15–20, 39–41 .)
-
Ano ang ibig sabihin ng “ipangaral ang pagsisisi”? (Doktrina at mga Tipan 18:14). Maaaring pag-isipan ng mga miyembro ng klase ang tanong na ito habang binabasa nila ang Doktrina at mga Tipan 18:10–16. Bakit pinipili ng mga tao kung minsan na huwag magsisi? Paano natin mahihikayat ang mga mahal natin na lumapit sa Tagapagligtas at tumanggap ng kapatawaran? Hikayatin ang mga miyembro ng klase na maghanap ng isang bagay sa Doktrina at mga Tipan 18:10–16 o 19:15–20 na maaaring makatulong.
Doktrina at mga Tipan 18:10–16
“Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos.”
-
Paano mo maipapaunawa sa mga miyembro ng klase kung gaano kahalaga ang bawat isa sa atin sa paningin ng Diyos? Maaari siguro nilang basahin ang Doktrina at mga Tipan 18:10–16 at ibahagi ang mga karanasan kung saan naunawaan nila ang kanilang kahalagahan sa Diyos. Paano naaapektuhan ng mga talatang ito ang tingin natin sa ating sarili? sa ibang tao? Paano ipinapakita sa atin ng Diyos na malaki ang kahalagahan natin sa Kanya?
Doktrina at mga Tipan 19:15–19
Si Jesucristo ay nagdusa para sa buong sangkatauhan.
-
Paano mo maipadarama sa mga miyembro ng klase ang pagsaksi ng Espiritu Santo habang pinagninilayan nila ang paglalarawan ng Tagapagligtas sa Kanyang sariling nagbabayad-salang pagdurusa? (Doktrina at mga Tipan 19:15–19). Marahil ay maaari mong anyayahan ang isang tao na kantahin ang isang paborito niyang himno tungkol sa Tagapagligtas. Maaari mo ring idispley ang isang larawan ng Tagapagligtas at anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin ang mga talata 15–19; pagkatapos ay maaari nilang isulat ang kanilang mga iniisip at nadarama. (Maaari ding magpalalim ang mga salita ni Elder D. Todd Christofferson sa “Karagdagang Resources” sa pagpapahalaga ng mga miyembro ng klase sa pagdurusa ng Tagapagligtas.) Ang ganitong pangungusap sa pisara ay maaaring makatulong sa mga miyembro ng klase na magnilay-nilay: Nagpapasalamat ako para sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo dahil … Maaaring handa ang ilang miyembro ng klase na ibahagi ang isinulat nila at magpatotoo tungkol kay Jesucristo.
Doktrina at mga Tipan 19:16–26, 34–41
Ang paggawa ng kalooban ng Diyos ay kadalasang nangangailangan ng sakripisyo.
-
Kapag nahaharap ang mga miyembro ng klase sa mga sitwasyon kung saan kailangan nilang magsakripisyo para sa ebanghelyo, maaari sila nitong mahikayat na malaman ang tungkol sa sakripisyong ginawa ni Martin Harris para mailathala ang Aklat ni Mormon. Maaari mo sigurong anyayahan ang isang tao na pumasok sa klase na handang magkuwento tungkol sa desisyon ni Martin na isangla ang kanyang sakahan para mabayaran ang paglilimbag ng Aklat ni Mormon (tingnan sa Mga Banal, 1:87–90). Anong mga talata sa bahagi 19 ang maaaring nakatulong sa kanya na magdesisyon? Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi kung paano sila napagpala ng Aklat ni Mormon at kung gaano kalaki ang pasasalamat nila sa sakripisyo ni Martin Harris at ng iba pa para mailathala ang aklat.
-
Marahil ay maaaring ibahagi ng isang tao sa klase ang isang sakripisyong nagawa nila para sa Panginoon. Maaari itong makahikayat sa mga miyembro ng klase na pag-isipan ang sarili nilang kahandaang magsakripisyo. Hikayatin silang magbahagi ng anumang bagay na nalaman nila mula sa Doktrina at mga Tipan 19 na naghihikayat sa kanila na magsakripisyo para magawa ang kalooban ng Diyos (tingnan lalo na sa mga talata 16–26, 34–41).
Karagdagang Resources
Ang kapalit ng pag-ibig ng Diyos.
Patungkol sa Doktrina at mga Tipan 19:18, sinabi ni Elder D. Todd Christofferson: “Isipin natin ang dinanas ng Diyos dahil sa pag-ibig Niya sa atin. … Ang Kanyang pagdurusa sa Getsemani at sa krus ay mas matindi kaysa makakaya ng sinumang mortal. Gayunpaman, dahil sa pag-ibig niya sa Kanyang Ama at sa atin, nagtiis Siya, at dahil dito, mabibigyan Niya tayo kapwa ng imortalidad at ng buhay na walang hanggan” (“Magsipanahan sa Aking Pag-ibig,” Ensign o Liahona, Nob. 2016, 50).