“Pebrero 15–21. Doktrina at mga Tipan 14–17: ‘Tumayo Bilang Isang Saksi,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)
“Pebrero 15–21. Doktrina at mga Tipan 14–17,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021
Pebrero 15–21
Doktrina at mga Tipan 14–17
“Tumayo Bilang Isang Saksi”
Pag-isipan ang doktrina at mga kaganapang inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 14–17. Paano mo hihikayatin ang mga taong tinuturuan mo na “tumayo bilang isang saksi sa mga bagay [na ito]”? (Doktrina at mga Tipan 14:8).
Itala ang Iyong mga Impresyon
Mag-anyayang Magbahagi
Ano ang natagpuan ng mga miyembro ng klase mo na makabuluhan sa kanilang personal na pag-aaral o pag-aaral ng pamilya ng banal na kasulatan? Marahil ay maaari mong anyayahan ang klase na magbahagi ng isang kabatiran tungkol sa pakikibahagi sa gawain ng Panginoon mula sa bawat bahagi sa Doktrina at mga Tipan 14–17.
Ituro ang Doktrina
Inaanyayahan tayo ng Panginoon na makibahagi sa Kanyang gawain.
-
Ano ang nalalaman ng mga miyembro ng klase tungkol sa pamilya Whitmer? (tingnan sa Mga Banal, 1:78–79). Maaaring makatulong sa kanila na ilista sa pisara ang ilang impormasyon tungkol sa mga Whitmer. Paano mas naipapaunawa sa atin ng impormasyong ito ang payo ng Panginoon sa mga Whitmer sa mga bahagi 14–16? Halimbawa, bakit kaya naikumpara ng Panginoon ang Kanyang gawain sa pag-aani sa bukid?
-
Para matulutan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mga ideya tungkol sa pakikibahagi sa gawain ng Panginoon, maaari mong isulat ang sumusunod na mga reperensya sa pisara: Doktrina at mga Tipan 14:1; 14:2–4; 14:5, 8; 14:6–7; 14:9–11; 15:6. Maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang isa sa mga talatang ito nang magkakapareha at talakayin ang natutuhan nila tungkol sa gawain ng Panginoon. Maaaring ibahagi sa klase ng ilan sa magkakapareha ang tinalakay nila.
-
Anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa pagtulong sa iba na lalo pang lumapit sa Tagapagligtas, pati na bilang mga full-time o service missionary at sa pamamagitan ng ministering. Paano nila nakita na natupad ang mga salita ng Panginoon sa Doktrina at mga Tipan 15:6 at 16:6 sa kanilang buhay? Ano ang matututuhan natin mula sa mga bahaging ito na makakatulong sa atin na ibahagi ang ebanghelyo?
Maaari tayong manatiling tapat sa nalalaman natin, kahit itakwil tayo ng iba.
-
Bakit naglaan ang Panginoon ng mga saksi sa Aklat ni Mormon? Maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng mga ideyang pumasok sa isip nila habang binabasa nila ang Doktrina at mga Tipan 17. Matatagpuan ang mga karagdagang ideya sa mga talatang tinukoy sa heading ng bahagi 17 o sa “Ang Patotoo ng Tatlong Saksi,” na matatagpuan sa simula ng Aklat ni Mormon. Paano nakaapekto ang patotoo ng Tatlong Saksi sa ating patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon?
-
Kahit hindi pa tayo nakakita ng mga anghel o nakahawak sa mga laminang ginto, maaari pa rin nating patotohanan ang Aklat ni Mormon. Ano ang matatagpuan ng mga miyembro ng klase sa bahagi 17 (kabilang na ang section heading) na sa palagay nila ay naaangkop sa kanila? Kung may magtanong kung bakit tayo naniniwala na ang Aklat ni Mormon ay totoo, ano ang sasabihin natin? Marahil ay maaaring sumulat ang mga miyembro ng klase ng maikling sagot, at maaari mong anyayahan ang ilan na ibahagi ang isinulat nila. Ang pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson sa “Karagdagang Resources” ay maaaring maghikayat sa mga miyembro na patotohanan sa iba ang Aklat ni Mormon.
-
Maaaring magbigay-inspirasyon na ibahagi ng isang miyembro ng klase ang mga karanasan ng iba pang mga saksi sa mga laminang ginto (tingnan sa “Ang Patotoo ng Walong Saksi” sa Aklat ni Mormon at karanasan ni Mary Whitmer sa Mga Banal, 1:80–81). Ano ang matututuhan natin mula sa mga karanasan ng mga saksing ito?
25:5
Karagdagang Resources
Pagbabahagi ng ating patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon.
Ibinigay ni Pangulong Ezra Taft Benson ang sumusunod na paanyaya sa mga miyembro ng Simbahan noong 1988:
“Ang Aklat ni Mormon ang kasangkapang nilayon ng Diyos upang papangyarihin Niyang ‘umabot sa buong mundo gaya ng isang baha, upang tipunin ang [Kanyang] mga hinirang.’ (Moises 7:62.) Kailangang mas isentro natin sa sagradong aklat na ito ng banal na kasulatan ang ating pangangaral, ating pagtuturo, at ating gawaing misyonero.
“… Sa panahong ito ng electronic media at maramihang pamamahagi ng nakalimbag na salita, pananagutin tayo ng Diyos kung hindi natin isusulong ang Aklat ni Mormon sa pambihirang paraan.
“Mayroon tayong Aklat ni Mormon, mayroon tayong mga miyembro, mayroon tayong mga missionary, mayroon tayong mapagkukunan, at may pangangailangan ang mundo. Ngayon na ang panahon!
“Mahal kong mga kapatid, hindi natin maaarok ang kapangyarihan ng Aklat ni Mormon, ni ang banal na tungkuling kailangang gampanan nito, ni kung hanggang saan ito kailangang isulong” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Ezra Taft Benson [2014], 167–68).