Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Nobyembre 11–17. Mga Hebreo 7–13: ‘Dakilang Saserdote ng Mabubuting Bagay na Darating’


“Nobyembre 11–17. Mga Hebreo 7–13: ‘Dakilang Saserdote ng Mabubuting Bagay na Darating’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Nobyembre 11–17. Mga Hebreo 7–13,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2019

binabasbasan ni Melquisedec si Abram

Binabasbasan ni Melquisedec si Abram, ni Walter Rane

Nobyembre 11–17

Mga Hebreo 7–13

“Dakilang Saserdote ng Mabubuting Bagay na Darating”

Habang binabasa mo ang Mga Hebreo 7–13, pagnilayan kung ano ang mensahe ng Panginoon para sa mga Banal na Hebreo. Hanapin din ang mga mensahe Niya sa iyo at sa mga tinuturuan mo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Bago magklase, anyayahan ang ilang miyembro ng klase na pumasok na handang magbahagi ng mga talata mula sa Mga Hebreo 7–13 na makakatulong sa kanila na “magsilapit [sa Diyos] na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya” (Mga Hebreo 10:22).

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Mga Hebreo 7:1–22

Ang pamumuhay nang marapat sa mga tipan at pagpapala ng Melchizedek Priesthood ay humahantong sa kadakilaan.

  • Ang isang paraan para masiyasat ang kabanatang ito ay anyayahan ang mga miyembro ng klase na isulat sa pisara ang ilang tunay na pahayag tungkol sa Melchizedek Priesthood (para sa mga ideya, maaari nilang basahin ang “Melchizedek Priesthood” sa Tapat sa Pananampalataya, 76–77). Pagkatapos ay maaari nilang saliksikin ang Mga Hebreo 7:1–22 para sa mga pariralang sumusuporta sa mga pahayag na nasa pisara. Maaari din nilang gamitin ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan para makita ang iba pang mga suportang talata sa banal na kasulatan.

  • Sa Mga Hebreo 7:11 itinanong ni Pablo, “Anong kailangan pa na magbangon ang ibang saserdote, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa pagkasaserdote ni Aaron?” Sa madaling salita, bakit natin kailangan ang Melchizedek Priesthood bukod pa sa Aaronic Priesthood? Marahil ay maaaring maghanap ang mga miyembro ng klase ng mga posibleng sagot sa Tapat sa Pananampalataya, “Aaronic Priesthood” at “Melchizedek Priesthood.” Maaari mo rin silang anyayahang isipin ang mga pagpapala sa atin dahil sa dalawang priesthood na ito (tingnan din sa pahayag ni Sister Sheri L. Dew sa “Karagdagang Resources”). Paano naranasan ng mga miyembro ng klase ang mga pagpapalang ito?

Mga Hebreo 8–10

Ang mga sinauna at makabagong ordenansa ay nakatuon kay Jesucristo.

  • Kahit hindi tayo nag-aalay ng mga sakripisyong hayop, nakikibahagi tayo sa mga ordenansa ngayon na itinutuon ang ating kaluluwa kay Cristo, sa kahalintulad na paraan, at nagbibigay ng “awtorisadong pamamaraan para dumaloy ang mga pagpapala at kapangyarihan ng langit sa ating sariling buhay” (David A. Bednar, “Panatilihin sa Tuwina ang Kapatawaran ng Inyong mga Kasalanan,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 60). Marahil ay maaari ninyong sama-samang siyasatin ang ilang detalye tungkol sa mga sinaunang ordenansang nakalarawan sa Mga Hebreo 8–10 at ang simbolikong kahulugan ng mga ito. Halimbawa, ano ang kinakatawan ng dugo ng mga baka at kambing? (tingnan sa Mga Hebreo 9:13–14). Sino ang kinakatawan ng high priest? (tingnan sa Mga Hebreo 9:24–26).   Paano tayo napagpala ng mga makabagong ordenansa at natulungang magtuon kay Jesucristo? Ano ang magagawa natin para maging mas makabuluhan at nakatuon ang mga ordenansang ito sa Tagapagligtas?

Mga Hebreo 10:34–3811

Ang pananampalataya ay nangangailangan ng pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos.

  • Para maunawaan ng mga miyembro ng klase ang mga turo ni Pablo tungkol sa pananampalataya, maaari kang magsimula sa pagpapaisip sa kanila kung paano nila ilalarawan ang pananampalataya sa isang pangungusap. Pagkatapos, basahin at talakayin bilang isang klase ang kahulugang ibinigay ni Pablo sa Mga Hebreo 11:1. Maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na grupo at atasan ang bawat grupo na pag-aralan ang isa sa mga taong binanggit sa Mga Hebreo 11. Maaaring gamitin ng mga miyembro ng klase ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan para rebyuhin ang mga karanasan ng taong iyon sa Lumang Tipan, at pagkatapos ay maaaring ibahagi sa klase ng isang kinatawan ng bawat grupo ang natagpuan ng grupo. Paano ipinakita ng mga taong ito na nadama nila ang “katiyakan tungkol sa mga bagay na inaasahan”? (Joseph Smith Translation, Hebrews 11:1). Anong iba pang mga halimbawa ng matatapat na tao ang maibabahagi ng mga miyembro ng klase? Kailan tayo nanampalataya sa mga pangakong hindi pa natupad?

  • Maaaring masayang gumawa ng isang laro para tulungan ang mga miyembro ng klase na matuto tungkol sa pananampalataya mula sa Mga Hebreo 11. Halimbawa, maaari mong hatiin ang klase sa dalawang pangkat at tanungin sila tungkol sa pananampalataya na sinagot sa Mga Hebreo 11 (tingnan sa “Karagdagang Resources” para sa mga halimbawa). Ang unang pangkat na makahanap ng sagot na sinuportahan ng mga talata sa banal na kasulatan ay tatanggap ng isang puntos. Ipatalakay sa mga miyembro ng klase ang natututuhan nila mula sa mga talatang ito na mas nagpapaunawa sa kanila sa pananampalataya.

  • Matapos pag-aralan ang mga turo ni Pablo tungkol sa pananampalataya sa Mga Hebreo 10:34–3811, makikinabang ba ang mga miyembro ng klase sa pag-aaral tungkol sa pananampalataya mula sa iba pang resources? Maaari mong atasan nang maaga ang ilang miyembro ng klase na pag-aralan ang isang tanong tungkol sa pananampalataya gaya ng mga sumusunod: Ano ang pananampalataya? Paano tayo nagkakaroon ng pananampalataya? Paano tayo pinagpapala kapag nanampalataya tayo? Ano ang mangyayari kapag pinili nating hindi sumampalataya? Pagkatapos, sa klase, maaari nilang ibahagi ang natutuhan nila. O maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na magtulungan sa mga grupo na hanapin ang mga sagot. Maaaring isama sa ilang resources na magagamit nila ang Alma 32:21–43; Eter 12; at Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pananampalataya.” Matapos ibahagi ng mga miyembro ng klase ang natutuhan nila, ipaisip sa kanila kung ano ang maaari nilang gawin para palakasin ang kanilang pananampalataya. Anyayahan ang ilang miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mga ideya.

  • Ang payo sa mga Banal na Hebreo na natuksong “umurong” sa kanilang pananampalataya ay maaaring kapaki-pakinabang sa mga miyembro ng klase na maaaring nahihirapan sa kanilang patotoo. Para matuklasan ang payong ito, maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang Mga Hebreo 10:34–38 at ang pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland sa “Karagdagang Resources.” Bakit nawawalan ng tiwala ang mga tao sa mundo ngayon (tingnan sa Mga Hebreo 10:35) sa Panginoon at sa Kanyang ebanghelyo? Ano ang magagawa natin para mapatibay at mapanatili ang pananampalataya at tiwala na “magsitanggap ng pangako [ng Diyos]”? (Mga Hebreo 10:36).  

icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Maaaring pamilyar ang mga miyembro ng klase sa karanasan ni Joseph Smith sa pagbabasa ng Santiago 1:5, na humantong sa Unang Pangitain. Magpahanap sa kanila ng mga bagong kabatiran tungkol sa Santiago 1:5 habang binabasa nila ito sa linggong ito sa konteksto ng mas malawak na mensahe ni Santiago.

icon ng resources

Karagdagang Resources

Mga Hebreo 7–13

Mga tanong tungkol sa pananampalataya mula sa Mga Hebreo 11.

  • Paano ipinaliliwanag ng Mga Hebreo 11 ang pananampalataya? (tingnan sa talata 1).

  • Ano ang kinayang gawin ni Abel dahil sa pananampalataya? (tingnan sa talata 4).

  • Ayon sa Mga Hebreo 11, ano ang imposibleng gawin kung walang pananampalataya? (tingnan sa talata 6).

  • Ano ang hinikayat ng pananampalataya na hanapin ni Abraham? (tingnan sa talata 10).

  • Ano ang ginawa ni Isaac sa kanyang pananampalataya? (tingnan sa talata 20).

  • Ano ang hinikayat ng pananampalataya na isuko ni Moises? (tingnan sa mga talata 24–27).

Ang mga pagpapala ng Melchizedek Priesthood ay para sa lahat.

Sabi ni Sister Sheri L. Dew, dating tagapayo sa Relief Society General Presidency: “Ang pagpapala ng priesthood ay para sa lahat ng mabubuting lalaki at babae. Lahat tayo ay maaaring matanggap ang Espiritu Santo, magkaroon ng personal na paghahayag, at ma-endow sa templo, kung saan ‘nagtatamo’ tayo ng kapangyarihan. Ang kapangyarihan ng priesthood ay nagpapagaling, nangangalaga, at kumakalinga sa lahat ng mabubuti laban sa kapangyarihan ng kadiliman” (“Hindi Mabuti na ang Lalaki o Babae ay Mag-isa,” Liahona, Ene. 2002, 13).

“Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala.”

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland:

“Talagang mahirap—bago kayo sumapi sa Simbahan, habang sumasapi, at pagkaraan ninyong sumapi. Gayon palagi, sabi ni Pablo, ngunit huwag umurong. Huwag matakot at umatras. Huwag mawalan ng lakas ng loob. Huwag kalimutan ang nadama ninyo noon. Huwag mag-alinlangan sa inyong naranasan. …

“May mga babala at pagsasaalang-alang sa anumang mahalagang desisyon, subalit kapag nagkaroon ng kaliwanagan, mag-ingat sa tuksong umurong sa isang mabuting bagay. Kung ito’y tama nang inyong ipanalangin at nagtiwala at umasa kayo rito, tama ito ngayon. Huwag sumuko kapag dumarami ang mga pasanin. … Harapin ang inyong mga pag-aalinlangan. Daigin ang inyong mga takot. ‘Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala.’ Manatili sa landas at masdan ang ganda ng buhay na nabubuksan para sa inyo” (“Cast Not Away Therefore Your Confidence,” Ensign, Mar. 2000, 6–11).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Basahin muna ang mga banal na kasulatan. Dapat ay ang mga banal na kasulatan ang unang pagmulan ng iyong pag-aaral at paghahanda. Ang mga salita ng mga makabagong propeta ay maaaring makasuporta sa mga pamantayang banal na kasulatan (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 17).