“Oktubre 28–Nobyembre 3. I at II Kay Timoteo; Kay Tito; Kay Filemon: ‘Maging Uliran ng mga Nagsisisampalataya’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2019 (2019)
“Oktubre 28–Nobyembre 3. I at II Kay Timoteo; Kay Tito; Kay Filemon,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2019
Oktubre 28–Nobyembre 3
I at II Kay Timoteo; Kay Tito; Kay Filemon
“Maging Uliran ng mga Nagsisisampalataya”
Basahin ang I at II Kay Timoteo; Kay Tito; at Kay Filemon na nasasaisip ang mga miyembro ng klase mo. Ang mga kaisipan at impresyong darating ay makakatulong sa iyo na ituro sa mga miyembro ng klase ang mahahalagang talata sa banal na kasulatan at madama ang Espiritu sa klase mo.
Itala ang Iyong mga Impresyon
Mag-anyayang Magbahagi
Makakatulong sa mga miyembro ng klase na makinig sa kuwento ng bawat isa tungkol sa kanilang mga tagumpay at hamon sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, kapwa nang mag-isa at bilang pamilya. Isiping simulan ang klase sa pag-anyaya sa mga miyembro ng klase na ikuwento ang magandang nangyayari sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan.
Ituro ang Doktrina
I at II Kay Timoteo; Kay Tito
Ang pag-unawa sa tunay na doktrina ay makakatulong sa atin na maiwasang malinlang.
-
Ang mga miyembro ng klase mo ay nabubuhay sa isang panahon na maraming itinuturong maling doktrina. Nabuhay rin sina Timoteo at Tito sa gayong klaseng panahon, kaya marahil ay maaaring makinabang ang mga miyembro ng inyong klase sa payo ni Pablo sa kanila. Ang ilang talata na naglalaman ng payo ni Pablo ay matatagpuan sa “Karagdagang Resources.” Maaari mong atasan ang bawat miyembro ng klase na basahin ang isa sa mga talatang ito at ibahagi kung ano ang malaman niya tungkol sa kahalagahan ng tunay na doktrina (tingnan din sa Alma 31:5).
Kung tayo ay “(mga) halimbawa ng mga nagsisisampalataya,” maaakay natin ang iba sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo.
-
Posibleng hindi alam ng mga miyembro ng klase mo ang bisa ng mabuting halimbawang ipinapakita nila. Isiping anyayahan silang ikuwento kung paano naging mga halimbawa ng mga disipulo ni Cristo ang mga taong kilala nila, kabilang na ang kapwa nila mga miyembro ng klase. Maaaring makatulong sa talakayan kung ililista mo sa pisara ang mga salita sa talata 12 na naglalarawan kung paano tayo dapat maging isang halimbawa—salita, pag-uusap (na maaari ding mangahulugan ng pagkilos o pag-uugali), pag-ibig sa kapwa, espiritu, pananampalataya, at kadalisayan. Maaaring talakayin ng mga miyembro ng klase kung paano tayo maaaring maging mga uliran ng mga nagsisisampalataya sa bawat isa sa mga paraang ito.
“Hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.”
-
Sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, inanyahan ang mga miyembro ng klase mo na hanapin sa II Kay Timoteo ang payo ni Pablo kay Timoteo para palakasin ang loob niya sa kanyang paglilingkod. Ipabahagi sa mga miyembro ng klase ang anumang mga kabatirang natagpuan nila, o maaari mo siguro silang bigyan ng ilang minuto para mahanap at maibahagi ang ilan sa payo ni Pablo (ang kabanata 1 ay may ilang magagandang halimbawa). Maaari din silang magbahagi ng isang karanasan nang tulungan sila ng Diyos na madaig ang kanilang mga pangamba at bigyan sila ng “espiritu ng … kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan” (II Kay Timoteo 1:7).
Ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay makakatulong sa atin na madaig ang mga panganib sa mga huling araw.
-
Matapos balaan si Timoteo tungkol sa darating na “mga panahong mapanganib,” pinatotohanan ni Pablo ang kapangyarihan at kahalagahan ng mga banal na kasulatan (tingnan sa II Kay Timoteo 3:1, 14–17). Para magpasimula ng talakayan tungkol sa kahalagahan ng mga banal na kasulatan sa mahihirap na panahon, maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na rebyuhin ang paglalarawan ni Pablo tungkol sa mga panganib sa mga huling araw na matatagpuan sa II Kay Timoteo 3:1–7. Pagkatapos ay maaari nilang hanapin at ibahagi ang mga talata sa banal na kasulatan na nakatulong sa kanila na mag-ingat laban sa mga panganib na katulad nito (ang ilang halimbawa ay nakalista sa “Karagdagang Resources”). Paano tayo naprotektahan ng pag-aaral natin ng mga banal na kasulatan mula sa mga problema ng mundo ngayon?
-
Ang pag-aaral sa payo ni Pablo tungkol sa kapangyarihan ng mga banal na kasulatan ay maaaring maging isang pagkakataon para hikayatin ng mga miyembro ng klase ang isa’t isa sa kanilang mga pagsisikap na pag-aralan ang salita ng Diyos. Marahil ay maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang II Kay Timoteo 3:14–17 at tukuyin ang mga pagpapala at proteksyong nagmumula sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Pagkatapos ay maaari silang magbahagi ng mga karanasan nang matupad ang mga pagpapalang ito sa kanilang buhay dahil sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan. Maaari mo ring bigyan ng ilang sandali ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang magagawa nila para magkaroon ng mas makabuluhang mga karanasan sa mga banal na kasulatan, kapwa nang mag-isa at bilang pamilya.
Pinatatawad ng mga alagad ni Cristo ang isa’t isa.
-
Bago ka magsimula ng talakayan tungkol sa Sulat kay Filemon, maaari kang magpabahagi sa isang miyembro ng klase ng kaunting impormasyon tungkol kay Filemon at sa kanyang aliping si Onesimo (may maikling paglalarawan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Pagkatapos ay maaari mong hatiin ang klase sa dalawang grupo at bigyan ang bawat grupo ng isa sa sumusunod na mga tanong: Anong mga pagkakatulad ang nakikita ninyo sa pagitan ng kusang-loob na gagawin ni Pablo para kay Onesimo at sa kusang-loob na ginawa ng Tagapagligtas para sa atin? Kahit malamang na mahirap para kay Filemon na patawarin ang alipin niyang tumakas, paano mas napadali ng ebanghelyo ni Jesucristo ang magpatawad? Matapos ibahagi ng mga grupo ang kanilang natutuhan, isiping anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga talata sa banal na kasulatan o mga karanasan na nakatulong sa kanila na mas maunawaan ang pagpapatawad. Maaaring makatulong ang mensahe ni Elder Kevin R. Duncan sa “Karagdagang Resources” sa talakayang ito.
Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan
Para mahikayat ang mga miyembro ng klase na basahin ang Sulat sa mga Hebreo, tanungin sila kung may kakilala sila na nadarama na ang Diyos ay malayo, hindi personal, o hindi malapitan. Sabihin sa kanila na matatagpuan nila ang mga talata sa Mga Hebreo 1–6 na maaari nilang ibahagi sa isang tao para ipakita na ang Diyos Ama at si Jesucristo ay mahabaging mga Nilalang na gusto tayong tulungan kapag tayo’y nagdurusa.
Karagdagang Resources
Ang payo ni Pablo tungkol sa tunay na doktrina.
Mga talata sa banal na kasulatan na nagpoprotekta sa atin laban sa mga panganib sa mga huling araw na nakalarawan sa II Kay Timoteo 3:2.
Mga Panganib sa mga Huling Araw |
Mga Talata sa Banal na Kasulatan na Nagpoprotekta sa Atin |
---|---|
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga maibigin sa sarili | Mga Talata sa Banal na Kasulatan na Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga mapag-imbot | Mga Talata sa Banal na Kasulatan na Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga mapagmalaki | Mga Talata sa Banal na Kasulatan na Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga palalo o mayabang | Mga Talata sa Banal na Kasulatan na Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga lapastangan | Mga Talata sa Banal na Kasulatan na Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga suwail sa mga magulang | Mga Talata sa Banal na Kasulatan na Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Hindi mapagpasalamat | Mga Talata sa Banal na Kasulatan na Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Hindi banal | Mga Talata sa Banal na Kasulatan na Nagpoprotekta sa Atin |
Ang nagpapagaling na pamahid ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ay tumutulong sa atin na patawarin ang iba.
Itinuro ni Elder Kevin R. Duncan:
“Walang kaluluwa na hindi maaapektuhan, kahit paano, ng kawalang-ingat ng iba, nakasasakit na asal, o ng makasalanang pag-uugali. Nangyayari iyan sa ating lahat.
“Salamat na lang at ang Diyos, sa Kanyang pagmamahal at awa sa Kanyang mga anak, ay naghanda ng daan para tulungan tayo sa paglalakbay sa kung minsan ay mahihirap na karanasan sa buhay. Naglaan Siya ng daan para makaiwas ang lahat ng maaapektuhan ng mga maling gawa ng ibang tao. Tinuruan Niya tayo na maaari tayong magpatawad! …
“Maraming taon na ang nakalipas, habang inaayos ko ang isang bakod, nasalubsob ang daliri ko. Sinubukan kong alisin ang salubsob at akala ko ay nagawa ko na, pero hindi pa pala. Sa paglipas ng [panahon], umalsa na ang balat sa salubsob, kaya naging maumbok ang daliri ko. Nakakainis ito at paminsan-minsang sumasakit.
“Makalipas ang ilang taon nagpasiya akong kumilos na. Ang ginawa ko lang ay pinahiran ko ng ointment ang umbok at nilagyan ito ng benda. Inulit ko nang madalas ang prosesong ito. Nagulat na lang ako isang araw nang tanggalin ko ang benda ay lumabas ang salubsob mula sa daliri ko.
“Pinalambot ng pamahid ang balat at lumabas ang mismong nagdulot ng sakit sa loob ng maraming taon. Nang maalis ang salubsob, kaagad na gumaling ang daliri, at sa ngayon, walang bakas ng anumang sugat.
“Sa ganito ring paraan, ang pusong ayaw magpatawad ay nagkikimkim ng sakit na hindi naman kailangang kimkimin. Kapag ginamit natin ang nakapagpapagaling na pamahid ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, palalambutin Niya ang ating puso at tutulungan tayong magbago. Kaya niyang pagalingin ang sugatang kaluluwa (tingnan sa Jacob 2:8)” (“Ang Nakapagpapagaling na Pamahid ng Pagpapatawad,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 33).