“Iba pang Resources” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2019 (2019)
“Iba pang Resources” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2019
Iba pang Resources
Karamihan sa resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa LDS.org.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya
Maaari mong iakma ang anumang aktibidad mula sa resource na ito para magamit sa klase mo sa Sunday School. Kung nagamit na ng mga miyembro ng klase ang mga aktibidad na ito sa kanilang personal na pag-aaral o sa pag-aaral ng pamilya ng mga banal na kasulatan, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga karanasan at ideya.
Mga Magasin ng Simbahan
Ang mga magasing New Era, Ensign, at Liahona ay mayroong mga artikulo at iba pang mga tampok na maaaring makaragdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School.
Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata
Nag-aanyaya ng Espiritu ang sagradong musika at nagtuturo ng doktrina sa paraang madali itong matandaan. Bukod sa mga print version ng Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata, matatagpuan mo ang mga recording ng maraming himno at awiting pambata sa music.lds.org at sa LDS Music app.
Media Library
Ang mga ipinintang larawan, mga video, at iba pang media ay makakatulong sa mga tinuturuan mo na ilarawan sa isipan ang doktrina at mga kuwentong matatagpuan sa Bagong Tipan. Bisitahin ang medialibrary.lds.org para i-browse ang koleksyon ng media resources ng Simbahan na naglalarawan ng mga kaganapan sa Bagong Tipan.
Mga Manwal sa Seminary at Institute
Ang mga manwal sa seminary at institute ay naglalaman ng kasaysayan at mga komentaryong doktrinal para sa mga alituntuning matatagpuan sa mga banal na kasulatan. Naglalaman din ang mga ito ng mga ideya sa pagtuturo na maiaangkop sa mga klase sa Sunday School.
Mga Paksa ng Ebanghelyo
Sa topics.lds.org matatagpuan mo ang pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa ng ebanghelyo, pati na ang mga link sa makakatulong na resources, tulad ng kaugnay na mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, artikulo, banal na kasulatan, at video. Matatagpuan mo rin ang Gospel Topics Essays, na nagbibigay ng detalyadong mga sagot sa mga tanong tungkol sa ebanghelyo.
Tapat sa Pananampalataya
Ang resource na ito ay nagbibigay ng mga simpleng paliwanag tungkol sa mga paksa ng ebanghelyo, na nakalista nang sunud-sunod ayon sa alpabeto.
Mangaral ng Aking Ebanghelyo
Ang gabay na ito para sa mga missionary ay nagbibigay ng buod ng mga pangunahing alituntunin ng ebanghelyo.
Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ang resource na ito ay binabalangkas ang mga pamantayan ng Simbahan na maaaring makatulong sa atin na manatiling karapat-dapat sa mga pagpapala ng Panginoon. Isiping sumangguni rito nang madalas lalo na kung mga kabataan ang tinuturuan mo.
Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas
Maaaring makatulong ang resource na ito para matutuhan at maipamuhay mo ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo. Ang mga alituntuning ito ay tinatalakay at ginagamit sa mga teacher council meeting.