Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Isang Pattern para sa Pagtuturo


“Isang Pattern para sa Pagtuturo,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Isang Pattern para sa Pagtuturo,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2019

klase ng Sunday School

Isang Pattern para sa Pagtuturo

1:57

Sa resource na ito, makikita mo na inuulit ang sumusunod na pattern sa bawat outline: mag-anyayang magbahagi, ituro ang doktrina, at maghikayat ng pag-aaral sa tahanan. Sa maraming pagkakataon, habang nagtuturo ka, ang mga bahagi ng pattern na ito ay maaaring magpatung-patong o maiba ang pagkakasunud-sunod. Halimbawa, isipin na ang pagbabahagi ay isang oportunidad para ituro ang doktrina, at ang pagtuturo ng doktrina ay dapat kabilangan ng mga paanyayang magbahagi. Gayundin, ang paghihikayat ng pag-aaral sa tahanan ay maaaring maganap sa buong talakayan sa klase. Hayaang natural na mangyari ang pagpapatung-patong na ito, na sinusunod ang mga pahiwatig ng Espiritu upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong tinuturuan mo.

sharing icon

Mag-anyayang Magbahagi

2:54

Bilang bahagi ng bawat klase, anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga ideya at karanasan nila sa nakaraang linggo nang pag-aralan nila ang mga banal na kasulatan bilang mga indibiduwal at pamilya at gamitin ang kanilang natutuhan. Tulungan ang mga miyembro ng klase na makita na mahalaga ang personal na pag-aaral nila sa labas ng klase. Darating ang sarili nilang pagbabalik-loob hindi lamang sa pag-aaral tuwing Linggo kundi maging sa mga karanasan nila araw-araw. Kapag narinig ng mga miyembro ng klase ang mga karanasan ng bawat isa, mas malamang na maganyak silang hangarin na maranasan din iyon.

Hindi lahat ay nabasa na ang mga kabanata para sa bawat lesson, at kahit ang ilang nakabasa na ay baka hindi komportableng magbahagi. Tiyaking madama ng lahat ng miyembro ng klase na mahalagang bahagi sila ng klase, mayroon man o wala silang maibahagi.

teaching icon

Ituro ang Doktrina

3:23

Ikaw at ang mga miyembro ng klase mo ay dapat magtuon sa doktrina—ang mga walang-hanggang katotohanan ng ebanghelyo—na matatagpuan sa nakatakdang mga talata sa banal na kasulatan. Habang tinatalakay ninyo ang doktrina mula sa mga banal na kasulatan, anong mga talata, sipi, karanasan, tanong, at iba pang resources ang maibabahagi mo? Paano mo magagamit ang resources na ito para tulungan ang mga miyembro ng klase na matuklasan at maunawaan ang mga alituntunin ng ebanghelyo? Paano mo mahihikayat ang mga miyembro ng klase na magtala at kumilos ayon sa mga ideya at impresyong tinanggap nila?

learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Sa pagtatapos ng lesson, ipakita sandali ang talakayan para sa susunod na linggo. Isipin kung paano magaganyak ang mga miyembro ng klase na patuloy na mag-aral mula sa Bagong Tipan sa tahanan, kapwa nang mag-isa at kasama ang kanilang pamilya.