Bagong Tipan 2023
Pebrero 13–19. Mateo 5; Lucas 6: “Mapapalad Kayo”


“Pebrero 13–19. Mateo 5; Lucas 6: ‘Mapapalad Kayo,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2022)

“Pebrero 13–19. Mateo 5; Lucas 6,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023

si Jesus na nagtuturo sa bundok

Jesus Preaching Sermon on the Mount [Si Jesus Habang Ipinapangaral ang Sermon sa Bundok], ni Gustave Doré

Pebrero 13–19

Mateo 5; Lucas 6

“Mapapalad Kayo”

Itala ang iyong mga espirituwal na impresyon habang pinag-aaralan mo ang Mateo 5 at Lucas 6. Darating ang paghahayag habang sinisikap mong tugunan ang mga pangangailangan ng iyong klase.

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Sinabi ni Pangulong Joseph Fielding Smith na ang Sermon sa Bundok “ang pinakadakila[ng sermon] sa lahat ng naipangaral na, na alam natin” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Fielding Smith [2013], 267). Anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang damdamin kung bakit totoo ito.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Mateo 5:1–12

Ang walang-katapusang kaligayahan ay nagmumula sa pamumuhay sa paraang itinuro ni Jesucristo.

  • Sa Sermon sa Bundok, inanyayahan ng Tagapagligtas ang Kanyang mga disipulo na muling isipin kung ano ang ibig sabihin ng pinagpalang buhay—isang buhay ng walang-hanggang kaligayahan. Para magpasimula ng talakayan tungkol sa walang-hanggang kaligayahan, maaari mong hilingin sa mga miyembro ng klase na ibahagi kung ano ang nagpapasaya sa kanila. Ayon sa Mateo 5:1–12, anong mga bagay ang sinabi ni Jesus na tutulong sa isang tao na maging “mapalad,” o maligaya magpakailanman? Paano naiiba ang mga turo ni Jesus sa ibang mga paraan na sinusubukan ng mga tao para magkaroon ng kaligayahan?

  • Isiping ilista sa pisara ang ilang katangian mula sa mga talata 3–12, tulad ng “malinis na puso” o “mga mapagpayapa.” Pagkatapos ay anyayahan ang mga miyembro ng klase na imungkahi ang kabaligtaran ng bawat kataga. Ano ang matututuhan natin tungkol sa mga katangiang ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa kabaligtaran ng mga ito? Hilingin sa mga miyembro ng klase na pagnilayan kung ano ang maaari nilang baguhin para maging ang uri ng tao na inilarawan sa mga talatang ito. Ano ang idinaragdag ng 3 Nephi 12:3, 6 sa ating pagkaunawa sa Mateo 5:3, 6?

si Jesucristo habang tinuturuan ang mga disipulo

Itinuro ng Tagapagligtas kung paano mamuhay nang maligaya at maging katulad ng ating Ama sa Langit.

Mateo 5:14–16

Ang mga disipulo ng Tagapagligtas ay dapat maging ilaw ng sanlibutan.

  • Ano ang ibig sabihin ng maging “ilaw ng sanlibutan”? (talata 14). Ano ang ibig sabihin ng itago ang ating ilawan “sa ilalim ng isang takalan” (talata 15), at bakit tayo maaaring matuksong gawin ito? Maaaring makatulong ang pahayag ni President Bonnie H. Cordon sa “Karagdagang Resources” at ang 3 Nephi 18:24 sa mga miyembro ng klase na mas sadyaing maging ilaw sa iba. Maaari din nilang pag-usapan ang mga taong naging ilaw sa kanila at umakay sa kanila palapit kay Jesucristo. Paano natin matutularan ang mga taong ito?

Mateo 5:17–48

Nagturo si Cristo ng mas mataas na kautusan na maaaring umakay sa atin tungo sa pagiging sakdal.

  • Ang ilan sa mga sitwasyong inilarawan sa Mateo 5 ay partikular na tumutukoy sa panahon ng Tagapagligtas, ngunit ang mga alituntuning itinuro Niya ay para sa lahat. Para matulungan ang mga miyembro ng klase na makita ang mga kaangkupan nito sa buhay nila, anyayahan silang pumili ng isa sa sumusunod na mga sipi at mag-isip ng isang halimbawa sa makabagong panahon na naglalarawan sa itinuturo noon ng Tagapagligtas: mga talata 21–24; 27–30; 33–37; 38–39; 40–42; at 43–44. Maaari nilang gawin ito nang mag-isa o sa maliliit na grupo at ibahagi ang kanilang mga halimbawa sa klase.

  • Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng klase na makita na ang ibig sabihin ng utos ng Tagapagligtas na maging “sakdal” (Mateo 5:48), tulad ng ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson, ay maging “ganap” o “kumpleto”? (“Perfection Pending,” Ensign, Nob. 1995, 86–88). Maaari mong gupitin ang isang larawan ni Jesus at gawin itong puzzle, at anyayahan ang mga miyembro ng klase na isulat sa likod ng bawat piraso ang isang turo mula sa Mateo 5 na nahihikayat silang iangkop sa kanilang buhay. Hayaan silang magtulungan sa pagkumpleto ng puzzle. Paano tayo natutulungan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo na maging “ganap” o “kumpleto”? (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Biyaya”). Ano ang idinaragdag ng mga salita ni President Joy D. Jones sa “Karagdagang Resources” sa ating pag-unawa sa prosesong ito?

icon ng resources

Karagdagang Resources

Pagiging ilaw.

Itinuro ni President Bonnie H. Cordon: “Ang paanyaya ng Panginoon na hayaan na ang ating ilaw ay magliwanag ay hindi lamang tungkol sa pagwawagayway ng sinag ng ilaw at gawing mas maliwanag ang mundo sa pangkalahatan. Tungkol ito sa pagtutok ng ating ilaw upang makita ng iba ang daan papunta kay Cristo. Ito ay pagtitipon sa Israel sa [panig na] ito ng tabing—pagtulong sa iba na makita ang susunod na hakbang tungo sa paggawa at pagtupad ng mga tipan sa Diyos” (“Upang Makita Nila,” Liahona, May 2020, 79).

Paghahangad na maging perpekto.

Ipinaliwanag ni President Joy D. Jones:

“Nais ng Panginoon na may pagsisikap, at ang pagsisikap ay naghahatid ng mga gantimpala. Patuloy tayong nagpapraktis. Palagi tayong umuunlad hangga’t nagsisikap tayong sumunod sa Panginoon. Hindi Niya tayo inaasahang maging perpekto ngayon. Patuloy nating inaakyat ang ating personal na Bundok ng Sinai. Tulad noong araw, ang paglalakbay natin ay talagang nangangailangan ng pagsisikap, sipag, at pag-aaral, ngunit ang determinasyon nating umunlad ay maghahatid ng walang-hanggang mga gantimpala. …

“Buong tapang nating ipahayag ang ating katapatan sa ating Ama sa Langit at sa ating Tagapagligtas, ‘na may hindi matitinag na pananampalataya sa kanya, na umaasa nang lubos sa mga awa niya na makapangyarihang magligtas’ [2 Nephi 31:19]. Masaya tayong magpatuloy sa paglalakbay na ito patungo sa ating pinakamataas na espirituwal na potensyal” (“Isang Natatanging Dakilang Tungkulin,” Liahona, Mayo 2020, 16–17).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Pag-ibayuhin ang partisipasyon ng mga miyembro ng klase. Maraming aktibidad ang magagawa bilang isang klase, sa maliliit na grupo, nang pares-pares, o bilang isang panel discussion. Gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang makabahagi ang mga tao na maaaring hindi magkaroon ng pagkakataong makalahok. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas33.)