Bagong Tipan 2023
Marso 6–12. Mateo 9–10; Marcos 5; Lucas 9: “Ang Labindalawang Ito ay Isinugo ni Jesus”


“Marso 6–12. Mateo 9–10; Marcos 5; Lucas 9: ‘Ang Labingdalawang Ito ay Isinugo ni Jesus,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2022)

“Marso 6–12. Mateo 9–10; Marcos 5; Lucas 9,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023

Larawan
si Jesus na inoorden si Pedro

Marso 6–12

Mateo 9–10; Marcos 5; Lucas 9

“Ang Labindalawang Ito ay Isinugo ni Jesus”

Habang binabasa mo ang Mateo 9–10; Marcos 5; at Lucas 9, humingi ng inspirasyon mula sa Espiritu Santo tungkol sa mga pangangailangan ng mga tinuturuan mo. Ang pagtatala ng iyong mga espirituwal na impresyon ay makakatulong sa iyo na maghanda para sa isang karanasan na magpapala sa iyo at sa mga miyembro ng klase mo.

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Maaari mong hilingin sa bawat miyembro ng klase na isulat sa isang papel ang isang katotohanang natutuhan nila mula sa mga banal na kasulatan sa linggong ito, kabilang na ang mga talata sa banal na kasulatan. Matapos kolektahin ang mga papel, pumili ng ilan na babasahin sa klase. Paano natin magagamit ang mga katotohanang ito sa ating buhay?

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Mateo 9

Si Cristo ay may kapangyarihang pagalingin tayo kapwa sa pisikal at sa espirituwal.

  • Marami sa mga mahimalang pagpapagaling ng Tagapagligtas ang nagtuturo din ng mga espirituwal na katotohanan. Para maipaunawa ito sa mga miyembro ng klase, maaari mong hatiin ang klase sa apat na grupo at atasan ang bawat grupo ng isa sa sumusunod na mga sipi: Mateo 9:2–8; Mateo 9:18–19, 23–26; Mateo 9:20–22; at Mateo 9:27–31. Hilingin sa bawat grupo na pag-aralan ang himalang inilarawan sa kanilang sipi at pagkatapos ay ibuod ito para sa klase. Anong mga espirituwal na katotohanan ang matututuhan natin sa mga himalang ito?

Larawan
babaeng umaabot para mahawakan ang bata ni Jesus

Trust in the Lord [Magtiwala sa Panginoon], ni Liz Lemon Swindle

Mateo 10

Binibigyan ng Panginoon ang Kanyang mga lingkod ng kapangyarihang gawin ang Kanyang gawain.

  • Ang utos ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Apostol ay makakatulong sa atin sa ating indibiduwal na mga responsibilidad. Ang mga miyembro ng klase ay maaaring mayroon nang mga kabatiran tungkol sa paksang ito mula sa kanilang personal na pag-aaral; halimbawa, may isang aktibidad tungkol sa paksang ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Anyayahan silang ibahagi ang natutuhan nila o hatiin sila sa maliliit na grupo para kumpletuhin ang aktibidad sa klase. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan kung kailan nadama nila ang kapangyarihan ng Tagapagligtas nang gampanan nila ang kanilang mga calling.

  • Paano makakatulong ang pag-aaral tungkol sa atas na ibinigay ni Cristo sa Kanyang mga Apostol sa Mateo 10 para maunawaan ng mga miyembro ng klase mo ang papel na ginagampanan ng mga makabagong propeta at apostol? Maaaring makatulong na ikumpara ang atas ng Tagapagligtas sa Labindalawa sa atas na ibinigay sa unang Korum ng Labindalawang Apostol sa dispensasyong ito, na matatagpuan sa “Karagdagang Resources.” Marahil ay maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase kung paano sila naimpluwensyahan ng ministeryo ng mga buhay na Apostol. Magpatotoo tungkol sa banal na tungkulin ng mga buhay na propeta at apostol, at anyayahan ang mga miyembro ng klase na magpatotoo rin.

Mateo 10:17–20

Kapag tayo ay nasa paglilingkod sa Panginoon, ibibigay Niya sa atin ang mga salitang sasabihin natin.

  • Ang mga tao kung minsan ay kinakabahan kapag nagtuturo o nakikipag-usap sa iba tungkol sa ebanghelyo. Ngunit nangako ang Panginoon sa mga disipulo na tutulungan Niya silang malaman kung ano ang sasabihin. Ano ang kailangan nating gawin upang matanggap ang ipinangakong tulong ng Panginoon para sa ating sarili? Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin ang Mateo 10:19–20; Doktrina at mga Tipan 84:85; at Doktrina at mga Tipan 100:5–8 para makita ang mga sagot sa tanong na ito. Kailan kayo natulungan ng Espiritu Santo na malaman kung ano ang sasabihin? Maaari mong ibahagi ang iyong mga karanasan at anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang sariling karanasan.

Larawan
icon ng resources

Karagdagang Resources

Isang atas sa mga Apostol sa mga huling araw.

Nang tawagin ang ilan sa mga unang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol sa dispensasyong ito, binigyan sila ng atas ni Oliver Cowdery na tulad ng ibinigay ni Jesucristo sa Mateo 10. Sabi niya:

“‘Kailangan ninyong labanan ang lahat ng maling palagay ng lahat ng bansa. … Sa gayo’y binabalaan ko kayo na magpakumbaba kayo nang husto, sapagkat alam ko ang kapalaluan ng tao. Mag-ingat, at baka malinlang kayo ng mga mambobola o palapuri sa mundo. Mag-ingat at baka umibig kayo sa mga makamundong bagay. Unahin ang inyong ministeryo. … Kailangang tumanggap kayo ng patotoo mula sa Langit para sa inyong sarili, para makapagpatotoo kayo tungkol sa katotohanan. …

“‘… Dadalhin ninyo ang mensaheng ito sa mga taong itinuturing ang kanilang sarili na matalino. At maaari nila kayong pahirapan; maaari nila kayong patayin. Noon pa man ay pinapatay na ng kaaway ang mga lingkod ng Diyos. Kung gayo’y kailangang maging handa kayo sa lahat ng oras na isakripisyo ang inyong buhay, kung sakaling hingin ito ng Diyos para isulong at itatag ang Kanyang layunin. …

“Pagkatapos ay hinawakan niya silang isa-isa sa kamay at sinabi, ‘Buong puso ka bang nakikibahagi sa ministeryong ito, upang ipahayag ang ebanghelyo nang buong sigasig sa iyong mga kapatid, ayon sa diwa at hangarin ng utos na natanggap mo?’ Bawat isa ay sumagot ng oo” (sa “Minutes and Blessings, 21 February 1835,” Minute Book 1, 159–161, 164, josephsmithpapers.org; ginawang makabago ang pagbabaybay at pagbabantas).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Magpatotoo tungkol sa mga pagpapala. Kapag nag-anyaya kang kumilos, patotohanan sa iyong mga tinuturuan na tatanggapin nila ang mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kapag kumilos sila nang may pananampalataya sa Kanyang mga turo. Ang mga pagpapala ay hindi dapat maging pangunahing motibo natin sa pagsunod, ngunit hangad ng Ama sa Langit na pagpalain ang lahat ng Kanyang anak. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas35.)

Print