Lumang Tipan 2022
Abril 4–10. Exodo 14–17: “Tumigil Kayo, at Tingnan Ninyo ang Pagliligtas ng Panginoon”


“Abril 4–10. Exodo 14–17: ‘Tumigil Kayo, at Tingnan Ninyo ang Pagliligtas ng Panginoon,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Abril 4–10. Exodo 14–17,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
Dagat na Pula

Ang Dagat na Pula

Abril 4–10

Exodo 14–17

“Tumigil Kayo, at Tingnan Ninyo ang Pagliligtas ng Panginoon”

Pag-isipan kung paano naaangkop ang mga karanasan ng mga anak ni Israel sa mga miyembro ng iyong klase. Aling mga karanasan ang higit na makatutulong na talakayin nila?

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Ang Exodo 14–17 ay puno ng mga di-malilimutang salaysay. Maaaring magdrowing ang isang miyembro ng klase ng larawan ng isang pangyayari mula sa mga kabanatang ito habang hinuhulaan ng iba pang mga miyembro ng klase kung ano ang idinodrowing niya. Hilingin sa kanila na ibahagi ang kanilang natutuhan mula sa salaysay.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Exodo 14

Pinalalaya tayo ng Ama sa Langit kapag sinusunod natin ang Espiritu.

  • Ang Dagat na Pula ay parang dulo ng landas para sa mga Israelita, ngunit alam ng Diyos ang mga bagay na hindi nila alam. Ang pagrerebyu sa salaysay tungkol sa mahimalang pagtawid sa Dagat na Pula ay maaaring magpaalala sa mga miyembro ng klase sa mga pagkakataon na pinalaya sila ng Diyos mula sa kanilang mga pagsubok. Maaari mong hilingin sa mga miyembro ng klase na rebyuhin ang Exodo 14 at ibahagi kung ano ang higit na nagbibigay-inspirasyon sa kanila tungkol sa salaysay na ito. Hikayatin din silang ibahagi ang kanilang mga karanasan nang napalaya sila mula sa mga pagsubok, pati na ang mga talata mula sa kabanata na nagpapalakas sa kanilang pananampalataya na mapapalaya tayo ng Diyos.

  • Maaaring nakatutuwa ring basahin nang magkakasama ang Doktrina at mga Tipan 8:2–3. Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol kay Moises? Paano naaapektuhan ng mga talatang ito ang paraan ng pag-iisip natin tungkol sa mga pangyayari sa Exodo 14? Ano ang ipinahihiwatig ng mga ito kung paano tayo maghahangad na mapalaya mula sa ating mga pagsubok? Isipin kung ano ang maaaring idagdag ng pahayag sa “Karagdagang Resources” sa inyong talakayan.

Larawan
babaeng nagtitipon ng manna

Pisikal na pinakain ng manna mula sa Diyos ang mga Israelita; kailangan din natin ng araw-araw na espirituwal na pagpapakain. Fresco ni Leopold Bruckner

Exodo 15:23–27; 16:1–15; 17:1–7

Maglalaan ang Panginoon para sa ating mga pangangailangan sa paglalakbay natin sa buhay.

  • Ang Exodo 15–17 ay nagbibigay ng maraming salaysay na maaaring magpalakas sa pananampalataya ng mga miyembro ng klase sa kapangyarihan at kahandaan ng Panginoon na maglaan para sa ating mga pisikal at espirituwal na pangangailangan. Maaari sigurong pag-aralan ng bawat miyembro ng klase ang isa sa mga sumusunod na sipi, na naghahanap ng mga espirituwal na mensahe: Exodo 15:23–27; 16:1–15; 17:1–7. Bigyan ng pagkakataon ang ilang miyembro ng klase na ibahagi ang nalaman nila. Paano natin magagamit ang mga salaysay na ito para hikayatin ang isang taong may temporal o espirituwal na pangangailangan na hindi natugunan?

  • Maaari ding basahin ng mga miyembro ng klase ang mga talatang ito at tukuyin ang mga halimbawa ng pagbulung-bulong. Paano natin maaaring ipaliwanag sa isang tao kung ano ang ibig sabihin ng bumulung-bulong? Ano ang ilan sa mga bunga ng pagbulung-bulong na dahilan kaya ito ay lubhang mapanganib? Marahil ay maaaring magbahagi ng payo ang mga miyembro ng klase kung paano iiwasan ang tuksong bumulung-bulong laban sa Panginoon kapag dumaranas tayo ng mahihirap na pagsubok.

  • Maaaring makatulong sa mga miyembro ng klase na ikumpara ang manna na inilarawan sa Exodo 16 sa pagkaing kailangan ng ating espiritu. Anong mga pagkakatulad ang nakikita natin? Anong mga espirituwal na aral ang maaaring nais ng Panginoon na ituro sa mga Israelita sa pagpapadala ng manna sa paraang ginawa Niya? (tingnan sa Juan 6:31–35, 48–58). Maaari mong ipalabas ang isa o higit pang mga video sa “Karagdagang Resources.”

Exodo 17:8–16

Pinagpapala tayo kapag sinusuportahan natin ang ating mga lider.

  • Ang salaysay tungkol sa pagtataas nina Aaron at Hur sa kamay ni Moises ay naglalarawan ng kahalagahan ng pagsuporta sa mga tinawag na mamuno sa atin. Maaari mong anyayahan ang ilang miyembro ng klase na isadula ang karanasan habang binabasa ito nang malakas ng isa pang miyembro ng klase. Paano naging katulad ng mga pagsisikap nina Aaron at Hur na itaas ang kamay ni Moises ang mga pagsisikap nating suportahan ang ating mga lider? Paano natin ipinapakita ang pagsuporta natin sa ating mga lider?

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Maaari kang makatanggap ng personal na patnubay.

Itinuro ni Sister Michelle Craig:

“Bilang matapat na disipulo [ng Tagapagligtas], maaari kayong makatanggap ng personal na inspirasyon at paghahayag, ayon sa Kanyang mga kautusan, na akma sa inyo. Mayroon kayong natatanging misyon at tungkuling gagampanan sa buhay at bibigyan kayo ng natatanging patnubay para matupad ang mga ito.

“Si Nephi, ang kapatid ni Jared, at maging si Moises ay pawang may malawak na karagatang tatawirin—at ginawa nila ito sa magkakaibang paraan. Si Nephi ay gumawa gamit ang ‘mga kahoy na kakaiba ang kayarian’ [1 Nephi 18:1]. Ang kapatid ni Jared ay bumuo ng mga gabara na ‘mahigpit tulad ng isang pinggan’ [tingnan sa Eter 6:5–8]. At si Moises ay ‘lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat’ [Exodo 14:29].

“Bawat isa sa kanila ay tumanggap ng personal na patnubay, na akma sa kanila, at bawat isa ay nagtiwala at kumilos. Inaalala ng Panginoon ang mga taong sumusunod at, sa mga salita ni Nephi, ‘maghahanda ng [isang] paraan para sa kanila upang kanilang maisagawa ang bagay na kanyang ipinag-uutos’ [1 Nephi 3:7]. Pansinin na ang sabi ni Nephi ay, ‘[isa]ng paraan’—hindi ‘ang paraan.’

“Pinalalampas o binabalewala ba natin ang mga ipinagagawa sa atin ng Panginoon dahil naghanda siya ng ‘[isa]ng paraan’ na naiiba sa inaasahan natin?” (“Espirituwal na Kakayahan,” Liahona, Nob. 2019, 21).

Mga Video 

Sa mga video na “Daily Bread: Pattern,” “Daily Bread: Experience,” at “Daily Bread: Change” (ChurchofJesusChrist.org), si Elder D. Todd Christofferson ay nagbahagi ng mga ideya tungkol sa himala ng manna.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Hikayatin ang iba na magpatotoo. Marami sa mga tinuturuan mo ang may ibabahaging malakas na personal na pagsaksi sa katotohanan. Anyayahan silang ibahagi ang kanilang patotoo sa mga simpleng tanong, tulad ng, “Paano kayo napagpala ng pagsunod sa propeta?” (Tingnan din sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 11.)

Print