Lumang Tipan 2022
Marso 28–Abril 3. Exodo 7–13: “Alalahanin Ninyo ang Araw na Ito na Inialis Ninyo sa Egipto”


“Marso 28–Abril 3. Exodo 7–13: ‘Alalahanin Ninyo ang Araw na Ito na Inialis Ninyo sa Egipto,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Marso 28–Abril 3. Exodo 7–13,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
Moises, Aaron, at ang Faraon

Paglalarawan kina Moises at Aaron sa hukuman ng Faraon, ni Robert T. Barrett

Marso 28–Abril 3

Exodo 7–13

“Alalahanin Ninyo ang Araw na Ito na Inialis Ninyo sa Egipto”

Ang kakayahan mong magabayan ng Espiritu sa iyong pagtuturo ay lalong mag-iibayo kapag may sarili kang espirituwal na karanasan sa pag-aaral ng Exodo 7–13.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Mag-isip ng isa o dalawang tanong na hihikayat sa mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga kabatiran at karanasan nila nang pag-aralan nila ang Exodo 7–13 nang mag-isa at kasama ang kanilang pamilya. Halimbawa, maaari mong itanong, “Ano ang nabasa ninyo sa linggong ito na nagpalakas sa inyong pananampalataya kay Jesucristo?” o “Ano ang nabasa ninyo na naging pagpapala sa inyong pamilya?”

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Exodo 7–12

Mapipili nating palambutin ang ating puso.

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na pag-isipan ang kanilang kahandaang isuko ang kanilang puso sa Diyos, maaari mong hilingin na basahin ng bawat isa sa kanila ang sumusunod na mga sipi sa banal na kasulatan: Exodo 7:14–25; 8:5–15; 8:16–19; 8:20–32; 9:1–7; 9:8–12; 9:22–26; 10:12–15; 10:21–29; 12:29–33. Pagkatapos ay maaari nilang isulat sa pisara ang mga salita o pariralang naglalarawan kung paano tumugon ang Faraon sa sampung salot na ipinadala ng Diyos sa mga Egipcio. (Mapapansin mo na ipinapakita sa mga rebisyon ng Pagsasalin ni Joseph Smith na pinatigas ng Faraon ang sarili niyang puso.) Bakit kaya gayon ang naging tugon ng Faraon? Bakit mahirap kung minsan na isuko ang ating puso at kalooban sa Diyos? Paano tayo tinutulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na madaig ang mga paghihirap na ito?

  • Sa pagdadala sa klase ng isang matigas na bagay at isang malambot na bagay, maaari mong ipaunawa sa mga miyembro ng klase ang ibig sabihin ng magkaroon ng matigas o malambot na puso. Maaari kang magpasa ng dalawang bagay sa buong klase, habang may bumabasa sa isa sa mga paglalarawan sa puso ng Faraon na matatagpuan sa Exodo 7–10 (tulad ng Exodo 9:22–35). Bakit magandang paglalarawan ang “nagmatigas” sa puso ng Faraon? Ano ang itinuturo ng mga talatang ito kung ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng malambot na puso? (Kung makakatulong, maaaring maghanap ng mga kabatiran ang mga miyembro ng klase sa isa o higit pa sa mga talatang ito: 1 Nephi 2:16; Mosias 3:19; Alma 24:7–8; 62:41; Eter 12:27.) Paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas na palambutin ang ating puso? Ang video na “A Change of Heart” (ChurchofJesusChrist.org) ay makadaragdag sa kanilang pang-unawa.

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na pag-isipan kung bakit ipinadala ng Panginoon ang mga salot sa Egipto, maaari mong anyayahan ang bawat miyembro ng klase na pumili ng isang reperensya mula sa sumusunod na listahan at hanapin ang mga posibleng dahilan: Exodo 3:20; 7:5, 17; 9:14–16; 10:1–2. Maaari mo ring anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi kung paano nila nalaman na “walang gaya [ng Ama sa Langit at ni Jesucristo] sa buong lupa” (Exodo 9:14).

Exodo 12

Ang Paskua at sakramento ay nagtuturo tungkol sa paglaya sa pamamagitan ni Jesucristo.

  • Ang pagdiriwang ng Pista ng Paskua ay nakatulong sa mga anak ni Israel na maalala na napalaya sila ng Panginoon mula sa pagkabihag. Para maipaunawa sa mga miyembro ng klase ang simbolismo ng Paskua, maaari kang gumawa ng dalawang column sa pisara na may nakasulat na Simbolo at Posibleng Kahulugan, na may larawan ni Jesucristo sa ibabaw ng mga column. Maaaring pag-aralan ng mga miyembro ng klase ang Exodo 12:1–13 at isulat sa pisara ang anumang bagay mula sa mga talatang ito na maaaring magsimbolo sa ating paglaya sa pamamagitan ni Jesucristo. Pagkatapos ay maaari nilang talakayin kung ano ang itinuturo sa atin ng mga simbolong ito tungkol sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas (tingnan ang table sa “Karagdagang Resources” para sa ilang ideya). Ang video na “The Passover” (ChurchofJesusChrist.org) ay makatutulong sa kanila na mailarawan sa isipan ang nababasa nila sa Exodo 12.

    Larawan
    people taking the sacrament

    Gaya ng pagkain sa Paskua, ipinapaalala sa atin ng sakramento ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo.

  • Para sa ilang tao, ang sakramento ay hindi palaging kasing-espirituwal ng dapat mangyari. Isipin kung paano maaaring makatulong ang isang talakayan tungkol sa Exodo 12 sa lahat ng miyembro ng klase na makahanap ng mas malalim na kahulugan sa sakramento. Halimbawa, matapos rebyuhin ng mga miyembro ng klase ang Exodo 12, maaari mo silang anyayahang ibahagi kung ano kaya ang maaaring sabihin ng mga Israelita noong panahong iyon kung tatanungin sila ng anak nila kung ano ang kahulugan ng Paskua sa kanila. Pagkatapos ay maaaring talakayin ng mga miyembro ng klase kung ano ang maaari nilang sabihin kung may magtanong kung ano ang kahulugan ng sakramento sa kanila, pati na ang anumang mga kabatirang natamo nila mula sa Paskua. Maaari mong bigyan ng panahon ang mga miyembro ng klase na pagnilayan kung ano ang magagawa nila para maalala ang Tagapagligtas araw-araw. Ang video na “Always Remember Him” (ChurchofJesusChrist.org) ay maaaring makatulong sa kanila.

Larawan
additional resources icon

Karagdagang Resources

Ang Paskua ay nagtuturo tungkol sa Tagapagligtas.

Simbolo

Posibleng Kahulugan

Simbolo

Ang cordero (Exodo 12:3–5.)

Posibleng Kahulugan

Jesucristo

Simbolo

Dugo sa mga haligi ng pintuan (Exodo 12:7)

Posibleng Kahulugan

Ang nagbabayad-salang dugo ni Jesucristo, na nagliligtas sa atin

Simbolo

Pagkain sa karne ng kordero (Exodo 12:8)

Posibleng Kahulugan

Gawing bahagi ng ating buhay ang Tagapagligtas

Simbolo

Mapapait na gulay (Exodo 12:8)

Posibleng Kahulugan

Ang kapaitan ng pagkabihag (kasalanan)

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Makinig. “Ang pakikinig ay pagpapakita ng pagmamahal. … Magpatulong sa Ama sa Langit na maunawaan mo ang sinasabi ng mga miyembro ng iyong klase. Habang pinapansin mong maigi ang kanilang binibigkas at hindi binibigkas na mga mensahe, mas mauunawaan mo ang kanilang mga pangangailangan, problema, at hangarin” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 34).

Print