Lumang Tipan 2022
Abril 18–24. Exodo 18–20: “Lahat na Sinalita ng Panginoon ay Aming Gagawin”


“Abril 18–24. Exodo 18–20: ‘Lahat na Sinalita ng Panginoon ay Aming Gagawin,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Abril 18–24. Exodo 18–20,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
bundok

Isang bundok sa Egipto na pinaniwalaan noon na Bundok ng Sinai.

Abril 18–24

Exodo 18–20

“Lahat na Sinalita ng Panginoon ay Aming Gagawin”

Basahin ang Exodo 18–20, at itala ang mga impresyong natatanggap mo kung paano tulungan ang mga miyembro ng klase mo na matuto mula sa mga kabanatang ito. Kahit mga simpleng impresyon ay maaaring humantong sa mga makabuluhang karanasan.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Para maanyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang natutuhan nila, maaari mong isulat sa pisara ang 18, 19, at 20—mga kabanatang binasa nila sa Exodo sa linggong ito. Hilingin sa mga miyembro ng klase na isulat sa tabi ng bilang ng bawat kabanata ang mga numero ng mga talatang gusto nilang talakayin mula sa kabanatang iyon. Kapag ibinahagi ng mga miyembro ng klase ang kanilang mga kabatiran, itanong sa iba pang mga miyembro ng klase kung may mga kabatiran sila tungkol sa mga siping iyon.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Exodo 18:13–26

Makakatulong tayong “magpasan ng pasanin” na gawin ang gawain ng Panginoon.

  • Maaari mong hikayatin ang iyong klase na talakayin ang payo ni Jethro kay Moises (tingnan sa Exodo 18:13–26) sa pamamagitan ng paghiling sa kanila na isipin na kunwari’y may kausap silang tao na nadarama na ang kanyang mga calling o tungkulin sa Simbahan, obligasyon sa pamilya, o iba pang responsibilidad ay “napakabigat” at na siya ay “[n]anghihina” (Exodo 18:18). Paano maaaring makatulong ang payo sa Exodo 18:13–26? Anong karagdagang payo ang maaari nating ibahagi mula sa ating mga personal na karanasan?

  • Ang pag-uusap tungkol sa Exodo 18:13–26 ay maaaring magbigay ng pagkakataong talakayin kung paano makakatulong ang ministering para “magpasan ng pasanin na katulong” ang ating mga lider sa gawain ng Panginoon (Exodo 18:22). Ano ang mga katangiang iminungkahi ni Jethro na dapat hanapin ni Moises sa mga taong magsisilbing “mga pinuno” ng mga tao? (tingnan sa Exodo 18:21). Bakit mahalaga sa ating mga pagsisikap na maglingkod sa isa’t isa ang mga katangiang iyon? Paano nakakatulong ang paglilingkod sa mga miyembro ng pamilya, mga miyembro ng Simbahan, at iba pa na “magpasan ng pasanin” ng ating mga lider sa Simbahan? Bilang bahagi ng inyong talakayan, maaari mong ipalabas ang isa sa mga kaugnay na video na matatagpuan sa ministering.ChurchofJesusChrist.org.

    Larawan
    lalaking nakikipagkamay sa isang babae

    Ang paglilingkod sa iba ay isang paraan para makabahagi tayo sa gawain ng Panginoon.

Exodo 20:2–11

Dapat nating unahin ang Panginoon sa ating buhay.

  • May naiisip ka bang isang gawain na mas epektibo kapag kinumpleto muna natin ang pinakamahahalagang hakbang? (Ang mga halimbawa ay maaaring kabilangan ng paglutas ng isang math equation o pagsunod sa isang resipe). Ibahagi sa klase ang ilang halimbawang pamilyar sa iyo, at anyayahan silang mag-isip ng sarili nila. Paano nauugnay ang pagkumpleto muna ng pinakamahahalagang hakbang sa mga kautusan sa Exodo 20:2–11? Ano ang itinuturo sa atin ng mga kautusan tungkol sa pag-una sa Diyos sa ating buhay? Ano ang mga bagay na maaari tayong matuksong unahin kaysa sa Kanya? (Para sa ilang halimbawa, tingnan ang pahayag sa “Karagdagang Resources.”) Ang pagrebyu sa Exodo 20:2–11 ay makakatulong sa mga miyembro ng iyong klase na pagbulayan ang kanilang tapat na pangako na unahin ang Diyos.

Exodo 20:2–17

Ang Diyos ay maawain.

  • Paano mo maipauunawa sa mga miyembro ng iyong klase ang kahalagahan ng Sampung Utos sa ating panahon? Maaari mong hatiin ang klase sa magkakapares at anyayahan silang basahin ang Exodo 20:2–17 at pagkatapos ay talakayin kung paano sila pinagpapala ng pagsunod sa bawat isa sa mga kautusan, pati na ang kanilang pamilya, at ang mga tao sa paligid nila. Maaari mo ring ipalabas ang video na “Obedience to the Ten Commandments” (ChurchofJesusChrist.org). Anong mga pagpapala ang ipinapangako sa atin ng Ama sa Langit sa pagsunod sa Kanyang mga utos? (tingnan, halimbawa, sa Mosias 2:41). Paano ipinamamalas ng mga kautusang ito ang pagmamahal ng Diyos sa atin?

Larawan
additional resources icon

Karagdagang Resources

Walang ibang mga diyos.

Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball na may mga pagkakatulad sa pagitan ng sinaunang pagsamba sa mga larawang inanyuan at ng pag-uugali ng mga tao ngayon. Sabi niya:

“Ang pagsamba sa diyus-diyusan ay isa sa mga pinakamabigat na kasalanan. …

“Ang mga makabagong idolo o diyus-diyusan ay maaaring nasa kaanyuan ng mga damit, tahanan, negosyo, makina, sasakyan, mga bangka na gamit sa paglilibang, at maraming iba pang bagay sa mundo na naglalayo sa atin sa landas na patungo sa pagiging diyos. …

“Ang mga bagay na hindi nakikita o nahahawakan ay madali ring maging mga diyus-diyusan sa atin. Ang mga digri sa unibersidad at gantimpala at titulo ay maaaring maging mga diyus-diyusan. …

“Maraming tao ang inuuna muna ang pagbili at pagkumpleto ng kasangkapan sa tahanan at pagbili ng sasakyan—at saka matutuklasang ‘hindi nila kayang magbayad’ ng ikapu. Sino ang kanilang sinasamba? Tiyak na hindi ang Panginoon ng langit at lupa. …

“Marami ang sumasamba sa [pangangaso], pangingisda, pagbabakasyon, lingguhang pagpipiknik at paglilibot. Ang [sinasamba] naman ng iba ay ang mga larong pampalakasan, baseball, football, bullfight, o golf. …

“Ang isa pang imahen na sinasamba ng mga tao ay ang kapangyarihan at katanyagan. … Ang mga diyus-diyusang ito ng kapangyarihan, kayamanan, at impluwensya ay gumugugol ng marami sa ating oras at katulad na katulad ng mga gintong guya ng mga anak ni Israel sa ilang” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 176–77).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Magtuon sa ilang alituntunin. “Maraming tatalakayin sa bawat lesson, ngunit hindi kailangang ituro ang lahat sa isang class period para antigin ang puso ng isang tao—madalas ay sapat na ang isa o dalawang mahahalagang punto” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 7).

Print