Lumang Tipan 2022
Abril 11–17. Pasko ng Pagkabuhay: “Sinakmal Niya ang Kamatayan Magpakailan Man”


“Abril 11–17. Pasko ng Pagkabuhay: ‘Sinakmal Niya ang Kamatayan Magpakailan Man,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Abril 11–17. Pasko ng Pagkabuhay,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
libingan na may batong pinagulong palayo sa pintuan

Paglalarawan ng libingang walang-laman ni Maryna Kriuchenko

Abril 11–17

Pasko ng Pagkabuhay

“Sinakmal Niya ang Kamatayan Magpakailan Man”

Habang naghahanda kang magturo sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, isipin kung paano mo matutulungan ang mga miyembro ng klase na magkaroon ng mas malalim na pagpapahalaga at patotoo tungkol sa nagbabayad-salang sakripisyo at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Marahil ay maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang ginawa nila o ng kanilang pamilya para mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala sa panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Dahil nadaig ng Tagapagligtas ang kamatayan, tayo man ay muling mabubuhay.

  • Dahil ngayon ay Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, isiping rebyuhin ang salaysay sa banal na kasulatan tungkol sa unang Pasko ng Pagkabuhay—ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo (tingnan sa Juan 20:1–17). Maaari mong anyayahan ang isang miyembro ng klase na ikuwento ito sa sarili niyang mga salita. Maaari mo ring ipalabas ang video na “He Is Risen” (ChurchofJesusChrist.org). Maaari ding matuwa ang mga miyembro ng klase sa pagkanta ng mga himno tungkol sa Tagapagligtas at pagbasa sa kaugnay na mga talata sa banal na kasulatan (nakalista ang mga reperensya sa ibaba ng bawat awitin sa Mga Himno). Pagkatapos ay maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng mga paboritong parirala mula sa mga himno at ng damdamin nila tungkol sa Tagapagligtas.

  • Para matulungan ang klase mo na pahalagahan kung paano pinatototohanan ng Lumang Tipan si Jesucristo, maaari mo silang anyayahang rebyuhin ang mga talata sa table na nasa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, gayundin ang mga sipi sa Aklat ni Mormon na kasama sa table. Ano ang matututuhan natin tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli mula sa mga siping ito? Bakit mahalagang malaman ang mga propesiyang ito?

Makasusumpong tayo ng kapayapaan at kagalakan sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.

  • Kasama sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ang isang listahan ng mga talata sa banal na kasulatan na naglalarawan sa kapayapaan at kagalakang dumarating sa pamamagitan ni Jesucristo. Kung binasa ng mga miyembro ng klase ang mga talatang ito sa bahay, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga iniisip at nadarama tungkol sa mga ito. O maaari ninyong basahin sa klase ang ilang talata at pag-usapan ang kapayapaan at kagalakang nadarama natin dahil sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Paano natin maibabahagi ang mga pagpapalang ito sa mga taong maaaring nahihirapang magkaroon ng kapayapaan at kagalakan sa kanilang buhay? Maaari mo ring anyayahan ang isang miyembro ng klase na basahin ang mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson na “Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan” (Liahona, Nob. 2016, 81–84) sa buong linggo bago ang klase at pumasok sa klase na handang ibahagi kung ano ang itinuturo ng mensaheng ito tungkol sa pagkakaroon ng kagalakan sa Tagapagligtas.

  • Maaari kang mahikayat na pangunahan ang isang talakayan kung paano tulungan ang iba na magkaroon ng kapayapaan at kagalakan kay Cristo. Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na isipin ang isang kakilala nila—marahil ay isang taong pinaglilingkuran nila—na maaaring nangangailangan ng kanilang suporta, paglilingkod, o kahit man lang marinig ang kanilang patotoo tungkol kay Cristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Hikayatin ang mga miyembro ng klase na sumangguni sa mga talata sa banal na kasulatan (tulad ng nasa “Karagdagang Resources”) habang pinag-iisipan nila ang paglilingkod na maaari nilang ibigay o mga patotoong maaari nilang ibahagi para palakasin ang mga nasa paligid nila. Anyayahan ang ilang miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mga iniisip tungkol sa paglilingkod na tulad ng ginawa ni Jesus.

Larawan
si Cristo sa krus

Grey Day Golgotha [Araw ng Kadiliman sa Golgotha], ni J. Kirk Richards

Sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, may kapangyarihan si Jesucristo na tulungan akong madaig ang kasalanan, kamatayan, mga pagsubok, at mga kahinaan.

  • Maaaring ang isang paraan para matulungan ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang mga pagpapalang dumarating sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ay ang isulat sa pisara ang mga heading na Kasalanan, Kamatayan, Mga Pagsubok, at Mga Kahinaan. Maaaring basahin ng bawat miyembro ng klase ang isa sa mga talata sa banal na kasulatan na nakalista sa “Karagdagang Resources” at pagnilayan kung paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas na madaig ang mga bagay na nakasulat sa pisara. Maaaring isulat ng mga miyembro ng klase sa pisara ang kanilang mga reperensya sa banal na kasulatan sa ilalim ng isa o higit pang mga heading at ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala.

  • Ang mga kuwento at analohiya ay magpapaunawa sa atin sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Halimbawa, maaari ninyong anyayahan ang isang miyembro ng klase na ibahagi ang isa sa mga kuwento o analohiya sa mensahe ni Elder Walter F. González na “Ang Haplos ng Tagapagligtas” (Liahona, Nob. 2019, 90–92) o sa mensahe ni Sister Neill F. Marriott na “Pagsunod sa Diyos at Pag-aalis ng Agwat” (Liahona, Nob. 2017, 10–12). Ano ang itinuturo sa atin ng mga kuwento at analohiyang ito tungkol sa Pagbabayad-sala ni Cristo? Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magpares-pares para pag-isipan ang sarili nilang mga kuwento o analohiya.

  • Ano ang matututuhan natin mula sa mga sumusunod na talata tungkol sa ipinagpalit ni Jesucristo para sa ating kaligtasan: Isaias 53:3–5; Mosias 3:7; Doktrina at mga Tipan 19:16–19? Ano ang ipinagpalit ng ating Ama sa Langit? (tingnan sa Juan 3:16).

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Magpasalamat sa iyong mga mag-aaral. “Huwag maging masyadong abala sa lesson na nalilimutan mo nang pasalamatan ang mga mag-aaral sa kanilang mga ambag. Kailangan nilang malaman na pinahahalagahan mo ang kahandaan nilang ibahagi ang kanilang mga pananaw at patotoo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 33).

Print