Lumang Tipan 2022
Hunyo 6–12. Ruth; 1 Samuel 1–3: “Nagagalak ang Aking Puso sa Panginoon”


“Hunyo 6–12. Ruth; 1 Samuel 1–3: ‘Nagagalak ang Aking Puso sa Panginoon,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Hunyo 6–12. Ruth; 1 Samuel 1–3,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
Ruth at Naomi

Whither Thou Goest [Kung Saan Ka Pumaroon], ni Sandy Freckleton Gagon

Hunyo 6–12

Ruth; 1 Samuel 1–3

“Nagagalak ang Aking Puso sa Panginoon”

Mahalagang maging handang magturo, ngunit tiyaking kasama sa mga plano mo ang pagbibigay sa mga miyembro ng klase ng mga pagkakataong ibahagi ang natutuhan nila.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Para mahikayat ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang natutuhan nila sa linggong ito, maaari mo silang anyayahang isulat sa pisara ang isang salita o parirala mula sa Ruth 1–4 o 1 Samuel 1–3 na nagbigay-inspirasyon sa kanila sa pag-aaral nilang mag-isa o ng pamilya. Basahin nang malakas ang ilan, na hinihiling sa mga miyembro ng klase na ibahagi kung paano sila nagkainspirasyon sa mga salita at pariralang ito.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Ruth; 1 Samuel 1–2

Maaaring gawing tagumpay ni Cristo ang trahedya.

  • Bagama’t maaaring may kanya-kanyang pagsubok ang mga miyembro ng klase mo na naiiba kina Ruth at Ana, matututo sila mula sa mga paraan ng pagtugon ng matatapat na babaeng ito sa pagkawalang isang bagay at pighati. Para matulungan silang gawin ito, maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na grupo at anyayahan ang bawat grupo na basahin ang isang kabanata mula sa Ruth 1–4 o 1 Samuel 1. Sa pisara, maaari mong isulat ang mga tanong na tulad nito: Anong mga pagsubok ang kinakaharap noon ni Ruth o ni Ana? Paano nila ipinakita ang kanilang tiwala sa Panginoon sa kanilang mga pagsubok? Maaaring hanapin ng mga grupo ang mga sagot sa isa o mahigit pa sa mga tanong at ibahagi ang malalaman nila. Ano ang natututuhan natin mula sa mga salaysay na ito kung paano tayo matutulungan ng Panginoon sa ating mga pagsubok?

    Larawan
    Ana at Samuel

    For This Child I Prayed [Dahil sa Batang Ito Ako ay Nanalangin], ni Elspeth Young

  • Hindi lahat ng nagdarasal para sa isang anak ay nagkakaroon nito, at hindi lahat ng namamatayan ng asawa ay nag-aasawang muli. Ngunit ang ating mga personal na hamon, anuman ang mga ito, ay maaaring maging mga pagkakataon para bumaling sa Tagapagligtas at palakasin ang ating pananampalataya sa Kanya. Maaari ninyong hilingin sa mga miyembro ng klase na basahin ang Ruth 2:11–12 at 1 Samuel 1:9–11 at pag-usapan kung paano nakaapekto ang mga pagsubok nina Ruth at Ana sa kanilang kaugnayan sa Panginoon. Maaari ding ibahagi ng mga miyembro ng klase kung paano napalakas ang sarili nilang pananampalataya dahil bumaling sila kay Jesucristo sa mga oras ng pagsubok.

    Para masuportahan ang talakayang ito, maaari mong anyayahan ang isa o mahigit pang mga miyembro ng klase na pumasok na handang magbahagi ng mga kabatiran mula sa isa sa mga sumusunod: mensahe ni Sister Reyna I. Aburto na “Sa Dilim at Liwanag, Aking Panginoon, Manatili!” (Liahona, Nob. 2019, 57–60); ang bahaging pinamagatang “Ang Kagalakan ng Pagdaig sa Pamamagitan ni Cristo” mula sa mensahe ni Elder D. Todd Christofferson na “Ang Kagalakan ng mga Banal” (Liahona, Nob. 2019, 16–17); o ang mga salita ni Pangulong Elaine S. Dalton sa “Karagdagang Resources.” Hilingin sa mga miyembro ng klase na ibahagi ang natutuhan nila kung paano maaaring maging mga pagkakataon ang ating mga pagsubok para higit na manampalataya kay Jesucristo.

1 Samuel 2:18–363

Dapat nating pakinggan at sundin ang tinig ng Panginoon.

  • Maaaring may mga tao sa klase mo na nakarinig na, tulad ni Samuel, sa tinig ng Panginoon ngunit hindi nakilala na tinig Niya iyon. Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na rebyuhin ang 1 Samuel 3, na hinahanap kung ano ang ginawa ni Samuel na maaaring makatulong sa atin sa ating mga pagsisikap na pakinggan at sundin ang tinig ng Panginoon. Maaari mo ring hilingin sa dalawang miyembro ng klase na isadula ang mga pag-uusap nina Samuel at Eli.

  • Kung minsan ay natatagpuan natin ang ating sarili sa isang sitwasyong tulad ng kay Eli—may pagkakataon tayong tulungan ang isang tao na makilala ang tinig ng Panginoon. Marahil ay maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase kung paano nila nagawa ito para sa mga kaibigan, kapamilya, o iba pa. Anong mga talata sa banal na kasulatan o mga karanasan ang naibahagi na natin upang maipaunawa sa iba kung paano nangungusap sa atin ang Panginoon? (tingnan, halimbawa, sa Doktrina at mga Tipan 6:22–23; 8:2–3; 9:7–9).

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Hindi tayo kailanman nag-iisa.

Itinuro ni Pangulong Elaine S. Dalton:

“Ang paglalakbay sa buhay ay dinadala tayo kung minsan sa mga di-inaasahang landas. May mga pasikut-sikot at paikot sa daan na hindi inaasahan ng sinuman sa atin. Ngunit sa bawat isa sa mga pasikut-sikot at paikot na ito ay mayroon ding pagkakataon—pagkakataong piliin kung paano tayo tutugon at ano ang ating gagawin. Ang mga hirap sa buhay ay maaaring maging mga pagkakataon upang tulungan tayong mas mapalapit sa Tagapagligtas at mas lubos na magtiwala sa Kanya. Sa proseso ng pamumuhay nang malapit sa Kanya bawat araw, nagkakaroon tayo ng mga katangian ni Cristo. …

“Tulad nina Ruth at Ana, lahat tayo ay daranas ng paghihirap. Maaaring hindi natin palaging nauunawaan ang plano ng Panginoon para sa ating buhay, ngunit pinatototohanan ko na hindi tayo nag-iisa kailanman. Lagi Siyang nariyan, at nangangako Siya sa atin, ‘Hindi ninyo mamamasdan ng inyong likas na mga mata, sa kasalukuyan, ang balangkas ng inyong Diyos hinggil sa mga bagay na yaon na darating pagkaraan nito, at ang kaluwalhatiang susunod matapos ang maraming kapighatian’ [Doktrina at mga Tipan 58:3]” (“Lessons from Ruth and Hannah,” Ensign, Abr. 2006, 35, 37).

Tingnan din sa Juan 14:18; Alma 38:5.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

OK lang sabihin na “Hindi ko alam.” Kahit dapat mong gawin ang lahat ng makakaya mo para sagutin ang mga tanong ng mga miyembro ng klase mo, hindi inaasahan ng Panginoon na malaman mo ang lahat ng bagay. Kapag hindi mo alam kung paano sagutin ang isang bagay, aminin iyon at tapat na magpatotoo tungkol sa nalalaman mo. (Tingnan sa 1 Nephi 11:16–17; Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 24.)

Print