Lumang Tipan 2022
Hunyo 13–19. 1 Samuel 8–10; 13; 15–18: “Ang Labanang Ito ay sa Panginoon”


“Hunyo 13–19. 1 Samuel 8–10; 13; 15–18: ‘Ang Labanang Ito ay sa Panginoon,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Hunyo 13–19. 1 Samuel 8–10; 13; 15–18,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
ang batang si David na may dalang tirador

David and Goliath [Sina David at Goliat], ni Steve Nethercott

Hunyo 13–19

1 Samuel 8–10; 13; 15–18

“Ang Labanang Ito ay sa Panginoon”

Habang naghahanda kang magturo, alalahanin na malamang ay nagkaroon na ng makabuluhang mga karanasan ang mga miyembro ng klase sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa bahay. Ano ang magagawa mo para makaragdag sa mga karanasang iyon?

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Para mahikayat ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang natutuhan nila sa linggong ito, bigyan sila ng panahon na pag-isipan ang anumang impresyon nila tungkol sa 1 Samuel 8–10; 13; 15–18. Pagkatapos ay hilingin sa kanila na ibahagi ang isang talata na naghikayat ng isang impresyon.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

1 Samuel 9:15–17; 10:1–12; 16:1–13

Tumatawag ng mga tao ang Diyos sa pamamagitan ng propesiya upang maglingkod sa Kanyang kaharian.

  • Ang mga salaysay tungkol sa pagpili ng Diyos kina Saul at David sa pamamagitan ng propesiya at paghahayag ay maaaring magpaunawa sa mga miyembro ng klase kung paano pinipili ang mga tao upang maglingkod sa Simbahan ngayon. Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin ang 1 Samuel 9:15–17; 10:1–12; and 16:1–13, na naghahanap ng mga talatang maaaring magpaunawa sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng “tawagin ng Diyos” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:5). Ano ang kaibhang nagagawa, para sa mga taong tinawag at para sa mga sumusuporta sa kanila, na malaman na pinipili ng Diyos ang mga tao upang maglingkod sa Kanyang Simbahan?

    Larawan
    si Samuel na pinapahiran ng langis si Saul

    Paglalarawan kay Samuel na pinapahiran ng langis si Saul, © Lifeway Collection/lisensyado ng goodsalt.com

1 Samuel 13:5–14; 15

“Ang pagsunod ay mas mabuti kaysa alay.”

  • Para matalakay kung bakit mahalagang maging masunurin sa Panginoon, maaari mong anyayahan ang klase na rebyuhin ang 1 Samuel 13:5–14 at hanapin ang mga katangian at pag-uugaling humantong sa pagbagsak ni Saul. Ano ang matututuhan natin mula sa mga pagkakamali ni Saul?

  • Bagama’t hindi natin alam ang lahat ng dahilan kung bakit inutusan si Saul na patayin ang lahat ng Amalekita at ang kanilang mga hayop, may mga aral na matututuhan mula sa kanyang tugon sa utos na iyon. Para matulungan ang mga miyembro ng klase na matukoy ang mga aral na ito, maaari mong isulat sa pisara ang Ang pagsunod ay mas mabuti kaysa … at anyayahan ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang mga katagang ito habang sama-sama ninyong nirerebyu ang mga pangyayari mula sa 1 Samuel 15. Ano ang ilang mabubuting bagay na ginagawa natin sa ating buhay na pinipili natin kung minsan sa halip na sundin ang Diyos? Bakit mas mainam ang pagsunod sa Diyos kaysa sa iba pang mabubuting bagay?

1 Samuel 16:6–7

“Ang Panginoon ay tumitingin sa puso.”

  • Matapos basahin ang 1 Samuel 16:6–7, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase ang kanilang mga iniisip kung ano ang ibig sabihin ng tumingin “sa puso” (talata 7). Paano natin mapag-aaralang tumingin sa paraan ng pagtingin ng Panginoon? Maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng mga karanasang nagturo sa kanila ng kahalagahan ng pagtingin sa puso sa halip na sa panlabas na anyo.

I Samuel 17

Matutulungan tayo ng Panginoon na madaig ang anumang hamon.

  • Sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, maaaring napagnilayan na ng mga miyembro ng klase ang mga salita ng iba-ibang tao na matatagpuan sa 1 Samuel 17. Isiping hilingin sa klase na ibahagi ang natutuhan nila mula sa aktibidad na ito. Higit sa lahat, ano ang nalaman nila tungkol kay David?

  • Ang ilang miyembro ng inyong klase ay malamang na nahaharap sa mga hamon na maaaring tila nakakatakot na tulad ng ginawa ni Goliat kay Saul at sa kanyang hukbo. Paano ninyo magagamit ang kuwento tungkol kina David at Goliat para tulungan ang mga miyembro ng klase na harapin ang kanilang mga hamon nang may pananampalataya sa Panginoon? Marahil ay maaari kang magdispley ng isang larawan nina David at Goliat (tulad ng nasa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Pagkatapos ay maaaring ilista ng mga miyembro ng klase sa pisara ang ilang bagay na maaaring maging “mga Goliat” sa ating panahon. Pagkatapos ay maaari silang maghanap ng mga talata sa 1 Samuel 17 na nagpapamalas ng pananampalataya ni David, na nagbigay ng kakayahan sa kanya na talunin si Goliat (tingnan din ang pahayag sa “Karagdagang Resources”). Marahil ay maaaring magbahagi ng mga karanasan ang mga miyembro ng klase kung saan nadama nila na tumutulong ang Panginoon sa mga pakikibaka nila sa buhay.

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Pagdaig sa ating mga Goliat.

Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley:

“May mga Goliat sa buong paligid ninyo, malalaking higanteng may masamang instensyong sirain kayo. Hindi ito mga taong siyam-na-talampakan ang taas, kundi mga tao at institusyong kumokontrol sa kaakit-akit ngunit masasamang bagay na maaaring humamon at magpahina at sumira sa inyo. …

“… Ngunit hindi kayo kailangang matakot kung may mga espirituwal kayong kagamitan tulad ng mga banal na kasulatan. … Nasa inyo ang mga bato ng kabanalan at karangalan at integridad para gamitin laban sa mga kaaway na ito na gustong bumihag sa inyo. Sa ganang inyo, maaari ninyo silang patamaan ‘sa pagitan ng mga mata,’ sabi nga sa isang matalinghagang pagpapahayag. Mananalo kayo laban sa kanila kung didisiplinahin ninyo ang inyong sarili na iwasan sila. Maaari ninyong sabihin sa kanilang lahat ang sinabi ni David kay Goliat, ‘Lumalapit ka sa akin na may tabak, may maliit at malaking sibat, ngunit ako’y lumalapit sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel na iyong hinahamon’ [1 Samuel 17:45]” (“Overpowering the Goliaths in Our Lives,” Ensign, Mayo 1983, 46, 51).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Ang calling mo ay binigyang-inspirasyon. Bilang isang guro, tinawag ka ng Panginoon para pagpalain ang Kanyang mga anak. Kapag namuhay ka nang marapat sa Kanyang tulong, ibibigay Niya sa iyo ang paghahayag na iyong hinahanap. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 5.)

Print