Lumang Tipan 2022
Hunyo 20–26. 2 Samuel 5–7; 11–12; 1 Mga Hari 3; 8; 11: “Ang Iyong Kaharian ay Matitiwasay Magpakailanman”


“Hunyo 20–26. 2 Samuel 5–7; 11–12; 1 Mga Hari 3; 8; 11: ‘Ang Iyong Kaharian ay Matitiwasay Magpakailanman,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Hunyo 20–26. 2 Samuel 5–7; 11–12; 1 Mga Hari 3; 8; 11,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
si Haring David na nakaupo sa trono

King David Enthroned [Si Haring David na Nakaluklok sa Trono], ni Jerry Miles Harston

Hunyo 20–26

2 Samuel 5–7; 11–12; 1 Mga Hari 3; 8; 11

“Ang Iyong Kaharian ay Matitiwasay Magpakailanman”

Habang pinag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan, mapanalanging hangaring malaman kung aling mga alituntunin ang magiging pinakamakabuluhan sa mga miyembro ng klase mo para makatuon ka sa kanilang mga pangangailangan.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Para malaman kung ano ang naging makabuluhan para sa mga miyembro ng klase sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan, maaari mong hilingin sa kanila na isulat sa mga piraso ng papel ang reperensya para sa isang talatang nagbigay-inspirasyon sa kanila at pagkatapos ay ilagay ang mga papel sa isang lalagyan. Pagkatapos ay maaaring pumili ng mga papel ang mga miyembro ng klase mula sa lalagyan, at maaaring basahin at talakayin ng klase ang mga sipi.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

2 Samuel 6:1–8

Kailangan nating gawin ang gawain ng Diyos sa Kanyang paraan.

  • Maaari mong hilingin sa mga miyembro ng klase na basahin ang 2 Samuel 6:1–8 at isipin kung ano ang mga babala sa kuwentong ito para sa atin ngayon. Ang pahayag ni Brigham Young sa “Karagdagang Resources” ay maaaring makatulong. Ano ang ilang paraan na maaari nating sikaping gawin ang gawain ng Diyos sa isang paraan maliban sa Kanyang itinagubilin? Bakit mapanganib ito? Marahil ay maaaring magbahagi ng mga karanasan ang mga miyembro ng klase kung saan natuto silang magtiwala sa tagubiling ibinibigay ng Panginoon sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain.

2 Samuel 11

Dapat tayong laging mag-ingat laban sa pagkakasala.

  • Ang pagkatuto mula sa masasamang pasiya ni David na nakatala sa 2 Samuel 11 ay makakatulong sa atin na iwasan ang gayon ding mga pagkakamali. Marahil ay maaaring sama-samang basahin ng klase ang 2 Samuel 11:1–17 at tukuyin ang mga pasiyang ginawa ni David na umakay sa kanya na magkasala. Ano kaya ang maaaring nagawang iba ni David? Maaari mo ring hilingin sa mga miyembro ng klase na isulat ang isang pangungusap na makakahikayat sa isang tao na iwasang magkasala, batay sa natutuhan nila mula sa 2 Samuel 11. Anyayahan ang ilang miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mga ideya.

  • Maaari mong gamitin ang 2 Samuel 11 para talakayin ang mga panganib ng pornograpiya at iba pang mga kasalanang seksuwal. Para magawa ito, maaaring sama-samang rebyuhin ng klase ang mga bahagi ng mensahe ni Elder L. Whitney Clayton na “Mapapalad ang Lahat ng May Dalisay na Puso” (Liahona, Nob. 2007, 51–53). Anong payo ang ibinibigay ni Elder Clayton tungkol sa mga panganib ng pornograpiya?  (ChurchofJesusChrist.org) Paano tayo matutulungan ng Tagapagligtas na madaig ang mga tukso o pag-uugaling ito?

    Marahil ay maaaring magbahagi ng mga ideya ang mga miyembro ng klase na nakatulong sa kanilang mga pagsisikap na protektahan ang kanilang pamilya mula sa pornograpiya o madaig ang mga epekto ng pornograpiya. Ang mensahe ni Sister Linda S. Reeves na “Proteksyon Laban sa Pornograpiya—Tahanang Nakatuon kay Cristo” ay makakatulong (Liahona, Mayo 2014, 15–17; tingnan din sa “Karagdagang Resources”).

Larawan
Barranquilla Columbia Temple

Ang templo ang bahay ng Panginoon.

1 Mga Hari 8:22–61

Ang mga templo ay naghahatid ng mga pagpapala.

  • Inilalarawan sa 1 Mga Hari 8 ang mga pagpapalang hinangad ni Solomon para sa kanyang mga tao nang matapos ang templo. Maaari mong hatiin ang mga talata 22–61 sa mga miyembro ng klase at hilingin sa kanila na ibahagi ang isang bagay na makita nila sa kanilang mga talata na nagbibigay-inspirasyon sa kanila sa kanilang pagsamba sa templo. Maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase kung paano napagpala ng pagsamba sa bahay ng Panginoon ang kanilang buhay.

1 Mga Hari 8:61; 11:1–11

“Ang kanyang puso ay hindi naging lubos na tapat sa Panginoon.”

  • Ano ang ibig sabihin ng “maging lubos na tapat … ang [ating] puso sa Panginoon”? (1 Mga Hari 8:61). Iba ba iyan sa pagiging perpekto ng ating mga kilos? Paano? Habang pinagninilayan ng mga miyembro ng klase ang mga tanong na ito, maaari nilang basahin ang 1 Mga Hari 11:1–11 at pansinin ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa puso ni Solomon. Paano natin maiiwasan ang mga pagkakamaling ginawa niya?

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Pagpapatatag sa arka.

Itinuro ni Pangulong Brigham Young: “Huwag pakialaman ang Kaharian, pinatatatag ng Panginoon ang arka; at kung gagalaw nga ito, at tila kailangang patatagin, kung medyo patagilid ang daan kung minsan, at mukhang babagsak ito, mag-ingat kung paano ninyo inuunat ang inyong kamay para patatagin ito; huwag tayong lubhang manghimasok sa isang bagay na walang kinalaman sa atin; huwag itong pakialaman, gawain ito ng Panginoon” (Discourses of Brigham Young, pinili ni John A. Widtsoe [1954], 66).

Pagprotekta sa mga pamilya mula sa pornograpiya.

Itinuro ni Sister Linda S. Reeves: “Paano natin pinoproteksyunan ang ating mga anak at kabataan? Ang mga filter ay mga tools na nakatutulong, ngunit ang pinakamatinding filter sa mundo, ang nag-iisa at talagang magpoprotekta, ay ang sariling filter sa ating kalooban na nagmumula sa malalim at matibay na patotoo sa pagmamahal ng ating Ama sa Langit at nagbabayad-salang sakripisyo ng ating Tagapagligtas para sa bawat isa sa atin” (“Proteksyon Laban sa Pornograpiya—Tahanang Nakatuon kay Cristo,” Liahona, Mayo 2014, 16; tingnan din sa Joy D. Jones, “Pagharap sa Problema ng Pornograpiya: Pagprotekta, Pagtugon, at Paggaling,” Liahona, Okt. 2019, 37–41).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Tiyakin na totoong doktrina ang itinuturo mo. “Patuloy na itanong sa iyong sarili, ‘Paano matutulungan ng mga itinuturo ko ang mga miyembro ng klase ko na mapatatag ang kanilang pananampalataya kay Cristo, magsisi, gumawa at tumupad ng mga tipan sa Diyos, at matanggap ang Espiritu Santo?’” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 20).

Print