Lumang Tipan 2022
Hunyo 27–Hulyo 3. 1 Mga Hari 17–19: “Kung ang Panginoon ay Diyos, Sumunod Kayo sa Kanya”


“Hunyo 27–Hulyo 3. 1 Mga Hari 17–19: ‘Kung ang Panginoon ay Diyos, Sumunod Kayo sa Kanya,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Hunyo 27–Hulyo 3. 1 Mga Hari 17–19,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
si Elijah na nakatayo sa tabi ng nagliliyab na altar

Elijah Contends against the Priests of Baal [Nakikipagtalo si Elijah sa mga Saserdote ni Baal], ni Jerry Harston

Hunyo 27–Hulyo 3

I Mga Hari 17–19

“Kung ang Panginoon ay Diyos, Sumunod Kayo sa Kanya”

Ang layunin ng mga banal na kasulatan—at ng klase mo—ay patatagin ang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Hayaang gabayan ng layuning ito ang mga desisyong ginagawa mo kung ano ang ituturo at ano ang mga itatanong.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Para matulungan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga kabatiran tungkol sa 1 Mga Hari 17–19, maaari mo silang anyayahang mag-isip ng isang pamagat para sa bawat isa sa mga kabanatang ito. Anong mga talata ang nagpaisip sa kanila sa mga pamagat na ito?

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

1 Mga Hari 17:8–16; 19:19–21

Ang paanyayang magsakripisyo ay isang pagkakataon para manampalataya.

  • Ang halimbawa ng balo ng Zarefta ay maaaring magbigay-inspirasyon sa mga miyembro ng klase mo sa mga panahon na sinusubok ang kanilang pananampalataya. Maaari kang magsimula sa paghiling sa kanila na ilista ang mga pasiyang nangangailangan ng pananampalataya kay Jesucristo. Pagkatapos ay maaari nilang basahin ang salaysay sa 1 Mga Hari 17:8–16 at pag-usapan kung ano ang itinuturo ng kuwentong ito sa kanila tungkol sa pagsampalataya. Hikayatin ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang damdamin tungkol sa balo at kung paano sila nabibigyang-inspirasyon ng kanyang halimbawa na sumampalataya. Paano naging katulad ang kanyang pananampalataya ng pananampalatayang ipinamalas ni Eliseo sa 1 Mga Hari 19:19–21? Marahil ay handang magbahagi ang mga miyembro ng klase ng mga sakripisyong nagawa nila para sa Panginoon at kung paano Niya sila napagpala.

  • Matuturuan din tayo ng kuwento tungkol sa balo ng Zarefta tungkol sa mga pagpapalang dumarating mula sa sakripisyo. Maaari mong hilingin sa mga miyembro ng klase na pagnilayan kung paano sila tutugon sa mga pahayag na kagaya nito: “Hindi ko kayang magbayad ng ikapu” o “Masyado akong abala para tumanggap ng ministering assignment.” Ano ang itinuturo sa atin ng 1 Mga Hari 17:8–16 na maaaring umangkop sa mga pahayag na ito? Paano tayo natutulungan ng ating kaalaman tungkol sa Tagapagligtas kapag hinilingan tayong magsakripisyo? Ang mga salita ni Elder Lynn G. Robbins sa “Karagdagang Resources” ay maaari ding makatulong.

1 Mga Hari 18:17–39

“Kung ang Panginoon ay Diyos, sumunod kayo sa kanya.”

  • Ang isang talakayan tungkol sa 1 Mga Hari 18:17–39 ay makakatulong sa mga miyembro ng klase na maging mas tapat sa pagsunod kay Jesucristo at mas magtiwala sa Kanya. Matapos rebyuhin ang kuwento sa klase, maaari mong isulat sa pisara ang itinanong ni Elijah sa mga tao sa Israel: “Hanggang kailan kayo magpapatalun-talon sa dalawang magkaibang kuru-kuro?” (talata 21). Hayaang ibahagi ng mga miyembro ng klase kung ano sa palagay nila ang ibig sabihin ng tanong na ito. Ano ang ilang dahilan kung bakit “patalun-talon” ang mga tao (na maaaring mangahulugan ng nag-aatubili, nag-aalinlangan, o paudlut-udlot) sa pagitan ng pagsunod sa Panginoon at pagsunod kay Baal? Bakit hindi tayo makapagdesisyon kung minsan tungkol sa pagsunod kay Jesucristo? Maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng mga karanasan na nakatulong sa kanila na piliing sundin ang Tagapagligtas.

Larawan
si Elijah na nakatayo sa bato

Isang simbolikong paglalarawan ng 1 Mga Hari 19:11–12. Ang Propeta, © Robert Booth Charles/Bridgeman Images

I Mga Hari 19:1–12

Ang Panginoon ay madalas magsalita sa payapa at simpleng mga paraan.

  • Maraming tao ang nahihirapang makapansin kapag nangungusap sa kanila ang Panginoon. Para matulungan ang mga miyembro ng klase na mas makilala ang tinig ng Panginoon, maaari mo silang anyayahang basahin ang 1 Mga Hari 19:1–12 at ibahagi ang natutuhan ni Elijah. Marahil ay maaaring magbahagi ng mga karanasan ang mga miyembro ng klase na nagturo sa kanila tungkol sa iba’t ibang paraan na nangungusap ang Panginoon sa kanila. Maaari mong ibahagi ang video “How Can I Feel the Holy Ghost More Often?” (mula sa “Face to Face kasama si President Eyring at Elder Holland” [worldwide youth broadcast, Mar. 4, 2017], ChurchofJesusChrist.org).

  • Para magpasimula ng talakayan tungkol sa katagang “marahan at banayad na tinig,” maaari kang magdispley ng mga bagay (o mga larawan ng mga bagay) na maaaring makatulong sa mga miyembro ng klase na pagnilayan ang katagang ito. Maaaring magmungkahi ang mga miyembro ng klase ng iba pang mga halimbawa. Bakit magagandang paraan ang mga salitang “marahan” at “banayad” para ilarawan ang tinig ng Espiritu? Para sa iba pang mga paglalarawan, maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang mga talatang kagaya ng Helaman 5:30; 3 Nephi 11:3–7; Doktrina at mga Tipan 6:22–23; 8:2–3; 9:8–9; 11:12–14; 36:2. Maaari silang magbahagi ng iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa pagkilala sa Espiritu. Ano ang iminumungkahi ng mga talatang ito kung ano ang kailangan nating gawin upang marinig ang tinig ng Panginoon?  (ChurchofJesusChrist.org).

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Ang balo ng Zarefta.

Sabi ni Elder Lynn G. Robbins: “Naunawaan ni Elijah ang doktrina na dumarating ang mga pagpapala matapos masubok ang ating pananampalataya [tingnan sa Eter 12:6; Doktrina at mga Tipan 132:5]. Hindi siya sakim. Bilang lingkod ng Panginoon, naroon si Elijah para magbigay, hindi para kumuha [tingnan sa 1 Mga Hari 17:13–16]. … Ang isang dahilan kaya inilalarawan ng Panginoon ang mga doktrina sa mga pinakasukdulang sitwasyon ay para maiwasan ang pagdadahilan. Kung inaasahan ng Panginoon na ibayad kahit ng babaing balo ang kanyang dalawang kusing, ano ang mangyayari sa lahat ng iba na nakikitang hindi okey o hindi madali ang magsakripisyo?” (“Ikapu—Isang Utos Maging sa mga Dukha,” Liahona, Mayo 2005, 35).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Maging isang mapagpakumbabang kasangkapan ng Espiritu. “Ang layunin mo bilang guro ay hindi ang gumawa ng kahanga-hangang paglalahad ng lesson kundi ang tulungan ang iba na matanggap ang impluwensya ng Espiritu Santo, na siyang tunay na guro” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 10).

Print