Lumang Tipan 2022
Hulyo 11–17. 2 Mga Hari 17–25: “Siya’y Nagtiwala sa Panginoong Diyos ng Israel”


“Hulyo 11–17. 2 Mga Hari 17–25: ‘Siya’y Nagtiwala sa Panginoong Diyos ng Israel,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Hulyo 11–17. 2 Mga Hari 17–25,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
mga taong nililisan ang nawasak na lungsod

The Flight of the Prisoners [Ang Pagtakas ng mga Bilanggo], ni James Tissot at ng iba pa

Hulyo 11–17

2 Mga Hari 17–25

“Siya’y Nagtiwala sa Panginoong Diyos ng Israel”””

Rebyuhin ang mga impresyon na itinala mo sa iyong personal na pag-aaral ng 2 Mga Hari 17–25 sa linggong ito. Sa palagay mo, anong mga talata mula sa mga kabanatang ito ang magiging pinakamakabuluhan sa mga miyembro ng klase mo?

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Kapag ibinahagi ng mga miyembro ng klase ang natututuhan nila sa bahay sa kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan, maaaring mahikayat ang iba pang mga miyembro ng klase na pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa buong linggo. Maaari mong simulan ang klase sa pag-anyaya sa mga miyembro ng klase na sumagot sa isang tanong na tulad ng “Ano ang naituro sa inyo ng Espiritu Santo nang basahin ninyo ang mga itinakdang kabanata sa linggong ito?”

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

2 Mga Hari 18:28–36; 19:1–7, 14–19

Maaari tayong manatiling tapat sa Panginoon kapag hinahamon ang ating pananampalataya.

  • Ang mga katotohanan sa 2 Mga Hari 18–19 ay maipapaalam sa atin kung paano tumugon kapag hinahamon ang ating pananampalataya. Paano mo tutulungan ang mga miyembro ng klase na matuklasan ang mga katotohanang ito? Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng ilang dahilan kung bakit sila naniniwala sa Diyos at sa Kanyang plano. Pagkatapos ay maaari nilang saliksikin ang 2 Mga Hari 18:28–35, na hinahanap ang mga dahilang ibinigay ng taga-Asiria sa mga tao sa Jerusalem para hindi magtiwala sa Panginoon. Paano tayo sinusubukang himukin ni Satanas na pagdudahan ang ating pananampalataya ngayon? Pagkatapos ay maaaring saliksikin ng mga miyembro ng klase ang 2 Mga Hari 19:1–7, 14–19 para sa matututuhan natin mula kay Hezekias kung paano tumugon kapag hinahamon ang ating pananampalataya. Paano tayo tinutulungan ng Panginoon na daigin ang mga hamon sa ating pananampalataya? Ano ang iba pang mga mungkahi ng mga miyembro ng klase para mapanibago ang kanilang pananampalataya at magtiwala sa Panginoon?

  • Maaari mong anyayahan ang isang miyembro ng klase na pumasok sa klase na handang ibuod ang pakikipag-usap ng mga taga-Asiria sa mga opisyal ni Hezekias malapit sa mga pader ng Jerusalem (tingnan sa 2 Mga Hari 18:17–36). Bago niya isalaysay ang kuwento, anyayahan ang mga miyembro ng klase na isiping sila ay mga naninirahan sa Jerusalem na nakikinig sa pag-uusap na ito. Ano ang maaari nilang maisip o madama? Ano ang maaari nilang gawin? Maaari mong ibigay sa mga miyembro ng klase ang mga bahagi ng mensahe ni Elder David A. Bednar na “Anupa’t Nabawasan ang Kanilang Pagkatakot” (Liahona, Mayo 2015, 46–49) at anyayahan silang hanapin ang payo na maaaring makatulong sa kanila sa mga oras ng pagkatakot o pagdududa. Paano tayo natulungan ng ating pananampalataya kay Jesucristo sa mga panahon ng hamon?

2 Mga Hari 22:8–2023

Maibabaling ng mga banal na kasulatan ang ating mga puso sa Panginoon.

  • Ang pagtalakay sa kapangyarihan ng salita ng Diyos sa buhay ni Haring Josias at ng kanyang mga tao ay makakahikayat sa mga miyembro ng klase na hangarin ang kapangyarihang iyon sa sarili nilang buhay. Maaari kang magpasimula ng isang talakayan sa pag-anyaya sa mga miyembro ng klase na isipin kung paano maaaring maiba ang buhay nila kung wala silang mga banal na kasulatan. Pagkatapos ay maaari nilang saliksikin ang 2 Mga Hari 22:8–11; 23:1–6, 21, 24 para malaman kung paano nagbago si Josias at ang kanyang mga tao nang marinig nila ang salita ng Diyos mula sa mga banal na kasulatan na muling natuklasan kamakailan sa templo. Paano nakatulong sa atin ang mga banal na kasulatan na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Ang malalaking pagbabagong nagawa ng salita ng Diyos kay Josias at sa maraming tao sa kanyang kaharian ay maaaring makahikayat sa mga miyembro ng klase mo na hangarin ang mga pagbabago ring iyon sa kanilang buhay. Matapos talakayin ang mga pagbabagong ito (tingnan sa 2 Mga Hari 23:1–6, 21, 24), maaaring magbahagi ng mga karanasan ang mga miyembro ng klase kung saan nakagawa ng kaibhan ang isang talata o salaysay sa banal na kasulatan sa buhay nila. Marahil ay maaari nilang ikuwento kung bakit sila tumugon sa mensahe ng talatang iyon noong panahong iyon sa buhay nila. Ang pahayag sa “Karagdagang Resources” ay maaaring makatulong sa inyong talakayan.

    Larawan
    pamilyang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

    Makakatulong ang mga banal na kasulatan na ibaling ang ating puso sa Panginoon.

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Muling tuklasin ang mga banal na kasulatan.

Sabi ni Pangulong Spencer W. Kimball:

“Kumbinsido ako na bawat isa sa atin, sa isang punto ng ating buhay, ay kailangang tuklasin ang mga banal na kasulatan—at hindi lamang minsan tuklasin, kundi paulit-ulit itong tuklasin. …

“Malakas ang pakiramdam ko na kailangan nating lahat na bumaling sa mga banal na kasulatan tulad ng ginawa ni Haring Josias at hayaang hubugin tayong mabuti nito, para magkaroon tayo ng matatag na determinasyong paglingkuran ang Panginoon. …

“Natuklasan ko na kapag nagiging mababaw ang pakikipag-ugnayan ko sa kabanalan at kapag tila walang banal na taingang nakikinig at walang banal na tinig na nagsasalita, na napakalayo ko na. Kapag ibinubuhos kong muli ang sarili ko sa mga banal na kasulatan, kumikitid ang agwat at nagbabalik muli ang espirituwalidad. Natagpuan ko ang sarili ko na mas lalong nagmamahal sa mga dapat kong mahalin nang buong puso at isipan at lakas, at sa higit na pagmamahal ko sa kanila, nagiging mas madali para sa akin ang sumunod sa mga payo nila” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 78–79, 83).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Gamitin ang mga tulong sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ang isang paraan para maipaunawa sa mga miyembro ng klase ang mga banal na kasulatan ay ituro sa kanila ang mga sangguniang gaya ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan (ChurchofJesusChrist.org). Makakakita rin sila ng makakatulong na impormasyon sa mga bahaging “Mga Ideyang Dapat Tandaan” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.

Print