Lumang Tipan 2022
Disyembre 12–18. Malakias: “‘Inibig Ko Kayo,’ Sabi ng Panginoon”


“Disyembre 12–18. Malakias: ‘Inibig Ko Kayo,” Sabi ng Panginoon,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Disyembre 12–18. Malakias,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
estatuwa ng Christus

Disyembre 12–18

Malakias

“Inibig Ko Kayo, Sabi ng Panginoon”

Ang ilang mensahe sa Malakias ay maaaring mas mahalagang matutuhan ng klase mo. Habang nag-aaral ka, ipagdasal na mahiwatigan kung ano ang mga mensaheng iyon. Ang paggawa nito ay magpapadama rin sa iyo ng pagmamahal ng Panginoon sa mga tinuturuan mo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Maaari kang magsimula ng isang talakayan tungkol sa aklat ni Malakias sa pamamagitan ng pagsulat ng salitang Mensahe sa pisara. Hikayatin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mahahalagang mensaheng natagpuan nila sa bawat kabanata ng Malakias. Para matulungan ang mga miyembro ng klase na maalala at pagnilayan ang ibinahagi, maaari mong isulat ang mga mensaheng iyon sa pisara.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Malakias 1:6–14

Humihiling ang Panginoon ng “dalisay na handog.”

  • Para mahikayat ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa mga handog mula sa Malakias 1:6–14, maaari mo silang anyayahang rebyuhin nang tahimik ang mga talatang ito at talakayin sa isa pang miyembro ng klase ang isang bagay na hindi naunawaan ng mga saserdoteng Israelita tungkol sa mga handog. Bakit hinihiling ng Panginoon na ibigay natin ang ating makakaya? Maaaring ilista ng mga miyembro ng klase ang mga handog, o mga sakripisyo, na ginagawa natin sa Panginoon ngayon. Sa bawat aytem na nasa listahan, maaari nilang talakayin kung ano ang maaaring maging dahilan para maging “marumi” o maging “dalisay” ang handog (Malakias 1:7, 11).

Malakias 3–4

Ang mga propesiya ni Malakias ay natutupad sa mga huling araw.

  • Maaari kang magsimula ng isang talakayan tungkol sa Malakias 3–4 sa pamamagitan ng pagtuturo na ibinahagi ni Moroni ang mga talata mula sa mga kabanatang ito nang magpakita siya kay Joseph Smith (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:36–39). Ano sa pakiramdam ng mga miyembro ng klase ang mga katotohanan sa mga kabanatang ito na maaaring naging mas mahalagang malaman ni Joseph—at natin? Maaaring bumuo ng maliliit na grupo ang mga miyembro ng klase at maglista ng maraming katotohanan hangga’t kaya nila. Hikayatin ang mga grupo na ibahagi ang kanilang listahan at talakayin kung bakit mahalaga ang mga katotohanang ito sa mga huling araw.

Malakias 3:8–12

Binubuksan ng Panginoon ang mga dungawan ng langit kapag nagbabayad tayo ng ating ikapu.

  • Para mahikayat ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa batas ng ikapu, maaari mo silang anyayahang maghanap ng mga alituntunin sa Malakias 3:8–12 at ibahagi kung paano nila nalaman na totoo ang mga alituntuning ito. Maaari nilang pag-usapan kung paano sila napagpala ng Panginoon—sa espirituwal at temporal—dahil sa pagbabayad ng ikapu. O maaari nilang talakayin ang mga lesson tungkol sa ikapu na ibinahagi ni Elder David A. Bednar sa kanyang mensaheng “Mga Dungawan sa Langit” (Ensign o Liahona, Nob. 2013, 17–20) at ibahagi ang natutuhan nila nang sikapin nilang ipamuhay ang batas na ito.

  • Hilingin sa mga miyembro ng klase na basahin nang tahimik ang Malakias 3:8–12 habang pinagninilayan kung paano nila maaaring ituro sa isang tao kung bakit hinihiling sa atin ng Panginoon na magbayad ng ikapu. Maaari din nilang basahin ang pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley sa “Karagdagang Resources.” Ano ang nais nating maunawaan ng iba tungkol sa ikapu? Halimbawa, ano ang ibig sabihin ng magbayad ng ikapu? Bakit nais ng Panginoon na gawin natin iyon? Paano nabubuksan ang “mga [dungawan sa] langit” (talata 10) kapag nagbabayad tayo ng ikapu? Anong mga alalahanin ang maaaring mayroon ang isang tao tungkol sa pagbabayad ng ikapu, at paano tayo tutugon? Hilingin sa mga miyembro ng klase na ibahagi kung paano napalakas ng pagsunod sa utos na ito ang kanilang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Larawan
si Elijah na nagpakita kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Kirtland Temple

Iginuhit na larawan ni Elijah na nagpakita kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Kirtland Temple, ni Robert T. Barrett

Malakias 4:5–6

“Susuguin ko sa inyo si [Elijah] na propeta.”

  • Maaaring magtamo ng nakatutulong na mga kabatiran ang mga miyembro ng klase tungkol sa Malakias 4:5–6 sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga talatang ito sa paraan ng pagbanggit ni Moroni sa mga ito kay Joseph Smith sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:38–39. (Maaaring makatulong na ipasulat sa isang tao ang bawat bersyon nang magkakatabi sa pisara.) Ano ang idinaragdag ng mga salita ni Moroni sa ating pagkaunawa sa mga talata sa Malakias? Maaari mo ring talakayin ang mga tanong na gaya nito: Sino ang “mga ninuno”? (tingnan sa Deuteronomio 29:13). Paano bumabaling ang ating puso sa ating mga ninuno, at paano bumabaling ang kanilang puso sa atin? Para maipaunawa sa klase mo kung paano natupad ang propesiya ni Malakias, maaari nilang basahin ang tungkol sa pagbibigay ni Elijah ng mga susi ng pagbubuklod kay Joseph Smith (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 110:13–16). Bakit pinasasalamatan ng mga miyembro ng klase na naipanumbalik ang mga susing ito?

  • Ang Malakias 4:5–6 ay nagbibigay ng malaking pagkakataong pag-usapan ang gawain sa templo at family history. Marahil ay maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng mga karanasan nila habang ginagawa ang gawaing ito at kung paano sila natulungan ng mga karanasang iyon na ibaling ang kanilang puso sa kanilang mga ninuno. Ano ang magagawa natin para matulungan ang darating na mga henerasyon na ibaling ang kanilang puso sa atin?

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Ang ikapu ay tungkol sa pananampalataya.

Sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley, “Maaari tayong magbayad ng ating ikapu. Hindi ito gaanong tungkol sa pera kundi tungkol sa pananampalataya. Wala pa akong nakitang taong tapat magbayad ng ikapu na hindi makapagpapatotoo na sa napakaliteral at kamangha-manghang paraan ay nabuksan ang mga dungawan sa langit at bumuhos ang mga pagpapala sa kanya” (“Let Us Move This Work Forward,” Ensign, Nob. 1985,85).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Ibahagi ang iyong mga paghihirap at iyong pananampalataya. Kung minsan ay nadarama ng mga taong dumaranas ng mga pagsubok na nag-iisa sila. Maaaring angkop na magbahagi paminsan-minsan ng personal na karanasan tungkol sa isang pagkakataon na nahirapan ka at kung paano ka tinulungan ng Tagapagligtas.

Print