“Ang Buhay na Cristo: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Ang Buhay na Cristo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Ang Buhay na Cristo
Ang Buhay na Cristo
Buod
Noong 2000, inilabas ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ang pahayag na “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” upang gunitain ang ika-2,000 anibersaryo ng pagsilang ng Tagapagligtas. Ipinahahayag nito ang mahahalagang katotohanan tungkol sa Tagapagligtas na makatutulong at makapagpapala sa atin.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Ang Buhay na Cristo, Bahagi 1
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa tungkol kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” bilang bahagi ng kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan at hanapin ang mahahalagang katotohanan tungkol sa Tagapagligtas.
-
Mga Larawan: Jesucristo; ang mundo
-
Mga Materyal: Mga kopya ng “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” (Bilang alternatibo, anyayahan ang mga estudyante na hanapin ito sa kanilang study journal.)
-
Mga Video: “Pangkalahatang Kumperensya: Nagpapalakas ng Pananampalataya at Patotoo” (15:49; panoorin mula sa time code na 6:13 hanggang 6:56); “Excerpts from ‘The Living Christ: The Testimony of the Apostles’” (2:45)
Ang Buhay na Cristo, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na ibahagi sa iba ang kanilang mga iniisip at nadarama tungkol kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin muli ang “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” at tumukoy ng mga parirala na nais nilang ibahagi sa iba. Hikayatin silang sundin ang anumang pahiwatig na natatanggap nila tungkol sa kung ano ang ibabahagi at kung kanino ito ibabahagi.
-
Item na ipapakita: Isang bagay na gusto mo at nais mong ibahagi sa iyong klase, tulad ng isang larawan, karanasan, o paboritong pagkain
-
Mga Materyal: Papel at mga panulat; mga lumang magasin ng Simbahan, kung mayroon, kung saan gugupit ang mga estudyante ng mga larawan o salita upang gumawa ng collage
-
Video: “Memorize ‘The Living Christ’: Goal Setting Ideas” (2:05)