“Pambungad sa Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pambungad,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Pambungad sa Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Ang layunin ng Seminaries and Institute of Religion ay “tulungan ang mga kabataan at young adult na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, ang kanilang pamilya, at ang iba pang tao para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (“Ang Layunin ng Seminaries and Institutes” [2022], ChurchofJesusChrist.org).
Upang makatulong na maisakatuparan ang layuning ito, ang manwal na ito ay nagbibigay sa mga estudyante ng iba’t ibang karanasan sa pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang magkaibang uri ng lesson: mga lesson sa Doktrina at mga Tipan at mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Ang mga lesson sa Doktrina at mga Tipan ay tumutugma sa mga scripture block na binibigyang-diin bawat linggo sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025. Ang mga lesson sa Paghahanda sa Buhay ay tumutulong sa mga estudyante na matutong humugot ng lakas mula kay Jesucristo at ipamuhay ang Kanyang mga turo upang maghanda sa mga hamon sa buhay.
Sa paggamit ng mga mungkahi sa pagtuturo na matatagpuan sa dalawang uri ng lesson na ito at pagsunod sa patnubay ng Espiritu, matutulungan mo ang mga estudyante na makahugot ng lakas sa kapangyarihan ni Jesucristo sa maraming aspekto ng kanilang buhay—kabilang na ang espirituwal, sosyal, intelektuwal, at pisikal. Matutulungan mo rin sila na maghanda para sa kanilang kinabukasan nang may pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Ang manwal na ito ng titser ay available sa Gospel Library online sa ChurchofJesusChrist.org, kung saan makikita mo rin ang isang downloadable PDF ng manwal. Ito ay available rin sa Gospel Library app. Kung gusto mong gumamit ng nakalimbag na manwal, hilingin lamang ito sa inyong local coordinator o program administrator.
Mga Tool na Tutulong sa Iyo na Maghandang Magturo
Anuman ang uri ng lesson na itinuturo mo, may ilang tool na tutulong sa iyo na maghanda.
Ang mga Banal na Kasulatan
Ang pag-aaral gamit ang scripture block ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ay isang mahalagang paraan upang makapaghanda sa pagtuturo sa mga estudyante. Ang mga lesson na nilalaman ng manwal na ito ay maaaring mangailangan ng inspiradong titser na regular na nag-aaral ng mga banal na kasulatan at naghahangad ng patnubay ng Espiritu Santo. Habang regular mong pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan, makatitiyak ka na bibigyan ka ng Ama sa Langit ng inspirasyon sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu tungkol sa kung paano iaangkop ang mga materyal na ito upang tugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.
Mga Buod
Ang buod ay ibinibigay sa simula ng bawat linggo ng mga lesson sa Doktrina at mga Tipan at sa simula ng bawat kategorya ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Ang mga buod na ito ay nagbibigay ng partikular na impormasyon tungkol sa lesson para matulungan kang maghandang magturo, kabilang ang:
-
Mga layunin ng lesson
-
Mga ideya sa paghahanda ng estudyante
-
Isang listahan ng mga object lesson, handout, larawan, video, o iba pang materyal na maaaring kailanganing ihanda nang maaga
Ang pagbasa sa buod bago mo ituro ang kaukulang mga lesson ay makatutulong sa iyo na magpasiya kung aling mga materyal ang ihahanda nang maaga.
Mga Tip sa Pagtuturo
Bawat buod na nauna sa mga lesson sa Doktrina at mga Tipan ay naglalaman ng tip sa pagtuturo na nagpapaliwanag ng mga inirerekomendang gawain o alituntunin mula sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas: Para sa Lahat ng Nagtuturo sa Tahanan at sa Simbahan. Ang mga tip na ito ay may ganitong icon: . Kapag nadama mong handa ka na, subukang ipatupad ang mga gawi at alituntuning ito habang nagtuturo. Mapapansin mo na ang pagggamit sa mga mungkahing ito ay makatutulong sa pagpapahusay ng iyong mga kakayahan sa pagtuturo.
Ang tip sa pagtuturo sa bawat buod ay itinuturo ka sa isang lesson kung saan ipinapakita ang inirerekomendang pagsasanay o alituntunin. Hanapin sa lesson na iyon ang training icon para makahanap ng halimbawa ng tip na ipinapakita. Itinuturo ka rin ng mga tulong na ito sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro na makatutulong sa iyo na mas matutuhan pa ang tungkol sa mga pagsasanay sa pagtuturo o mga alituntunin na binibigyang-diin. Kung may oras at kaya mo, isiping gamitin ang mga training na ito bilang bahagi ng paghahanda mo sa lesson.
Mga Mungkahi sa Pacing
Ang buod para sa bawat set ng lesson sa Paghahanda sa Buhay ay may kasamang mga mungkahi sa pacing. Nagbibigay ang mga mungkahing ito ng mga ideya kung saan maaaring isama ang mga lesson na ito sa pacing guide. Maaaring gamitin ng mga coordinator at mga program administrator ang mga mungkahing ito habang gumagawa sila ng pacing guide.
Paghahanda ng Estudyante
Bawat buod ay may mga mungkahi rin para matulungan ang mga estudyante na ihanda ang kanilang isipan at puso para sa bawat lesson. Maaari mong tingnan ang mga ideyang ito sa simula ng linggo at mapanalanging magpasiya kung aling mga ideya sa palagay mo ang pinakamainam na makatutulong sa iyong mga estudyante. Hindi mo kailangang gamitin ang bawat mungkahi sa paghahanda ng estudyante. Maaari mong iangkop ang mga ito o maaari kang gumawa ng sarili mong mga ideya. Marami sa mga mungkahing ito ang ginawa upang ibigay sa mga estudyante nang mas maaga ng isang araw o mahigit pa bago ang karanasan sa pagkatuto.
Mga Tagubilin sa Pagtuturo
Sa bawat lesson, mapapansin mo ang mga kahon na naglalaman ng mga tagubilin para sa mga guro. Ang mga tagubilin sa pagtuturo ay ginawa upang tulungan kang maghandang magturo. Makatutulong din sa iyo ang mga ito na malaman kung paano gamitin ang mga aktibidad sa pag-aaral na iminumungkahi sa lesson. Ang mga ito ay maaaring magpaliwanag ng mga layunin ng mga aktibidad ng lesson o magbigay ng mga mungkahi kung paano iaangkop ang nilalaman ng lesson upang mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante. Maaaring kabilang sa mga mungkahing ito ang mga alternatibong pamamaraan, tanong, o aktibidad na tutulong sa iyo na iangkop ang nilalaman at mga aktibidad kung kinakailangan.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang bawat lesson ay naglalaman ng mga ideya ng mga posibleng paraan na maaari mong maiparanas ang pagkatuto. Hindi mo kailangang gamitin ang lahat ng iminumungkahing aktibidad sa pag-aaral sa mga lesson na itinuturo mo.
Upang magkaroon ang iyong mga estudyante ng pinakamagandang karanasan, dapat mong gamitin ang nilalaman sa bahaging ito bilang gabay sa halip na isang script. Kung nagsisimula ka pa lang bilang guro sa seminary, makabubuting magsimula sa pamamagitan ng pagsunod nang mabuti sa mga iminungkahing aktibidad sa pag-aaral. Kapag nadagdagan na ang iyong karanasan, ang kakayahan mong iakma ang nilalaman ng manwal na ito para matugunan nang husto ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante ay mas mapapahusay.
Maraming iminungkahing aktibidad sa pag-aaral ang mag-aanyaya sa mga estudyante na kumpletuhin ang mga ito sa isang study journal. Ang PDF ng isang study journal na magagamit ng mga estudyante ay available sa ChurchofJesusChrist.org/si/seminary/manuals. Mangyaring kontakin ang inyong coordinator o program administrator para makakuha ng mga nakalimbag na kopya ng journal na ito para sa iyong klase, kung nais mo.
Karagdagang Resources
Karamihan ng mga lesson ay naglalaman ng bahaging “Karagdagang Resources” sa katapusan ng lesson. Ang bahaging ito ay naglalaman ng impormasyon na makatutulong na mapalalim ang pagkatuto. Maaari kang makahanap ng mga posibleng sagot sa mga tanong ng mga estudyante o pahayag ng mga lider ng Simbahan na maaari mong isama sa lesson. Ang bahaging ito ay available lang kung ia-access mo ang manwal ng guro sa pamamagitan ng Gospel Library app o Gospel Library online sa ChurchofJesusChrist.org. Ang bahaging “Karagdagang Resources” ay hindi kasama sa PDF version ng manwal ng titser.
Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral
Ang bahaging ito, na kasama rin sa katapusan ng lesson, ay may mga karagdagang ideya para sa pagtalakay sa karanasan sa pagkatuto. Kabilang sa mga aktibidad sa pag-aaral na ito ang mga paraan para maiangkop ang mga kasalukuyang aktibidad sa lesson, o mga paraan ng pagtuturo ng materyal na hindi kasama sa lesson. Ang mga karagdagang aktibidad sa pag-aaral ay kasama lang sa manwal ng guro kung ia-access mo ito sa pamamagitan ng Gospel Library app o Gospel Library online sa ChurchofJesusChrist.org. Ang bahaging ito ay hindi kasama sa PDF na bersiyon ng manwal ng guro.
Mga Lesson sa Doktrina at mga Tipan at Mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay
Ang mga estudyante ay dapat turuan kapwa ng mga lesson sa Doktrina at mga Tipan at mga lesson sa Paghahanda sa Buhay sa buong taon. Sa pangkalahatan, tatlong lesson bawat linggo ay karaniwang mga lesson sa Doktrina at mga Tipan, samantalang ang dalawa pang lesson bawat linggo ay mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Maaaring may mga linggo na kailangan mong i-adjust ang mga pangkalahatang inaasahan na ito.
Ang sumusunod na impormasyon ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang layunin ng dalawang uri ng lesson at ang mga paraan upang maituro ang mga ito.
Mga Lesson sa Doktrina at mga Tipan
Ang mga lesson sa Doktrina at mga Tipan ay tumutugma sa mga scripture block na binigyang-diin bawat linggo sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Ang mga lesson na ito ay nagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong magkaroon ng malalalim na karanasan sa pag-aaral ng mga turo ng Tagapagligtas sa Doktrina at mga Tipan. Kasama rin sa mga lesson sa Doktrina at mga Tipan ang mga lesson na Pagsasanay sa Doctrinal Mastery at mga lesson na I-asses ang Iyong Pagkatuto.
Doctrinal Mastery
Ang isang mahalagang priyoridad mo bilang guro ay tulungan ang mga estudyante na maisakatuparan ang mga resulta ng doctrinal mastery. Kabilang sa mga resultang ito ang pagtulong sa mga estudyante na:
-
Matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para magtamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Maging mahusay sa mga doctrinal mastery scripture passage at sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo na itinuturo ng mga ito.
Ang pagiging mahusay sa mga piniling scripture passage at sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo na itinuturo ng mga passage na ito ay nangangahulugang magagawa ng mga estudyante na:
-
Malaman at maunawaan ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage.
-
Maipaliwanag nang malinaw ang doktrina gamit ang mga nauugnay na doctrinal mastery scripture passage.
-
Maipamuhay ang doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa kanilang mga pagpili sa araw-araw at magamit ang mga ito sa mga pagtugon nila sa mga isyu at tanong tungkol sa doktrina, personal na buhay, lipunan, at kasaysayan.
-
Matandaan at mahanap ang mga doctrinal mastery scripture passage at maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Ang Doctrinal Mastery App ay makatutulong sa mga estudyante na maisakatuparan ang ilan sa mga resulta ng doctrinal mastery. Layunin nito na tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang mga reference at ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa bawat doctrinal mastery passage. Maaari mong gamitin ang app sa klase at hikayatin ang mga estudyante na i-download ito sa sarili nilang device, kung maaari. Ito ay magagamit para sa iOS at Android device.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga layunin ng doctrinal mastery, panoorin ang “What Is Doctrinal Mastery?” (3:56), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.
Mga Lesson na Pagsasanay sa Doctrinal Mastery
Ang mga lesson na Pagsasanay sa Doctrinal Mastery ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na magsikap na maisakatuparan ang mga resulta ng doctrinal mastery.
Mga Lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto
Ang pag-assess ay mahalagang bahagi ng pagkatuto. Ang mga pagkakataong huminto at pagnilayan ang pagkatuto ay maaaring maging magandang karanasan para sa mga estudyante at makahikayat sa kanila sa tuloy-tuloy nilang paglago at pag-unlad tungo sa pagiging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Sa pamamagitan ng pag-assess sa kanilang pagkatuto, ang mga estudyante ay nagiging aktibong kalahok sa proseso ng pagkatuto at mas nagiging responsable sa kanilang pag-aaral.
Ang mga lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong maipaliwanag ang mahalagang doktrina mula sa Doktrina at mga Tipan, pagnilayan ang kanilang mga pag-uugali at hangarin, at ibahagi ang kanilang pag-unlad sa pagpapabuti ng mga pag-uugali na tumutulong sa kanila na maging mas tapat na mga disipulo ni Jesucristo. Ang mga lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng kagalakan habang nakikita nila ang kanilang pag-unlad at natutukoy nila ang mga aspekto para sa karagdagang pag-unlad sa hinaharap. Upang makatanggap ng course credit, ang mga estudyante ay kailangang lumahok sa kahit isang lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto sa bawat kalahati ng kurso.
Ang mga estudyante na hindi lumahok sa alinman sa mga lesson na ito sa kalahati ng kurso ay kailangang kumpletuhin ang isang lesson ng I-assess ang Iyong Pagkatuto para sa bawat kalahati kung kinakailangan upang makatanggap ng course credit. Kasama sa apendiks ng manwal na ito ang dalawang lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto. Ang “I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 1” ay maaaring gamitin para sa assessment na hindi nakuha sa unang kalahati ng kurso. Ang “I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 2” ay maaaring gamitin para sa assessment sa ikalawang kalahati ng kurso. Maaari mong ibigay sa mga estudyante ang assessment na ito at ipakumpleto ito sa kanila kasama ang iba pang mga kaklase o kapamilya. Kapag natapos na sila, hikayatin sila na ibahagi sa iyo ang natutuhan nila mula sa karanasang iyon. Makapagbibigay ito sa iyo ng mga pagkakataong mapalingkuran ang mga estudyanteng ito at magdiwang sa kanilang espirituwal na pag-unlad kasama nila. Bigyan sila ng credit para sa assessment para sa kalahati ng kurso kapag nakumpleto nila ang lesson na ito na I-assess ang Iyong Pagkatuto.
Mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay
Ang mga lesson sa Paghahanda sa Buhay ay nagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong ipamuhay ang mga turo ng Tagapagligtas upang:
-
Maharap ang mahihirap na tanong at mapaghamong kalagayan sa buhay
-
Makagawa ng mga inspiradong pagpili gamit ang mga turo ni Jesucristo at ng Kanyang mga propeta
-
Maging self-reliant para matustusan ang sarili at pamilya
-
Maging mas malusog sa pisikal at emosyonal
-
Mapaunlad ang mga kasanayan para magtagumpay sa paaralan
-
Makagawa ng mga plano na maghanda para sa edukasyon at trabaho sa hinaharap
-
Maghanda para maglingkod sa misyon at sa simbahan
-
Maghanda na gumawa at tumupad ng mga tipan sa templo
Sikaping magturo ng dalawang lesson sa Paghahanda sa Buhay bawat linggo. May mga linggo na maaari kang magturo nang mahigit pa kaysa rito at may mga linggo na maaari kang magturo nang mas kaunti, ngunit karaniwan dapat mong sikaping magturo ng dalawang lesson sa isang linggo nang madalas hangga’t maaari. Ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na maturuan ng bawat isa sa mga lesson na ito sa buong taon ng pag-aaral. Karaniwan ay hindi kinakailangang ituro mo ang mga lesson na ito sa isang partikular na pagkakasunud-sunod, bagama’t may ilang lesson na gumagamit ng mga ideya na itinuro sa mga naunang lesson.
Ang buod para sa bawat isa sa mga kategorya ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay ay maaaring maging isang mahalagang resource sa pagtulong sa iyo na magpasiya kung kailan ituturo ang ilang lesson sa Paghahanda sa Buhay. Ang mga buod na ito ay tutulong sa iyo na makita agad ang mga layunin ng lesson para sa iba’t ibang lesson sa Paghahanda sa Buhay, pati na rin ang mga mungkahi sa pacing tungkol sa mga posibleng pagkakataon sa buong taon na maaari mong ituro ang mga ito.
Siguraduhing makakuha ng kopya ng pacing guide na inilaan para sa iyo ng iyong coordinator o program administrator.