“Training para sa mga Assessment,” Training para sa Kurikulum ng Seminary (2022)
“Training para sa mga Assessment,” Training para sa Kurikulum ng Seminary
Training para sa mga Assessment
Ang assessment ay mahalagang bahagi ng pagkatuto. Binigyang-diin ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahalagahan ng assessment, sa mga pagsusulit, sa proseso ng pagkatuto.
Ang pana-panahong mga pagsusulit ay mahalaga sa pagkatuto. Tinutulungan tayo ng epektibong pagsusulit na maikumpara ang kailangan nating malaman at ang nalalaman na natin tungkol sa isang partikular na paksa; nagbibigay din ito ng batayan para masuri kung may natutuhan tayo at kung may progreso tayo.
Gayundin, ang mga pagsusulit sa paaralan ng mortalidad ay mahalagang bahagi ng walang-hanggang pag-unlad. Kapansin-pansin, gayunpaman, na ang salitang pagsusulit ay hindi makikita ni minsan sa teksto ng mga Pamantayang Aklat sa Tagalog. Sa halip, ang mga salitang tulad ng subukin, siyasatin, at suriin gamit upang ilarawan ang iba’t ibang paraan ng angkop na pagpapakita ng ating espirituwal na kaalaman, pag-unawa, at katapatan sa walang-hanggang plano ng kaligayahan ng ating Ama sa Langit at ng ating kakayahang hangarin ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. (David A. Bednar, “Susubukin Natin Sila,” Liahona, Nob. 2020, 8)
Ang regular na assessment sa seminary ay makatutulong sa mga estudyante na maipakita ang kanilang espirituwal na kaalaman, pang-unawa, at katapatan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang ganitong uri ng mga formative assessment ay makatutulong sa mga estudyante na mas matanto ang natututuhan nila at kung paano sila umuunlad.
Ang pagkatantong ito ay maaaring maging makabuluhan at nakahihikayat na karanasan at makapag-aanyaya ng mas maraming personal na paghahayag sa buhay ng mga estudyante. Matutulungan din nito ang mga estudyante na gumawa ng mga plano para sa pag-unlad at pagkatuto sa hinaharap. Kabilang sa ilang halimbawa ng mga aktibidad sa assessment sa kurikulum ng seminary ang mga lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto” mga doctrinal mastery lesson (kabilang ang mga pagrerebyu ng doctrinal mastery), at ang mga learning assessment para sa bawat kalahati ng kurso.
Mga lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto”
Paminsan-minsan sa kurikulum sa seminary, makikita mo ang mga lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto.” Ang mga lesson na ito ay nakaiskedyul tuwing apat hanggang anim na linggo at binibigyan ang mga estudyante ng pagkakataong pag-isipang mabuti ang kanilang pag-aaral. Ang mga lesson na ito ay partikular na nagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong maipaliwanag ang doktrinang natutuhan nila sa kurso; pagnilayan ang kanilang damdamin, pag-uugali, at hangarin na may kaugnayan sa plano ng Ama sa Langit at sa ebanghelyo ni Jesucristo; at rebyuhin ang mga plano o mithiin na kanilang pinagsisikapang matupad para mapalalim ang kanilang pagkadisipulo at pagbabalik-loob kay Jesucristo. Ang mga nagawa ng mga estudyante sa mga assessment na ito ay hindi pormal na itinatala tulad ng mga doctrinal mastery assessment. Ang mga formative assessment na ito ay para sa sariling kapakinabangan ng mga estudyante.
Bagama’t pangunahing responsibilidad ng estudyante ang pag-assess ng sarili nilang pagkatuto sa mga lesson na ito, maaari ding makatulong ang iba. Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Espiritu Santo sa pagtulong sa mga estudyante na ma-assess ang kanilang sarili. Wala nang mas mabuting kasama kaysa sa Espiritu Santo sa pagtulong sa mga estudyante na maunawaan nang malinaw kung paano sila natututo at umuunlad at kung paano sila patuloy na uunlad.
Magkakatulungan ang mga magkakaklase na i-assess ang kanilang pagkatuto, at makatutulong ka rin bilang titser. Kapag ipinapaliwanag ng mga estudyante ang doktrina, maaaring magandang pagkakataon ito para magtulungan ang mga estudyante na magpraktis sa pagpapaliwanag o pagsasadula. Bilang titser, maaari kang maging magandang resource para makapagbigay ng feedback sa isang estudyante tungkol sa progreso na ginagawa niya o nahihirapang gawin. Maaari kang mag-isip ng mga ideya o magbahagi ng mga karanasan mula sa sarili mong buhay para matulungan ang isang estudyante. Gayunman, isaisip na hindi dapat asahan na irereport sa iyo ng mga estudyante ang kanilang mga mithiin o plano. Ang ilan sa mga mithiin at planong ito ay maaaring napakapersonal. Kung komportable ang isang estudyante na sabihin sa iyo ang kanyang mga plano o mithiin, makipag-usap sa kanya, ngunit alamin din kung kailan dapat idirekta ang isang estudyante sa kanilang mga magulang o sa kanilang bishop o branch president.
Paggawa ng Isang Aktibidad sa Assessment para sa Lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto”
Kung minsan, kakailanganin mong iakma ang lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto” sa pamamagitan ng paggawa ng bagong aktibidad sa assessment. Dahil sa mga iskedyul sa paaralan, maaaring may lesson na hindi napag-aralan ng mga estudyante na nagmumula sa “I-assess ang Iyong Pagkatuto” sa kurikulum ng seminary. O maaaring may lesson na talagang makabuluhan para sa mga estudyante na hindi tinatalakay sa “I-assess ang Iyong Pagkatuto.” Sa ganitong mga sitwasyon, kakailanganin mong palitan ang isa sa mga aktibidad sa lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto” sa isang ginawa mo para masuri ang pang-unawa o pag-unlad ng estudyante sa paksang iyon.
Ang sumusunod na hakbang o step ay makatutulong sa iyo na gumawa ng epektibong aktibidad sa assessment.
Step 1: Magsimula sa pagtukoy sa isang lesson na gusto mong i-follow up. Anong klaseng resulta ang pinagtuunan ng lesson?
Mas nakatuon ba ito sa nalalaman at nauunawaan ng mga estudyante? Mas binigyang-diin ba nito ang damdamin, pag-uugali, o hangarin ng mga estudyante? O mas nakatuon ba ito sa mga pag-uugali ng mga estudyante? Ang pagkaalam sa uri ng resulta na nais mong tulungang makamit ng mga estudyante ay makatutulong sa iyo na gumawa ng angkop na karanasan sa assessment.
Step 2: Isipin kung ano ang magagawa ng mga estudyante para matulungan sila na makita ang kanilang pag-unlad at pagkatuto. Tandaan na hindi ito isang bagay na kailangang ipakita ng mga estudyante sa iyo o sa iba pang mga estudyante. Kailangan lang na maging isang bagay ito na tumutulong sa kanila na makita ang sarili nilang progreso sa kanilang pag-aaral. Maaaring kasama sa mga halimbawa ang mga sumusunod:
-
Mga resulta ng kaalaman at pang-unawa: Maaaring ituro o ipaliwanag ng mga estudyante ang isang konsepto ng doktrina nang pasalita o sa pagsusulat. Maaaring sagot ito sa isang sitwasyon kung saan magsasanay ang mga estudyante na ipaliwanag ang doktrina.
-
Mga resulta ng damdamin, pag-uugali, o hangarin: Maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang isang self-assessment mula sa nakaraang lesson at ikumpara ngayon ang kanilang mga sagot sa mga sagot na ibinigay nila nang una nilang pag-aralan ang lesson. Maaaring isang journal entry ito na kanilang nirerebyu o survey na sinagutan nila o sinagutang muli para makita ang mga pagkakaiba.
-
Mga resulta ng pag-uugali: Maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang nadama nila na dapat gawin o ang planong ginawa nila bilang bahagi ng lesson. Pagkatapos ay maaari nilang pag-isipan kung paano sila kumilos ayon sa impresyon o kung paano nila ginawa ang plano. Maaaring ibahagi ng ilang estudyante ang kanilang mga karanasan kung hindi masyadong personal ang mga ito. Maaari din nilang ipakita sa klase ang ilang kanais-nais na pag-uugali tulad ng paggamit ng FamilySearch Family Tree app o ang kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
Step 3: Gumawa ng karanasan sa pag-aaral na nagtutulot sa mga estudyante na makita kung paano sila umuunlad at natututo. Humanap ng mga paraan na maging kawili-wili at kasiya-siya ito at maglaan ng maraming oras na mapagnilayan at masuri ng mga estudyante ang kanilang pag-unlad. Maaaring malungkot ang ilang estudyante sa kanilang kasalukuyang pag-unlad. Gumawa ng mga oportunidad na hindi hahantong sa pagkukumpara ng mga estudyante ng kanilang pag-unlad sa iba. Ang mga estudyante ay dapat magkaroon ng maraming oras para humingi ng tulong sa kanilang Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo para malaman kung ano ang mahusay nilang ginagawa at kung paano sila mas huhusay. Dapat maunawaan ng mga estudyante na ang mga assessment na ito ay hindi dapat ituring na kahuli-hulihan na. Sa halip, dapat laging hikayatin ang mga estudyante na pag-isipan kung ano ang susunod na hakbang na gagawin nila sa kanilang pag-aaral.
Mga Assessment para sa Doctrinal Mastery
Dalawang komprehensibong learning assessment sa seminary ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na maipakita ang kahusayan nila sa doktrina. Ang nakuhang marka ng estudyante sa dalawang assessment na ito ay inirerekord. Bagama’t kailangang maipasa ng mga estudyante ang dalawang assessment na ito para makatanggap ng seminary credit para sa school year, maaari nilang sagutan ang mga ito nang maraming beses hangga’t gusto nila. Ang mga titser ay dapat ding gumawa ng makatwirang mga pag-aangkop, matapos sumangguni sa mga magulang tungkol sa mga pangangailangan ng mga estudyante, kung paano kukumpletuhin ng mga estudyante ang mga assessment na ito. Iakma ang mga assessment na ito o ang mga paraan na makukumpleto ng mga estudyante ang mga ito kung kinakailangan.
Kasama sa apendiks ng manwal ng titser ang dalawang pagrerebyu ng assessment para sa doctrinal mastery. Ang mga ito ay mga gawain sa silid-aralan na nilayong tulungan ang mga estudyante na sama-samang magrebyu bilang paghahanda para sa mga learning assessment. Dapat gawin ang mga pagrerebyung ito kapag ang mga estudyante ay sama-samang nagtitipon nang virtual o nang personal.
Katapusan
Isipin ang mga pakinabang ng pagtulong sa mga estudyante na regular na ma-assess ang kanilang pagkatuto. Ang pagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong ipaliwanag ang doktrina; pagnilayan ang kanilang mga damdamin, pag-uugali, at hangarin; at ang pagrerebyu ng mga plano o mithiin na ginagawa nila ay tutulong sa mga pagsisikap nila na maging higit na katulad ni Jesucristo. Ang mga assessment lesson ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa Espiritu Santo na bigyang-inspirasyon ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na madama kung ano ang nagagawa nila nang mabuti at naghihikayat sa kanila na magpakabuti pa. Ang mga lesson na ito ay mahalaga at dapat ituro nang regular.