Seminaries and Institutes
Training para sa Paggawa ng Pacing Guide


Training para sa Paggawa ng Pacing Guide,” Training para sa Kurikulum ng Seminary (2022)

“Training para sa Paggawa ng Pacing Guide” Training para sa Kurikulum ng Seminary

lalaki sa harap ng computer

Training para sa Paggawa ng Pacing Guide

Pambungad

Sa seminary sinusunod natin ang iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Dahil dito, nasusuportahan ng seminary ang natututuhan ng mga estudyante sa tahanan. Bagama’t pinasisimple ng paraang ito ang pinag-aaralan ng mga estudyante ng seminary, nangangailangan ito ng ilang pagbabago sa kung paano gagamitin ng mga lokal na area at program ang kurikulum ng seminary. Sa maraming pagkakataon, dahil sa pagiging kumplikado ng mga pagbabagong ito, maaaring pinakamainam na gumawa ang mga area administrator, coordinator, o program administrator ng pacing guide para hindi na kailangang gawin ito ng mga titser. Ang paggawa ng mga gabay na ito para sa mga titser ay makatutulong para makatipid sila sa oras. Gayunman, ang ilang titser ay kailangan pa ring gumawa ng mga pag-aakma sa pacing guide na ibinibigay mo.

Mga Tuntunin sa Paggawa ng isang Seminary Pacing Guide

Iprayoridad ang Doctrinal Mastery

Kapag gumagawa ka ng pacing guide, kakailanganin mong pagtuunan ng pansin kung kailan ka mag-iiskedyul ng mga doctrinal mastery lesson. Ang sumusunod ay mahahalagang tuntunin sa pag-iiskedyul ng mga aktibidad sa pag-aaral ng doctrinal mastery:

  • Alamin kung kailan magtuturo ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Mga Bahagi 1, 2, at 3. Ang mga lesson na ito ay nagtuturo sa mga estudyante ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Pinakamainam na maituro ang mga ito sa simula ng academic school year bago ituro ang anumang doctrinal mastery passage lesson.

  • Tiyakin na kasama ang 24 doctrinal mastery passage lesson at ang kaugnay na mga kontekstuwal na lesson nito sa pacing guide para maituro ang mga ito habang may klase sa seminary. Karamihan sa mga doctrinal mastery passage lesson ay likas na lilitaw sa buong taon habang may klase sa seminary. Pinakamainam na ilapit ang mga lesson na ito hangga’t maaari sa iskedyul kung kailan pag-aaralan ang mga scripture block nito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Alamin kung aling mga doctrinal mastery passage lessson ang hindi maituturo sa mga estudyante kapag walang klase sa seminary. Ilipat ang mga lesson na ito sa isang linggo na may rebyu ng doctrinal mastery, para maituro kapalit ng rebyu. Bukod sa paglipat sa lesson na ito, tiyakin din na ililipat ang kaugnay na kontekstuwal na lesson kung saan unang itinuro ang scripture passage. Ang mga kontekstuwal na lesson ay matatagpuan sa manwal ng titser ng seminary pagkatapos ng bawat doctrinal mastery passage lesson. Ang paglipat sa dalawang lesson na ito ay nangangahulugan na kailangang palitan ang pagrerebyu ng doctrinal mastery at ang isa pang lesson sa linggong iyon.

  • Iiskedyul ang mga doctrinal mastery assessment review at doctrinal mastery assessment. Isinasagawa ng mga titser ang mga rebyu at assessment na ito sa kanilang mga klase para matulungan ang mga estudyante na malaman kung gaano nila natutuhan ang mga katugmang scripture passage sa kurso. Maaaring kabilang sa pacing guide ang “Doctrinal Mastery: Pagrerebyu para sa Assessment 1” matapos pag-aralan ng mga estudyante ang lahat ng doctrinal mastery passage lesson na tumutugma sa mga scripture passage sa doctrinal mastery assessment. Ang “Doctrinal Mastery: Assessment 1” ay maaaring iiskedyul nang mga isang linggo pagkatapos ng pagrerebyu. Maaari ding iakma ang pacing guide para maisama ang “Doctrinal Mastery: Pagrerebyu para sa Assessment 2” at “Doctrinal Mastery: Asessment 2” matapos pag-aralan ng mga estudyante ang mga doctrinal mastery passage lesson na tumutugma sa mga scripture passage sa doctrinal mastery assessment.

  • Siguraduhin na ang mga estudyante ay may lingguhang karanasan sa doctrinal mastery. Sa mga linggo na walang lesson sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, lesson sa doctrinal mastery passage, lesson sa pagrerebyu ng doctrinal mastery assessment, o doctrinal mastery assessment, mag-iskedyul ng pagrerebyu para sa doctrinal mastery. Kasama na ang pagrerebyu para sa doctrinal mastery sa bawat linggo ng mga lesson sa manwal ng titser sa seminary kapag walang doctrinal mastery passage o lesson sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Sundin ang Iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Sa halos lahat ng bahagi ng pacing guide, sundin ang iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin kapag gumagawa ng iyong pacing guide. May ilang scripture block sa lingguhang iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin na puno ng lubos na makabuluhang nilalaman at kinabibilangan ng maraming doctrinal mastery passage. Para mabalanse ang doctrinal mastery bilang lingguhang karanasan sa mga linggo na may mga scripture block na maraming matututuhan, maaari mong ayusin ang mga lesson sa pacing guide para masimulan ng mga estudyante na pag-aralan ang scripture block sa seminary sa linggong iyon bago ito lumitaw sa iskedyul ng Pumarito Ka Sumunod Ka sa Akin o patuloy na pag-aralan ito sa susunod na linggo.

Gayunman, ang mga pangyayaring ito ay dapat bihira lamang. Karaniwang dapat pag-aralan ng mga estudyante ang parehong scripture block sa seminary na pinag-aaralan nila sa tahanan sa Pumarito Ka, Sumunod sa Akin.

Isipin ang Iskedyul ng Lokal na Paaralan at Tugunan ang mga Lokal na Pangangailangan

Isama sa pacing guide ang mga piyesta opisyal sa mga lokal na paaralan at iba pang maiikling bakasyon sa paaralan hangga’t kaya mo. Kapag nabawasan ng isang linggo ang seminary dahil sa iskedyul ng lokal na paaralan, tiyaking unahin pa rin ang doctrinal mastery. Sa mga linggong ito, kailangan mong piliin kung ano ang iba pang mga lesson na isasama mo sa pacing guide. Maaaring kailanganin mong rebyuhin ang mga layunin ng iba’t ibang lesson sa isang lingguhang buod o kaya’y tingnan ang mga lesson para malaman kung aling mga karanasan sa pag-aaral ang pinakamainam para sa mga estudyante.

Kapag gumagawa ng pacing guide, tiyaking matutugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante sa inyong area o program. May mga panimulang lesson na kasama sa harap ng manwal ng titser sa seminary na maaaring isama sa isang pacing guide sa school year. Bukod pa rito, maaaring makatulong sa mga estudyante ang iba pang mga uri ng karanasan sa pag-aaral na hindi kailangang isama sa manwal ng titser. Maaaring kabilang sa mga karanasang ito ang mga lesson na tutulong sa mga estudyante na paghandaan o pagnilayan ang isang bagong pangkalahatang kumperensya o debosyonal para sa mga kabataan. Ang ganitong mga uri ng aktibidad ay maaaring isama sa pacing guide.

Mga Case Study

Nasa ibaba ang dalawang halimbawa ng mga case study na naglalarawan kung paano susundin ang mga tuntuning ito na katatapos pa lang talakayin kapag gumagawa ng pacing guide.

André Morales, Isang Coordinator

Ang mga estudyante sa rehiyon kung saan kinokoordina ni Brother Morales ang seminary program ay nagsimulang magklase noong Marso 6. Sinimulan niyang maghanda ng pacing guide para sa mga titser ng mga estudyanteng ito para hindi na kailangang gawin ito ng titser. Nagsimula siya sa pagtingin sa iskedyul ng Pumarito Ka Sumunod Ka sa Akin para makita kung anong scripture block ang pag-aaralan sa linggong iyon. Nakita niya na para sa linggo ng Marso 6, ang scripture block ay Mateo 9–10, Marcos 5, at Lucas 9. Para sa linggong iyon sa manwal ng titser sa seminary nakita niya ang sumusunod na limang lesson:

graphic 1 ng pacing guide ni Brother Morales

Nauunawaan ni Brother Morales na maraming estudyante ang bago sa seminary, kaya nagpasiya siyang simulan ang semestre sa pamamagitan ng pagpili ng ilan sa mga lesson mula sa mga panimulang materyal sa Manwal ng Bagong Tipan para sa Titser ng Seminary. Pinili niya ang “Pambungad sa Bagong Tipan” at “Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan.”

Maganda ang pakiramdam ni Brother Morales sa unang dalawang lesson na ito ngunit nahihirapang malaman kung aling iba pang mga lesson ang dapat niyang planuhin para sa unang linggong ito. Tiningnan niya ang lingguhang buod ng dokumento para sa linggong ito at nirebyu ang mga layunin ng lesson para sa bawat isa sa mga lesson. Talagang nadama niya na magkakaroon ng magandang karanasan ang mga estudyante sa dalawang lesson sa Marcos 5, ngunit alam din niya na kailangang ituro sa mga estudyante ang doctrinal mastery. Kaya, idinagdag niya ang lesson na “Pambungad sa Doctrinal Mastery.” Para sa dalawa pang lesson, nagpasiya siyang isama ang dalawang lesson sa Marcos 5. Kaya ganito ang hitsura ng unang linggo sa pacing guide:

graphic 2 ng pacing guide ni Brother Morales

Nang sumunod na linggo sa iskedyul, nakita ni Brother Morales na may doctrinal mastery passage para sa Mateo 11:28–30.

graphic 3 ng pacing guide ni Brother Morales

Nadama niya na dapat talagang maunawaan ng mga estudyante ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman bago ituro sa kanila ang doctrinal mastery passage lesson sa Mateo 11:28–30. Nagpasiya siyang iiskedyul ang lahat ng tatlong lesson tungkol sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa unang bahagi ng linggong ito. Pagkatapos ay iniskedyul niya ang kontekstuwal na lesson at ang katugmang doctrinal mastery passage lesson sa Mateo 11:28–30.

graphic 4 ng pacing guide ni Brother Morales

Sa bawat sumunod na mga linggo, nagpasiya siyang sundin ang pagkakasunud-sunod ng mga lesson sa manwal ng titser, na may ilang eksepsyon. Tiningnan niya ang iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin at napansin niya na bagama’t nagbakasyon ang mga estudyante at walang klase sa seminary, may apat na iba pang doctrinal mastery passage na pinag-aralan. Kailangan pa rin niyang isama sa pacing guide ang mga doctrinal mastery passage lesson at ang katugmang mga kontekstuwal na lesson para sa apat na scripture passage na iyon: Lucas 2:10–12, Juan 3:5, Juan 3:16, at Mateo 5:14–16. Pansinin kung paano niya binago ang sumunod na dalawang linggo upang matiyak na natanggap ng mga estudyante ang lahat ng doctrinal mastery passage at ang kaugnay nito na mga kontekstuwal na lesson.

graphic 5 ng pacing guide ni Brother Morales

Matapos tapusin ni Brother Morales ang pacing guide hanggang sa puntong ito, napansin niya na ang susunod na linggo ay Pasko ng Pagkabuhay. Ang manwal ng titser sa seminary ay hindi kinabibilangan ng anumang nilalaman para sa Pasko ng Pagkabuhay o linggo ng Pasko na kasama sa Pumarito Ka Sumunod Ka sa Akin, kaya maaaring mag-iskedyul si Brother Morales ng anumang lesson na pinili niya para sa linggong ito. Maaari siyang magpasiya na isama ang iba pang mga lesson na maaaring hindi napag-aralan ng mga estudyante habang bakasyon. Nagpasiya siyang iiskedyul sa linggong ito ang dalawang natitirang doctrinal mastery passage lesson at ang kaugnay nitong mga kontekstuwal na lesson na nakaiskedyul sa mga araw ng bakasyon. May isa pa siyang bakanteng iskedyul para sa isang lesson at nagpasiyang magdagdag ng lesson mula sa mga pambungad na materyal na hindi pa naituro sa mga estudyante.

graphic 6 ng pacing guide ni Brother Morales

Ngayong naisama na ni Brother Morales ang lahat ng doctrinal mastery passage lesson at ang kaugnay na mga kontekstuwal na lesson sa pacing guide, sinusunod niya ang pagkakasunud-sunod ng mga lesson sa manwal ng titser. Paminsan-minsan, may mga linggo na may isang araw na walang pasok sa paaralan. Sa mga linggong ito, inuuna pa rin niya ang mga karanasan sa pag-aaral ng doctrinal mastery at nagpapasiya kung alin sa iba pang mga lesson sa linggong ito ang hindi isasama sa pacing guide.

graphic 7 ng pacing guide ni Brother Morales

Sinunod ni Brother Morales ang pattern na ito hanggang sa huling ilang linggo ng unang kalahati ng kurso. Sa loob ng natitirang dalawang linggo, isinama niya ang lesson na “Doctrinal Mastery: Pagrerebuyu para sa Assessment 1” kapalit ng pagrerebyu para sa doctrinal mastery. Nang sumunod na linggo, na siyang huling linggo ng unang kalahati ng kurso, ipinasya niya na iiskedyul ang lesson na “Doctrinal Mastery: Assessment 1.” Iniskedyul niya ito nang maaga sa linggong iyon upang magkaroon ang mga estudyante ng ilang araw pa na makuha ito kung mayroon mang absent sa araw na isinagawa ito o kailangang kunin itong muli.

Stacie Richards, Isang Prinsipal sa Released-Time Seminary

Ang ikalawang semestre ng school year sa lugar kung saan nagtuturo si Sister Richards at ang kanyang faculty ay mula Enero 3 hanggang Mayo 27. Pagkatapos ay walang klase ang mga estudyante para sa bakasyon hanggang Agosto 22.

Nakagawa si Sister Richards ng pacing guide na may kaunting pagkakaiba sa kung paano inorganisa ang manwal ng titser para sa unang bahagi ng semestre. Gayunman, nang ikinumpara niya ang iskedyul ng paaralan sa pacing ng Pumarito Ka Sumunod Ka sa Akin, napansin niya na nasa bakasyon ang mga estudyante kapag dalawa sa mga doctrinal mastery passage na kasama sa unang kalahati ng kurikulum ang nakaiskedyul na ituro. Ang mga doctrinal mastery passage na ito ay ang Juan 17:3 at Lucas 24:36–39. Dahil ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay mapunan ang hindi mapag-aaralan ng mga estudyante kapag walang klase sa paaralan, nagpasiya siya na maghanap ng paraan na maisama ang mga scripture passage na ito sa kasalukuyang semester. Alam din niya na kailangan niyang iiskedyul ang mga lesson na “Doctrinal Mastery: Pagrerebyu para sa Assessment 1” at “Doctrinal Mastery: Assessment 1” bago magbakasyon ang mga estudyante.

Upang magawa ang mga pagbabagong ito, ipinasiya niyang magsimula sa huling linggo ng semestre at pabalik hanggang sa maaayos niya ang iskedyul para sa assessment, pagrerebyu sa assessment, mga doctrinal mastery lesson at kasama nito na mga kontekstuwal na lesson, at anumang iba pang gustong lesson. Nagpasiya siya na huwag ituro ang lesson na “Doctrinal Mastery: Assessment 1” sa huling linggo ng semestre dahil pabagu-bago ang iskedyul ng paaralan at maraming estudyante ang maaaring absent sa linggong iyon. Dahil dito, hindi binago ang iskedyul ng huling linggo.

graphic 1 ng pacing guide ni Sister Richards

Batid na ang lesson na “Doctrinal Mastery: Pagrerebyu para sa Assessment 1” ay dapat ituro bago ang assessment lesson, ipinasiya ni Sister Richards na isingit ito bilang unang lesson ng pangalawa sa huling linggo ng semestre at ilagay ang assessment lesson bilang huling lesson sa linggo. Magbibigay-daan ito para pag-aralan ng mga estudyante nang ilang araw ang mga scripture passage na maaaring hindi pamilyar sa kanila pagkatapos ng pagrerebyu.

Pagkatapos ay ipinasiya niya na magiging napakaepektibo ng pagrerebyu matapos pag-aralan ng mga estudyante ang lahat ng doctrinal mastery passage lesson. Sa paglipat ng doctrinal mastery lesson na Mateo 22:36–39 kasama ang katugmang kontekstuwal na lesson nito sa katapusan ng nakaraang linggo, nagawa niya ang layuning ito habang pinananatili ang ilang araw sa pagitan ng pagrerebyu at assessment.

graphic 2 ng pacing guide ni Sister Richards

Pagkatapos ay nakakita si Sister Richards ng pagkakataong isingit ang doctrinal mastery lesson na Juan 17:3 kasama ang kontekstuwal na lesson nito sa pacing guide. Ang mga lesson na ito ay orihinal na nakaiskedyul na ituro sa bakasyon ng klase. Matapos basahin ang mga layunin ng lesson ng bawat isa sa mga natitirang lesson sa buong linggo, pinili niyang panatilihin ang tatlong lesson na nadama niyang kailangang-kailangan ng mga estudyante sa kanyang lugar. Nakita niya na hindi na kailangang gumawa ng anumang pagbabago sa linggo ng Abril 24–30.

graphic 3 ng pacing guide ni Sister Richards

Alam ni Sister Richards na may isang natitirang doctrinal mastery passage lesson, ang Lucas 24:36–39, na kailangan pa ring isingit. Karaniwan din itong itinuturo sa panahon ng bakasyon ng klase. Napansin niya na ang linggo ng Abril 17–23 ay may lesson para sa pagrerebyu ng doctrinal mastery na maaaring mapalitan ng lesson na Lucas 24. Ngunit habang patuloy niyang tinitingnan ang iskedyul, napansin niya na walang anumang nakaiskedyul na lesson sa linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

Batid na ang doctrinal mastery lesson na Lucas 24, pati na ang katugmang kontekstuwal na lesson nito, ay magiging perpekto para sa linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, nagpasiya siyang isingit ito roon. Pagkatapos ay tiningnan niya ang iba pang mga lessson na hindi mapag-aaralan ng mga estudyante sa kanilang bakasyon at nagpasiya siya na ang pinakamahahalagang lesson na maituturo niya mula sa mga lesson na iyon ay yaong mga nagtuturo tungkol sa pagdurusa ng Tagapagligtas sa Getsemani, Pagpapako sa Kanya sa Krus, at sa mga saksi sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Kinumpleto niya ang iskedyul para sa linggo ng Pasko ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng pagsingit ng mga lesson na iyon.

graphic 4 ng pacing guide ni Sister Richards

Sa pagpili ng mga lesson, nagawa ni Sister Richards na unahin ang doctrinal mastery para sa mga estudyante at mabigyan din ang mga estudyante ng mahahalagang karanasan sa pag-aaral na nakatuon sa Tagapagligtas sa linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

Sa natitirang bahagi ng semestre, naisaayos niya ang mga lesson kaya nasunod nito nang mabuti ang pagkakasunud-sunod sa manwal ng titser.