“Training Plan para sa Kurikulum ng Seminary,” Training para sa Kurikulum ng Seminary (2022)
“Training Plan para sa Kurikulum ng Seminary,” Training para sa Kurikulum ng Seminary
Training Plan para sa Kurikulum ng Seminary
Ang training plan na ito ay nagbibigay ng mga mungkahi para sa mga coordinator at program administrator na tutulong sa mga bagong titser sa seminary na makumpleto ang mga training para sa kurikulum. Layunin nitong tulungan ang mga titser na matuto nang paunti-unti, na makatutulong sa kanila na huwag mag-alala.
Maaari kang gumawa ng indibiduwal na plano sa bawat titser para matulungan silang makumpleto ang mga training kapag handa na sila. Makabubuting hikayatin ang mga titser na sundin nang mabuti ang kurikulum sa simula pa lang. Kapag tumanggap sila ng karagdagang mga training at naging mas pamilyar sa resources sa kurikulum, huhusay sila sa kanilang kakayahang iakma ang kurikulum upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga estudyante.
Bago sila magsimulang magturo:
-
Anyayahan ang mga titser na basahin at sundin ang mga tagubilin sa Quick Start Guide.
-
Ipabasa sa kanila ang pambungad sa manwal ng titser para sa kasalukuyang taon.
Makalipas ang 1–2 linggo:
-
Anyayahan silang kumpletuhin ang Training para sa Piliin at Iakma.
-
Mag-iskedyul ng oras para matalakay ang anumang tanong na maaaring mayroon sila tungkol sa kung paano pumili at angkop na iakma ang kurikulum ng seminary.
Makalipas ang 2–4 linggo:
-
Sabihin sa kanila na kumpletuhin ang Training para sa Doctrinal Mastery.
-
Mag-iskedyul ng oras para talakayin ang anumang tanong na maaaring mayroon sila tungkol sa kung paano matutulungan ang mga estudyante na magkaroon ng doctrinal mastery.
Makalipas ang 3–6 linggo:
-
Sabihin sa kanila na kumpletuhin ang Training para sa mga Assessment.
-
Mag-iskedyul ng oras para talakayin ang anumang tanong na maaaring mayroon sila tungkol sa mga lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto” o ang mga assessment para sa doctrinal mastery .