Seminaries and Institutes
Quick Start Guide


“Quick Start Guide,” Training para sa Kurikulum ng Seminary (2022)

“Quick Start Guide,” Training para sa Kurikulum ng Seminary

dalawang babaeng nag-uusap

Quick Start Guide

Paggamit ng Manwal ng Titser ng Seminary

Bago Ka Magsimulang Magturo

  1. Pag-aralan ang pambungad sa manwal ng titser ng seminary para sa kasalukuyang taon para maging pamilyar ka sa ilan sa mga tool na kasama sa manwal at matulungan ka.

  2. Kumuha ng lesson pacing guide para sa iyong lokal na iskedyul ng seminary mula sa iyong S&I coordinator o program administrator.

  3. Gamitin ang pacing guide na ito para matukoy ang susunod na lesson na ituturo mo.

Buod ng Manwal ng Titser ng Seminary

  • Ang manwal na ito ay inorganisa upang ikoordina sa materyal sa pag-aaral ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa bawat linggo at kinabibilangan ng limang lesson para sa bawat linggo.

  • Bawat set ng limang lesson ay pinaghihiwalay ng isang dokumento na nagbibigay ng maikling buod ng bawat lesson. Kabilang sa buod na ito ang

    • mga layunin ng lesson;

    • mga ideya sa paghahanda ng estudyante;

    • mga ideya para sa object lesson at mga iminungkahing handout, larawan, video, o iba pang mga materyal na maaaring mangailangan ng paunang paalala para makapaghanda; at

    • mga mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference.

  • Kasama sa bawat linggo ang kahit isang karanasan sa pag-aaral ng doctrinal mastery.

  • Paminsan-minsan, ang lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto” ay isinasama upang tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang natututuhan nila at kung paano sila umuunlad sa kaalaman, asal, at pag-uugali na nagpapalalim ng pagbabalik-loob at tumutulong sa kanila na maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Karagdagang Training

Kasama ng pambungad sa manwal ng titser ng seminary, ang sumusunod na resources ay makukuha para sa karagdagang training:

  • Mga training meeting kasama ang iyong coordinator o program administrator para masagot ang mga tanong mo at magpraktis ng mga kasanayan sa pagtuturo

  • Training para sa pagpapahusay ng kasanayan ng titser

  • Piliin at pagkatapos ay iakma ang training para sa kurikulum ng seminary

  • Training para sa doctrinal mastery

  • Training para sa mga Assessment