Piliin at Pagkatapos ay Iakma ang Kurikulum ng Seminary
“Piliin at Pagkatapos ay Iakma ang Kurikulum ng Seminary,” Training para sa Kurikulum ng Seminary (2022)
“Piliin at Pagkatapos ay Iakma ang Kurikulum ng Seminary,” Training para sa Kurikulum ng Seminary
Piliin at Pagkatapos ay Iakma ang Kurikulum ng Seminary
Maraming epektibong paraan para makapaghanda na ituro ang ebanghelyo ni Jesucristo. Palaging kasama sa paghahandang ito ang mapanalanging pag-aaral ng salita ng Diyos at paghingi ng patnubay ng Espiritu Santo para malaman kung paano pinakamainam na matutulungan ang mga tinuturuan mo na magbalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Para magawa ito, tiyaking pag-aralan ang scripture block sa iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Tutulungan ka nito sa iyong paghahanda ng lesson habang nirerebyu mo ang kurikulum. Tutulungan ka ng kurikulum na matukoy ang mahahalagang alituntunin at doktrina sa scripture block, matulungan ang mga estudyante na malaman, mahalin, at sundin ang Ama sa Langit at si Jesucristo, at masunod ang mga inspiradong huwaran ng epektibong pagtuturo.
Isaalang-alang ang payong ito ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan tungkol sa paggamit ng kurikulum sa paghahanda ng mga lesson sa seminary:
Pinipili muna natin, pagkatapos ay iniaakma natin. Kung napag-aralan na natin nang lubos ang lesson at pamilyar na tayo rito, masusunod na natin ang Espiritu sa pagtuturo nito. Pero natutukso tayo, kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa flexibility na ito, na magsimulang magturo sa halip na ipamilyar at pag-aralan nang husto ang lesson. Dapat ay balanse. Ito ay hamon na makakaharap natin tuwina. Ngunit ang pag-aaral nang husto at pagiging pamilyar sa lesson bago magturo ay mabuting paraan para makatiyak kayo na ang itinuturo ninyo ay nakabatay sa totoong doktrina.
Ano ang ibig sabihin ng piliin at iakma ang kurikulum sa paghahanda mo ng lesson?
Tinulungan tayo ni Pangulong Henry B. Eyring na maunawaan ang ilang dahilan kung bakit kailangan nating iakma ang kurikulum:
Mas maraming mungkahi para sa mga ideyang ituturo, mga paraan para maituro ang mga ito, at mga cross-reference na gagamitin kaysa sa maaaring magamit ng sinuman sa atin. … Ngunit dahil gusto nating magtanong ang ating mga estudyante sa Panginoon upang sila ay maliwanagan, kailangan natin silang bigyan ng halimbawa. Para magawa iyon maaari nating basahin ang kurikulum—ang bawat salita nito. Maaaring wala tayong oras para hanapin at pag-aralan ang bawat reperensya, ngunit kilala ng Diyos ang ating mga estudyante. …
…Lubos na nalalaman ng Panginoon ang nalalaman at kailangan ng [mga estudyante]. Mahal Niya sila at mahal Niya tayo. At sa tulong niya … mapipili natin hindi lamang ang mga bahaging iyon ng kurikulum na magtutulot sa atin na magamit ang buong kakayahan nating magturo kundi yaong magdadala ng mga kapangyarihan ng langit sa mga estudyanteng iyon sa ating silid-aralan sa araw na iyon.
(“The Lord Will Multiply the Harvest” [evening with a General Authority, Peb. 6, 1998], ChurchofJesusChrist.org)
Sa iyong palagay, bakit mahalagang piliin muna ang nasa mga materyal ng lesson bago iakma ang mga ito?
Paano maaaring maiba ang mga pamamaraan ng paghahanda ng lesson ng isang titser na gumagamit ng kurikulum at ng isang titser na hindi gumagamit nito?
Ang Dapat Isasaalang-alang Kapag Nag-aakma ng mga Lesson
Narito ang ilang tanong na isasaalang-alang sa pagpili at pag-akma ng mga materyal ng lesson:
Ano ang layunin ng kabuuang lesson gayundin ang iba’t ibang bahagi ng lesson?
Ano ang layunin ng inspiradong awtor, at ang pag-aakma na iniisip ko na naaayon dito?
Ano ang mga dahilan ko sa pagnanais na iakma ang lesson? Ito ba ay personal na kagustuhan, o magbibigay ba ang pagbabagong ito sa mga estudyante ng mas magandang karanasan sa pag-aaral?
Naaayon ba ang pag-aakma ko sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo?
Maaaring kailanganin mong iakma ang isang lesson para
masunod ang mga pahiwatig ng Ama sa Langit na natanggap sa pamamagitan ng Espiritu Santo. (Tingnan ang case study ni Brother Dube.)
tugunan ang espesyal o natatanging mga pangangailangan, kakayahan, at makukuhang resources ng mga estudyante. (Tingnan ang case study nina Brother Dube at Brother Reyes.)
tulungan ang mga estudyante sa kasalukuyang mga isyu at tanong na nangangailangan ng agarang tugon. (Tingnan ang case study ni Brother Dube.)
humanap ng mas mainam na paraan para maisakatuparan ang parehong layunin para sa isang bahagi ng lesson. (Tingnan ang mga case study nina Brother Li at Sister Martin.)
gamitin ang pinakabagong tagubilin at resources na ibinigay ng mga lider ng Simbahan. (Tingnan ang case study ni Sister Schmidt.)