“I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 1,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“I-assess ang Iyong Pagkatuto,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Appendix
I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 1
Ang pagninilay at pag-assess sa ating espirituwal na pagkatuto ay makatutulong sa atin na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na alalahanin at suriin kung paano nakatulong sa iyo ang mga karanasan mo sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan 1–4, 8–10 at Joseph Smith—Kasaysayan na lumago sa espirituwal na aspeto at mapalapit kay Jesucristo. Maghanap ng mga pagkakataon upang ibahagi ang ilan sa iyong mga sagot sa ibang estudyante o sa mga kapamilya.
Paalala: Bago gawin ang assessment na ito, tiyaking kumpletuhin ang mga kinakailangang babasahin kung hindi mo pa ito nagagawa: Joseph Smith—Kasaysayan 1; Doktrina at mga Tipan 1–4, 8–10.
Ano ang natututuhan mo? Kumusta ang iyong progreso?
Maglaan ng ilang minuto upang isulat sa iyong study journal ang naging progreso mo upang mas mapalapit sa Tagapagligtas habang pinag-aaralan mo ang Joseph Smith—Kasaysayan 1 at Doktrina at mga Tipan 1–4, 8–10. Maaaring kabilang dito ang doktrina at mga katotohanang natututuhan mo, mga paraan kung paano nadaragdagan ang iyong patotoo kay Jesucristo, mga bagong gawi na pinagbubuti mo, at mga pag-uugali na pinagsisikapan mong baguhin.
I-assess ang pag-aaral ng banal na kasulatan
-
Paano nakatulong ang pag-aaral ng banal na kasulatan kay Propetang Joseph Smith?
Pagnilayan ang sarili mong mithiin na pag-aralan ang banal na kasulatan.
-
Paano nakakaapekto sa iyo ang iyong pagsisikap?
-
Sa paanong paraan mo masasabing nagtagumpay ka sa iyong pag-aaral ng banal na kasulatan?
-
Ano ang isang hamon na nararanasan mo sa iyong pag-aaral ng banal na kasulatan?
I-assess kung ano ang nadarama mo tungkol kay Propetang Joseph Smith (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1)
Magsulat ng kahit ilang bagay na maiisip mo na natutuhan mo tungkol kay Propetang Joseph Smith sa mga nakaraang ilang linggo sa seminary.
Salungguhitan o bilugan ang anumang bagay sa iyong listahan na tumutukoy rin sa paraan na natulungan ka niyang mas mapalapit kay Jesucristo.
Suriin kung gaano kalakas ang iyong paniniwala sa mga bagay na inilista mo gamit ang scale na 1 hanggang 5 (1=hindi naniniwala at 5=talagang naniniwala). Maaari kang magbahagi ng mga karanasan na nakatulong para lumakas ang iyong paniniwala na tinawag ng Diyos si Joseph Smith na maging propeta upang tulungan tayong mas mapalapit kay Jesucristo.
-
Kung nahihirapan ang isang tao na maniwala na tinawag ng Diyos si Joseph Smith na maging propeta, ano ang maaari mong imungkahi na gawin niya upang maniwala at mapalakas ang paniniwalang ito?
Pagtanggap ng personal na paghahayag (Doktrina at mga Tipan 8)
Pumili ng ilan sa mga sumusunod na pahayag na ito, at kumpletuhin ang mga ito sa iyong journal. Isama ang iba pang naiisip o impresyon mo na sa palagay mo ay mahalagang isulat.
-
Ang pinakamahalagang bagay na natutuhan ko kamakailan tungkol sa paghahayag mula sa Ama sa Langit ay …
-
Kabilang sa ilang bagay na kamakailan ko lamang sinubukan upang makatanggap ng paghahayag tungkol dito ay ang …
-
Ang isang bagay na maaaring nakaapekto sa kakayahan kong tumanggap ng paghahayag ay …
-
Ang isang karanasan ko kamakailan na hindi ko gustong makalimutan ay …
-
Gusto kong patuloy na dagdagan ang kakayahan kong tumanggap ng paghahayag mula sa Diyos dahil …
-
Upang lalo pang madagdagan ang kakayahan kong tumanggap ng paghahayag mula sa Diyos, nangangako akong …
Magbahagi ng isinulat mo sa isang kapamilya, kaibigan, o isang tao sa iyong klase.