Seminary
Mga Lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto para sa Makeup Work


“Mga Lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto para sa Makeup Work,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Mga Lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Appendix

Mga Lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto para sa Makeup Work

Upang makakuha ng credit sa kurso, dapat makilahok ang mga estudyante sa kahit isang lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto sa bawat kalahati ng kurso. Kung hindi nakuha ng mga estudyante ang lahat ng lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto sa isang kalahati ng kurso, maaari pa rin silang makakuha ng credit sa kurso sa pamamagitan ng pagkumpleto sa isa sa mga sumusunod na handout ng I-assess ang Iyong Pagkatuto. (Maaari nilang kumpletuhin pareho kung kinakailangan.) Ang mga estudyante na nakilahok sa kahit isang lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto sa bawat kalahati ng kurso ay hindi na kailangan pang gawin ito.

Kung kailangang gawin ng mga estudyante ang assessment para sa unang bahagi ng kurso, bigyan sila ng handout na may pamagat na “I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 1.” Kung kailangang gawin ng mga estudyante ang assessment para sa pangalawang bahagi ng kurso, bigyan sila ng handout na may pamagat na “I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 2.” Hikayatin ang mga estudyante na kumpletuhin ang mga kinakailangang babasahin bago gawin ang assessment. Dapat magreport sila sa iyo kapag nagawa na nila ang assessment na ito. Kapag ginawa nila ito, sabihin sa kanila na ibahagi ang natutuhan nila mula sa karanasan.