“Mga Ideya para sa Pagkakaiba-iba,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Mga Ideya para sa Pagkakaiba-iba,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Appendix
Mga Ideya para sa Pagkakaiba-iba
Mga Ideya para sa Pagkakaiba-iba
Ang resource na ito ay naglalaman ng iba’t ibang paraan upang matulungan ang mga estudyante na aktibong makilahok sa mga lesson. Kahit ang mga mapanghikayat na pamamaraan sa pagtuturo ay maaaring maging hindi epektibo o nakaiinip kung paulit-ulit na gagamitin. Bagama’t hindi ka dapat pumili ng mga pamamaraan para lamang magkaroon ng pagkakaiba-iba, isipin kung paano pag-iiba-ibahin ang mga paraan mo sa pagtuturo sa bawat lesson. Mas maraming estudyante ang mahihikayat kung gagamit ng iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo. Narito ang ilang tanong na dapat isaalang-alang kapag pumipili ng mga aktibidad na isasama sa isang karanasan sa pagkatuto:
-
Napag-iibayo ba ng aktibidad ang karanasan na nakasentro kay Cristo, nakabatay sa banal na kasulatan, at nakatuon sa mag-aaral? Tingnan ang Piliin at Pagkatapos ay Iakma ang Kurikulum ng Seminary para sa mas maraming impormasyon tungkol dito.
-
Inaanyayahan ba ng aktibidad ang Espiritu Santo na magturo at magpatotoo? Isipin kung paano makakaapekto ang aktibidad sa mapitagang kapaligiran na kailangan upang magampanan ng Espiritu Santo ang Kanyang tungkulin.
-
Paano kinakatawan ng pamamaraan ang sagradong salita ng Diyos? Ang mga banal na kasulatan at salita ng mga propeta ay kailangang ilahad sa magalang at banal na paraan.
-
Tinatrato ba ang bawat estudyante nang may dignidad? Palaging hangaring makahikayat ng pagkakaisa at pagmamahal. Iwasan ang mga aktibidad kung saan maaaring hindi maging komportable ang estudyante, mawalan siya ng kumpiyansa, o maramdaman niyang mag-isa siya.
-
Sulit bang paglaanan ng oras sa klase ang aktibidad? Mahalagang panahon ang oras na magkakasama kayo ng mga estudyante mo sa seminary. Maaaring maging epektibo ang mga aktibidad kahit sandaling oras lang ang iniukol dito.
-
Ilang oras at resources ang kakailanganin upang maihanda ang aktibidad? Importanteng mapamahalaan nang maayos ang iyong mahalagang oras at resources.
Ang mga ideyang ito ay kadalasang magagamit sa maraming bahagi sa buong lesson. Sa maraming pagkakataon, ang pagpapakita ng halimbawa para sa mga estudyante ng tungkol sa ipinagagawa sa kanila ay makatutulong sa kanila na maging mas matagumpay. Tiyaking nauunawaan mo nang mabuti ang aktibidad at makapagbibigay ka ng malilinaw na tagubilin at halimbawa bago simulan ng mga estudyante ang aktibidad, kung makatutulong ito. Ang mga aktibidad na ito ay nakaayos sa mga sumusunod na bahagi:
Upang magbigay ng feedback o magmungkahi ng mga karagdagang ideya, mangyaring mag-email sa CES-Manuals@ChurchofJesusChrist.org. Isama sa paksa ang “Mga Ideya para sa Pagkakaiba-iba.”
1. Pag-aralan ang banal na kasulatan upang maunawaan ang kuwento at matukoy ang mga alituntunin o doktrina ng ebanghelyo
Sa mga lesson, madalas na may mga aktibidad kung saan pinag-aaralan ng mga estudyante ang isang serye ng mga talata upang maunawaan nang mabuti ang mahalagang konteksto at kuwento ng isang scripture block upang makatukoy ng mga alituntunin o doktrina. Ang mga sumusunod na aktibidad ay ilang paraan upang matulungan mo ang mga estudyante na magawa ito.
Interpretasyon gamit ang sining
Gumamit ng sining ng ebanghelyo upang talakayin ang isang kuwento. Magpakita ng larawan mula sa Media Library ng Simbahan at anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang mga talatang ipinapakita sa larawan. Itanong sa mga estudyante:
-
Ano ang iibahin ninyo?
-
Ano ang interpretasyon ng artist (hindi matatagpuan sa teksto)?
-
Aling mga talata sa banal na kasulatan ang isinasalarawan?
Ibang Bersiyon: Sa halip na magpakita ng buong larawan sa simula ng klase para masimulan ang talakayan, pira-pirasuhin ang larawan. Magpakita ng isang piraso sa bawat pagkakataon at ipahula sa mga estudyante kung ano ang nangyayari sa buong larawan. Sabihin sa kanila na ilarawan ang nakikita nila at hulaan kung ano ang hindi nila nakikita.
Ibang Bersiyon: Pumili ng ilang larawan ng Tagapagligtas at ilagay ang mga ito sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na dahan-dahang tingnan ang kulay, pokus, at layout ng mga larawan at tukuyin ang itinuturo ng bawat isa tungkol sa kung sino si Jesucristo. Pagkatapos tumukoy ng alituntunin, maaari kang magtanong ng tulad ng:
-
Sa palagay ninyo, aling larawan ni Cristo ang kumakatawan sa alituntuning natagpuan ninyo at bakit?
-
Alin sa mga larawang ito ni Jesus ang tumutulong sa inyo na madama ang kahalagahan ng katotohanang ito?
-
Ano ang gusto ninyong malaman ng isang kaibigan tungkol kay Jesucristo kapag iniisip ang katotohanang ito?
Magdagdag ng pag-uusap sa isang paglalarawan
Kopyahin ang mga larawan mula sa Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan para sa mga Bata at i-paste ang mga ito sa handout para sa mga estudyante. Magdagdag ng mga word bubble kung saan maaaring isulat ng mga estudyante ang sinasabi o iniisip ng mga tauhan.
Balita o book report
Bigyan ang bawat estudyante ng isang bahagi ng banal na kasulatan na pag-aaralan nila. Pagkatapos ay ibigay sa kanila ang mga kinakailangan para sa balita o book report (sa papel o sa pisara). Maaaring kabilang dito ang mga pangunahing tauhan, ang kuwento, isa o dalawang aral na natutuhan (babanggitin ang mga talatang pinagmulan nito), at kung paano ito isasabuhay ng isang tinedyer. Bigyan ang mga estudyante ng oras upang ibahagi sa ibang estudyante ang inihanda nila.
Ibang Bersiyon: Sa maliit na grupo, maaaring kumuha ang bawat estudyante ng isang bahagi ng kuwento o book report: mga pangunahing tauhan, kuwento, aral, o pagsasabuhay.
Pagtukoy sa mga tanong
Pagkatapos magbasa ng scripture block ng mga estudyante, sabihin sa kanila na maglista ng mga tanong na maaaring masagot ng mga talata. Hikayatin ang mga estudyante na magsulat ng mga tanong na makabuluhan at nauugnay sa isang tinedyer, sa halip na mga simpleng tanong sa pagsasaliksik. Halimbawa, sa halip na itanong ang “Ano ang kahulugan ng pananampalataya ayon kay Alma? Ano ang sinabi niya na hindi pananampalataya?”, maaaring itanong ng mga estudyante ang “Ano ang kailangan kong gawin upang malaman ko sa sarili ko na totoo ang isang bagay na itinuturo ng Tagapagligtas?” Kung mas marami sa isa ang scripture block na pag-aaralan ng mga estudyante, maaari nilang ilista ang kanilang mga tanong at ibahagi ito sa isang estudyanteng nag-aral ng ibang block. Maaaring hanapin at isipin ng mga estudyante ang mga sagot sa mga tanong ng kanilang mga kaklase.
Interbyuhin ang may-akda
Sabihin sa mga estudyante na isipin kunwari na sila ang may-akda ng isang salaysay sa banal na kasulatan at iniinterbyu sila tungkol sa isinulat nila. Maaaring basahin ng mga estudyante ang salaysay sa banal na kasulatan at magsalitan sa pagganap bilang nag-iinterbyu at may-akda. Maaaring itanong ng nag-iinterbyu ang mga sumusunod:
-
Ano ang ilang aspeto ng mga talatang ito ang gusto mong mapansin ng mga mambabasa?
-
Ano ang pinakamahalagang mensahe mo, o ang isa sa mga pinakamahalagang mensahe mo?
-
Sa anong paraan mo inaasahang maipamumuhay ito ng mga mambabasa?
Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa karanasang ito. Gamitin ang kanilang mga komento upang ipahayag ang nakasaad na katotohanan.
Pagtutugma
Magbigay ng ilang scripture reference sa isang column at ng mga katugmang katotohanan nito nang hindi ayon sa pagkakasunud-sunod sa ibang column. Maaaring pag-aralan at pagtugmain ng mga estudyante ang mga ito.
Pinakamahalagang katotohanan
Kapag pinag-aaralan ng mga estudyante ang isang kabanata ng banal na kasulatan na may maraming katotohanan na maaari nilang matukoy, maaari mong sabihin sa kanila na simulan ito sa pamamagitan ng pag-aaral nang mag-isa. Maaaring magpasiya ang bawat isa sa kung ano sa palagay nila ang tatlo o apat na pinakamahalagang katotohanan o ideya sa scripture block at isulat ang mga ito. Pagkatapos ay maaaring hatiin ang mga estudyante sa mga grupo na may tigdadalawang miyembro at maaari nilang paghambingin ang mga katotohanang natukoy nila. Tutukuyin ng bawat magkapartner na estudyante ang sa palagay nila ay dalawang pinakamahalagang katotohanan at isusulat nila ang mga ito. Tandaan: Ang mga ideya ay maaaring naiiba sa apat na katotohanan na una nilang natukoy. Pagkatapos ay sasali ang isang magkapartner sa isa pang magkapartner upang bumuo ng isang grupo na may tig-aapat na miyembro; ang apat na estudyante ay sama-samang magbabahagi at maghahambing ng kanilang mga ideya at magtutulungan sila bilang isang grupo upang matukoy ang nag-iisang pinakamahalagang katotohanan sa teksto.
Timeline ng mga larawan
Magpakita ng ilang larawan na kumakatawan sa isang kuwento sa banal na kasulatan na pag-aaralan ng mga estudyante. Ipakita ang mga talatang babasahin ng mga estudyante. Anyayahan ang mga estudyante na isaayos ang larawan sa wastong pagkakasunud-sunod.
Paggawa ng diagram ng mga pangyayari sa kuwento
Tulungan ang mga estudyante na tukuyin ang doktrina o mga alituntuning itinuro sa mga salaysay sa banal na kasulatan gamit ang diagram ng mga pangyayari sa kuwento. Tukuyin ang iba’t ibang elemento ng kuwento kabilang ang mga sumusunod:
-
Ang panimulang sitwasyon (kabilang kung sino, ano, saan, kailan).
-
Pagtindi ng suliranin o maaksiyong pangyayari. Tukuyin ang mga pagbabagong nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa salaysay.
-
Kasukdulan. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng kuwento. Kadalasan ay may malaking pagbabago, tulad ng pagdaig ng isang tao sa isang balakid o pagkakaroon ng sandali ng pagtuklas.
-
Kinahinatnan. Ang mga resulta ng kasukdulan kapag natapos na ang maaksiyong pangyayari.
-
Resolusyon. Inilalarawan nito ang bagong pagkaunawa ng mga tao dahil sa kanilang karanasan.
Isulat sa pisara ang mga scripture reference para sa bawat elemento ng kuwento. Sabihin sa mga estudyante na basahin ang mga talata para sa bawat elemento ng kuwento at idrowing ang nabasa nila o isulat ang mahahalagang pangyayari. Kapag natapos na ng mga estudyante ang huling hakbang, sabihin sa kanila na basahin ang buong salaysay at magsulat ng isang pahayag ng katotohanan na natutuhan nila.
Puzzle
Gumawa ng simpleng puzzle mula sa isang larawan na kumakatawan sa scripture block. Magsulat ng mga scripture reference sa likod ng bawat piraso. Maaaring hatiin sa mga grupo ang mga estudyante at bibigyan ng isang piraso ng puzzle ang bawat isa. Pag-aaralan ng mga estudyante ang mga reference at maghahanda sila na ibuod ang kanilang mga talata. Habang ibinabahagi ng mga grupo ang kanilang buod sa klase, maaari nilang i-tape ang mga piraso sa pisara para mabuo ang kumpletong larawan.
Teatro ng mambabasa
Para sa isang kuwento na maraming pag-uusap, ayusin ang mga talata sa banal na kasulatan sa isang script para mabilis na mahanap ng bawat tao ang kanilang bahagi. Gumamit ng narrator na magbabasa ng mga talatang hindi bahagi ng pag-uusap. Maaari mong kopyahin ang mga talata sa banal na kasulatan at markahan ang bawat bahagi gamit ang magkakaibang kulay ng highlighter. Paalala: Tandaan na ang mga miyembro ng Panguluhang Diyos ay dapat palaging katawanin nang may pinakamataas na antas ng pagpipitagan. Kung ang isang miyembro ng Panguluhang Diyos, kabilang na si Jesucristo, ay kinakatawan sa isang salaysay sa banal na kasulatan kung saan nais mong gawin ang aktibidad na ito, ipabasa sa narrator ang Kanyang mga salita.
Pagbabasa ng banal na kasulatan
Maraming paraan kung paano basahin ang mga banal na kasulatan sa klase. Ang bawat isa ay maaaring may iba’t ibang layunin. Isaalang-alang ang mga pangangailangan ng iyong klase kapag pumipili ng mga paraan ng pagbabasa.
-
Tahimik na pagbabasa: Maaaring magbasa ang mga estudyante nang tahimik nang mag-isa. Binibigyan nito ang mga estudyante ng oras para pagnilayan ang mga banal na kasulatan at magbasa sa bilis na gusto nila.
-
Pagbabasa nang may kapartner o bilang grupo: Sa pamamagitan nito, mas maraming estudyante ang nakakalahok at hindi sila gaanong kakabahan sa pagbabasa nang malakas.
-
Titser o naka-record na audio: Maaaring basahin ng titser ang teksto o i-play ang audio nito at anyayahan ang mga estudyante na sumabay sa pagbabasa.
-
Pagbabasa nang malakas: Maaaring anyayahan ang buong klase na sabay-sabay na basahin ang mga talata. Maraming boluntaryong estudyante ang maaaring magbasa nang malakas sa klase o anyayahan nang mas maaga at bigyan ng oras para makapaghandang magbasa. Tiyakin sa mga estudyante na maaari silang “tumanggi” kung hindi sila komportableng magbasa.
Pananaliksik sa banal na kasulatan
Maghanda ng ilang tanong tungkol sa isang serye ng mga talata sa mga banal na kasulatan sa magkakahiwalay na piraso ng papel. Tawagin ang mga estudyante sa harap ng klase at bigyan sila ng isang tanong. Sabihin sa kanila na bumalik sa kanilang mesa upang hanapin ang sagot. Kapag nahanap na nila ang sagot, muli silang pupunta sa harap ng silid at tatanggapin ang susunod na tanong na sasagutin. Maaari din itong gawin sa maliliit na grupo.
Simulation
Isaayos ang silid-aralan sa paraang magpapakita ng simulation ng kuwentong babasahin sa mga banal na kasulatan sa araw na iyon. Halimbawa, kung babasahin ang Doktrina at mga Tipan 121, maaaring ayusin ang mga upuan para makagawa ng isang lugar na kasing laki ng selda sa Liberty jail. Ang pamamaraang ito ay tutulong sa mga estudyante na makita kung ano ang kanilang matututuhan. Para sa Doktrina at mga Tipan 136, maaaring hatiin ang mga estudyante sa mga grupo ng mga pioneer at pumili ng kapitan bilang tagapagsalita.
Stop sign
Sabihin sa mga estudyante ang katotohanan na nakasulat sa mga bold letter. Dahan-dahang basahin ang ilang talata sa kanila, at sabihin sa kanila na itaas ang kanilang kamay o sabihing “Stop” kapag may natukoy sila sa isang talata na tumutulong sa pagtuturo ng katotohanang iyon. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang napansin nila.
Buod ng estudyante
Bago magklase, bigyan ang mga estudyante ng konteksto o nilalaman tungkol sa mga banal na kasulatan na gusto mong ibuod nila para sa klase. Maaaring i-print at ipamahagi ang mga ito isang araw bago ang klase o pagkapasok ng mga estudyante sa klase. Sabihin sa kanila na maghandang magbahagi ng buod kapag tinawag sa angkop na oras sa klase.
Magsalin ng isang talata
Pagkatapos magbasa ng scripture block ng mga estudyante, maaari mo silang papiliin ng talatang isasalin o ipasulat sa kanila ang bawat linya gamit ang sarili nilang mga salita. Tulungan silang magsanay sa paghahanap ng mga kahulugan o paggamit ng iba pang banal na kasulatan at mga tool sa pag-aaral ng banal na kasulatan upang maunawaan ang mahihirap na salita at parirala.
Tama o mali
Magsulat ng iba’t ibang tama o maling pahayag tungkol sa mahahalagang detalye sa isang scripture block. Sabihin sa mga estudyante na sabihin kung sumasang-ayon sila o hindi sa mga pahayag. Sabihin sa kanila na maghanap ng katibayan na sumusuporta o pinabubulaanan ang mga pahayag habang pinag-aaralan nila ang scripture block. Pagkatapos ay itatama ng mga estudyante ang maling mga pahayag at isusulat ito habang binabasa nila ang scripture passage.
Gumamit ng retrato
Sabihin sa mga estudyante na pumili ng retrato na mahalaga sa kanila. Ito ay maaaring mula sa kanilang telepono, o mula sa tahanan. Sabihin sa kanila na maghandang ibahagi ang mga sumusunod:
-
Ang background, na naglalarawan sa nangyari bago kinunan ng retrato.
-
Ang mahalagang mensahe o layunin ng retrato.
-
Ilang detalye na mahalaga para sa kanila.
Pagkatapos magbahagi ng mga estudyante, maaari nilang basahin ang scripture block para sa lesson at ihanda ang tatlong bagay ding iyon na may kaugnayan sa scripture block.
Paglalarawan sa Isip
Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng kuwento o isang bahagi ng teksto na pinag-aralan nila. Maaaring pumikit ang mga estudyante at magtuon sa paglalarawan sa isip ng mga inilalarawan ng titser. Halimbawa, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isipin kunwari na sila ang mga pastol na sumunod sa paanyaya ng anghel na hanapin ang batang Cristo na nakahiga sa sabsaban. Pagkatapos ay maaari mong sabihin ang tulad ng “Nakarating ka sa kuwadra kung saan karga ni Maria ang batang Cristo. Sino ang nakikita ninyo roon? Aling mga hayop ang naiisip ninyo? Sa inyong imahinasyon, paano tumugon si Maria sa pagdating ninyo?” Patuloy na magtanong ng mga bagay na tumutulong sa mga estudyante na mailarawan sa isip ang sitwasyon.
Word Cloud
Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang mga salita at parirala na sa palagay nila ay mahalaga sa isang scripture passage. Gumawa ng word cloud gamit ang mga pinakakaraniwan o pinakamakabuluhang salita at parirala na natukoy nila. Ang laki ng mga salita ay maaaring magpahiwatig ng antas ng kahalagahan ng mga ito.
2. Palalimin ang pag-unawa gamit ang mga sipi at banal na kasulatan
Kadalasang isinasama sa mga lesson ang ilang scripture passage mula sa mga aklat ng banal na kasulatan upang matulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa sa mga alituntunin o doktrinang pinag-aaralan nila. Magkakaroon din ng mga lesson na may kasamang maraming sipi mula sa mga lider ng Simbahan. Ang sumusunod na mga aktibidad ay ilang paraan kung paano mo matutulungan ang mga estudyante na pag-aralan ang iba’t ibang banal na kasulatan o sipi at mabibigyan sila ng pagkakataong matuklasan ang katotohanan para sa kanilang sarili.
Gumawa ng mga istasyon ng pag-aaral
Maglagay ng mga istasyon ng pag-aaral sa buong silid-aralan. Ang bawat istasyon ay maaaring may mga tagubilin na nakapaskil sa mga pader o mesa. Maaaring kabilang sa mga tagubilin na ito ang mga banal na kasulatan o sipi na babasahin, at mga tanong o iba pang aktibidad na gagawin. Maaaring lumibot ang mga estudyante sa maliliit na grupo, at talakayin ang natutuhan nila sa bawat istasyon. Maaari din nila itong gawin nang mag-isa at lumipat kung tapos na sila. Maaari kang maglagay ng malaking piraso ng papel sa bawat istasyon kung saan isusulat ng bawat grupo o ng estudyante ang kanilang sagot. Maaari nilang basahin at pagnilayan ang mga isinulat ng iba.
Gumawa ng sarili mong mga footnote
Sabihin sa mga estudyante na magdagdag ng mga footnote sa mga banal na kasulatan na pinag-aaralan nila. Maaaring idagdag ang mga ito sa pamamagitan ng paggawa ng mga link sa pagitan ng mga passage na pinag-aaralan at ng iba pang banal na kasulatan at pahayag mula sa mga lider ng simbahan. Maaaring isulat ng mga estudyante ang mga cross-reference sa kanilang mga margin o gamitin ang linking feature sa Gospel Library. Maaari silang magbahagi ng maraming karagdagang reference na nagbibigay ng mas maraming kaalaman tungkol sa paksa hangga’t kaya nila. Ibang Bersiyon: Maaaring gamitin ng mga estudyante ang mga Tag sa kanilang Gospel Library upang iugnay ang iba’t ibang banal na kasulatan at sipi mula sa isang lesson.
Ipaliwanag
Tutukuyin ng mga estudyante ang isang salita o konsepto na mahirap maunawaan. Ipahanap sa kanila ang resources kabilang ang mga banal na kasulatan at mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, Mga Paksa at Mga Tanong) upang matulungan silang malaman pa ang tungkol sa kataga. Sabihin sa kanila na ipaliwanag ang kataga o parirala gamit ang sarili nilang mga salita.
Mga doodle note
Habang nag-aaral ang mga estudyante, bigyan sila ng papel na may mga thought bubble o mga bahagi kung saan nila maaaring isulat ang kanilang natuklasan.
Mga Eksperto
Hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo at magtalaga sa bawat grupo ng paksang pag-aaralan. Bigyan ang mga grupo ng oras at resources upang pag-aralan ang mga paksa para maging eksperto ang bawat miyembro ng grupo sa paksa ng kanilang grupo. Pagkatapos ng sapat na oras, hatiin ang mga estudyante sa mga bagong grupo upang magkaroon ng “eksperto” sa ibang paksa ang bawat grupo. Pagkatapos ay ibabahagi ng mga estudyante ang natutuhan nila tungkol sa kanilang mga paksa.
Mga koneksyon sa Para sa Lakas ng mga Kabataan
Pumili ng isang bahagi sa booklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili at anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga pahayag na nagpapatibay sa katotohanang natuklasan nila mula sa scripture block.
Taludtod sa taludtod
Muling ipasulat sa mga estudyante ang isang scripture verse sa kanilang study journal nang paisa-isang linya o pangungusap. Dapat silang mag-iwan ng espasyo sa pagitan ng bawat linya o pangungusap. Masusing mapag-aaralan at mapagninilayan ng mga estudyante ang bawat salita sa linya o pangungusap na iyon. Makakahanap din sila ng mga cross reference o iba pang impormasyon sa Gospel Library tungkol sa linyang iyon. Pagkatapos ay ganoon din ang gawin sa susunod na linya ng passage. Ang isang halimbawa nito ay matatagpuan sa “Huwag Matakot,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2021, 32.
Mind map
Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng mind map sa kanilang study journal tulad ng nasa itaas. Maaari nilang isulat ang alituntunin o doktrinang natukoy nila sa gitnang kahon. Pagkatapos ay magpahanap sa kanila ng mga karagdagang banal na kasulatan o sipi na nagdaragdag sa kanilang pagkaunawa. Maaari nilang idagdag ang kanilang mga pananaw tungkol sa paksang iyon sa mga panlabas na kahon. Sabihin sa mga estudyante na palawakin ang kanilang mind map sa pamamagitan ng patuloy na pagdaragdag ng mga kahon at pagkonekta sa mga ito sa mga bagay na natututuhan nila.
Magkakatulad at magkakaibang mga ideya
Sabihin sa mga estudyante na pumili ng dalawa o mahigit pang paksa mula sa lesson na magkakatulad sa ilang paraan at magkakaiba sa ilang paraan. Gumawa ng diagram na katulad ng larawan sa itaas kung saan maaaring isaayos ng mga estudyante ang mga pagkakatulad ng mga bagay na ito at mga pagkakaiba ng dalawang paksa. Magagawa ito nang may dalawang tao sa isang salaysay (halimbawa, sina Laman at Nephi) o dalawang paksa (halimbawa, paskua at sakramento).
Pagbabahagi ng mga kabatiran
Bigyan ang mga estudyante ng kinopyang pahina ng scripture block at ipasulat sa kanila ang kanilang pangalan sa itaas. Bigyan sila ng isa hanggang dalawang minuto upang basahin ang block at isulat ang kabatirang natutuhan nila sa kanilang pag-aaral.
Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang: Ang mga estudyante ay maaaring magmarka ng mga footnote, magbahagi ng mga pahayag ng mga propeta, magsalungguhit ng mahahalagang parirala, magbilog ng mga espesyal na salita, magsulat ng mga alituntunin, at magbahagi ng kanilang patotoo at iba pang kabatiran sa mga margin.
Kapag natapos na ang oras, sabihin sa kanila na ipasa ang kanilang papel sa isa pang kaklase para magsulat ng ibang natutuhan nila. Pagkatapos ng ilang pasahan, ipabalik ang mga papel sa estudyante na orihinal na may-ari nito. Ibang Bersiyon: Sa halip na scripture block, ang bawat papel ay may iba’t ibang tanong sa pagsasabuhay na may kaugnayan sa scripture block. Maaaring sagutin ng maraming estudyante ang mga tanong gamit ang mga banal na kasulatan at ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa paksa.
Pumili ng kahit anong sipi
Maglagay ng ilang sipi na nagtuturo ng isang katotohanan mula sa lesson sa isang sumbrero o bag. Sabihin sa mga boluntaryo na kumuha ng sipi mula sa sumbrero at ibahagi kung paano ito nauugnay sa katotohanang natutuhan nila at kung ano ang kahulugan nito sa kanila. Tiyaking mabibigyan sila ng oras para magbasa at maghandang magbahagi. Ibang Bersiyon: Kapag nakapagbahagi na ang mga estudyante, magpapalitan sila ng mga sipi at maghahanap ng mga bagong kapartner na pagbabahagian nila ng bagong sipi.
Scripture bracket
Pumili ng 16 na scripture reference at isulat ang bawat reference sa 16 na linya sa labas ng column ng bracket. Sabihin sa mga estudyante na magkakapartner o sa maliliit na grupo na basahin ang mga banal na kasulatan na pinagsama sa bawat bracket at tukuyin kung aling reference ang magiging pinakamakabuluhan sa isang tinedyer ngayon. Ang passage na napili nila ay ililipat sa kasunod na bracket. Patuloy na tatalakayin ng mga estudyante ang bawat pares ng mga banal na kasulatan hanggang sa matukoy nila ang isang banal na kasulatan na sa palagay nila ay pinakamakabuluhan at tatalakayin nila kung bakit. Maaaring ibahagi ng mga estudyante sa klase ang mga banal na kasulatang ito.
Mga aktibidad sa pag-aaral na estudyante ang pipili
Gumawa ng listahan ng anim na aktibidad sa pag-aaral. Matapos matukoy ng mga estudyante ang isang katotohanan mula sa scripture block, gumamit ng kahit anong paraan sa pagpili ng mga estudyante kung aling aktibidad ang gagawin (gumamit ng dice, bumunot ng card, kumuha ng isang piraso ng papel, random number generator).
Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang:
-
Magbahagi ng kuwento mula sa buhay ni Jesus kung saan itinuro o ipinakita Niya ang katotohanan.
-
Maghanap ng doctrinal mastery passage o iba pang scripture passage tungkol sa katotohanan.
-
Maghanap ng halimbawa ng kuwento sa banal na kasulatan tungkol sa isang taong ipinamuhay ang katotohanan.
-
Maghanap ng pahayag mula sa isang lider ng Simbahan na nagtuturo ng katotohanan.
-
Magbahagi ng personal na karanasan ng isang taong pinagpala sa pamamagitan ng katotohanan.
-
Pumili ng sarili mong halimbawa ng isang bagay na magagawa natin para maipamuhay ang katotohanan. Maghanap ng scripture passage na nagtuturo ng halimbawang ibinabahagi mo.
Study snake
Sa bawat mesa o upuan, maglagay ng card na naglalaman ng tagubilin tulad ng “basahin ang isang scripture passage o sipi,” o “sagutin ang isang tanong mula sa lesson.” Maaaring lumipat-lipat ng mga upuan ang mga estudyante at sundin ang mga tagubilin sa card na iyon.
Web ng paksa
Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng diagram na katulad nito na nagsisimula sa katotohanan na nakasulat sa mga bold letter o paksa sa gitna. Pagkatapos ay guguhit ang mga estudyante ng mga linya sa mga bilog at susulatan ng mga kaugnay na banal na kasulatan, katotohanan, o elemento ng pangunahing paksa. Halimbawa, maaaring isulat ng mga estudyante ang paanyaya ni Haring Benjamin na “Maniwala sa Diyos” sa gitnang bilog na may reference na “Mosias 4:9–10.” Pagkatapos ay maaari nilang ilista sa mga bilog kung ano ang sinasabi ni Haring Benjamin na paniwalaan natin tungkol sa Diyos.
Pag-pause ng video
Gumamit ng video na naglalarawan o nagtuturo ng tungkol sa isang alituntunin ng ebanghelyo. I-pause sa iba’t ibang sandali para magkaroon ng suspense o para matulungan ang mga estudyante na pag-isipan ang kanilang pinapanood. Maaari kang magtanong sa mga estudyante ng tulad ng:
-
“Ano kaya ang iniisip o nadarama ninyo o ano ang maaaring mga tanong ninyo kung kayo ang nasa ganitong sitwasyon?”
-
“Anong mga banal na kasulatan ang napag-aralan ninyo ngayon na makatutulong?”
-
“Ano ang inaasahan ninyo na mauunawaan ng taong ito tungkol sa katotohanang pinag-aralan natin ngayon?”
-
“Saan ninyo nakikita ang inyong sarili sa kuwentong ito ngayon?”
3. Ibahagi ang natututuhan nila
Sa buong lesson, inaanyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga saloobin at ideya. Habang nagpapaliwanag, nagbabahagi, at nagpapatotoo sa kapartner, sa maliit na grupo, o sa klase, kadalasan silang ginagabayan ng Espiritu Santo sa mas malalim na patotoo tungkol sa mismong mga bagay na ipinahahayag nila. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, maaari ding magkaroon ng malaking epekto ang mga salita at pagpapahayag nila sa puso at isipan ng mga nakikinig. Bagama’t mahalaga ito, maaaring mahirapang magbahagi ang mga estudyante sa maraming kadahilanan. Tandaan na gawing madali para sa mga estudyante ang “tumanggi” kung hindi sila komportableng magbahagi. Ang mga sumusunod na ideya ay makatutulong sa mga estudyante na ibahagi ang natututuhan nila.
Suriin ang isang passage
Magsulat ng isang scripture verse sa gitna ng isang malaking papel (bilang alternatibo, maaari mo itong idisplay sa pisara). Tiyaking husto ang laki nito para makita ng bawat estudyante. Maaaring maglaan ng ilang minuto ang mga estudyante para sabihin ang lahat ng tanong nila tungkol sa scripture verse. Pagkatapos ay bigyan sila ng ilang minuto upang maghanap sa Gospel Library para masagot ang mga tanong. Bilang alternatibo, maaaring i-print ang scripture verse sa isang piraso ng papel at maaaring gawin din ng mga estudyante ang aktibidad na iyon nang mag-isa.
Board ng mga ideya
Maaaring gumamit ang mga estudyante ng mga sticky note o maliliit na piraso ng papel para isulat ang kanilang mga ideya tungkol sa mga paraan para maipamuhay ang isang katotohanan ng ebanghelyo at maaari nilang idikit ang mga ito sa board. Halimbawa, maaaring hilingin sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga ideya tungkol sa mga paraan para maipamuhay ang isang alituntunin ng ebanghelyo. Ang idea board o board ng mga ideya ay maaaring magkaroon ng malaking larawan ng isang bagay na may kaugnayan sa paksa. Halimbawa, kung pinag-aaralan ang punungkahoy ng buhay, maaaring maglista ang mga estudyante ng mga paraan kung paano kinakain ang bunga at idispley ang mga ito sa mga sanga ng punungkahoy sa pisara. Bigyan ang mga estudyante ng oras para mabasa ang mga isinulat ng iba.
Kilalanin ang iyong mga tagapakinig
Papiliin ang mga estudyante ng audience at ipabahagi sa kanila ang natututuhan nila sa paraang nauunawaan ng mga tagapakinig. Maaaring gawin ng mga estudyante ang aktibidad na ito nang may kapartner o sa grupo. Maaaring maging epektibo na bigyan ng maraming opsiyon ang mga estudyante at hayaan silang pumili kung aling tagapakinig ang gusto nilang turuan. Narito ang ilang ideya na mapagpipilian nila:
-
Isang kaibigang iba ang relihiyon sa iyong misyon.
-
Mga bata sa isang primary class.
-
Isang kaibigan mula sa paaralan.
-
Isang kapamilya.
Ipagpatuloy ang pag-uusap
Bago magsagawa ng talakayan bilang klase, makatutulong na hikayatin ang mga estudyante na makinig nang mabuti sa isa’t isa. Ang mga sumusunod na ideya ay maaaring ibigay sa mga estudyante bago ang talakayan. Makatutulong ito sa kanila na makinig nang mabuti sa isa’t isa at makagawa ng nakapagpapatibay na talakayan na nagsasali ng maraming estudyante sa talakayan. Maaari mong ipakita ang mga ito o bigyan ang mga estudyante ng handout ng mga ideyang ito.
Dagdagan ito—Ibahagi ang nagustuhan mo sa pahayag ng isang kaklase at pagkatapos ay idagdag ang sarili mong mga ideya.
-
“Ipinapaalala niyan sa akin ang …”
-
“Sumasang-ayon ako, dahil …”
-
“Totoo. Ang isa pang halimbawa ay kapag …”
-
“Magandang punto iyan …”
Ibuod ito—Ibahin ang pagkakasabi ng pahayag ng kaklase mo at pagkatapos ay magkomento tungkol dito.
-
“Narinig ko na sinasabi mo na …”
-
“Kaya, kung tama ang pagkakaunawa ko sa sinabi mo …”
-
“Nagustuhan ko kung paano mo sinabi na …”
Magtanong—Magtanong sa ibang estudyante tungkol sa sinabi niya.
-
“Maaari bang magkuwento ka pa tungkol doon?”
-
“Hindi ako sigurado na nauunawaan ko … ?”
-
“Nauunawaan ko ang punto mo, pero paano naman ang … ?”
-
“Naisip mo ba ang tungkol sa … ?”
Ipasa ang papel
Gumawa ng isang papel na may serye ng mga tagubilin na maaaring magsama ng mga banal na kasulatan o mga sipi na babasahin at mga tanong na sasagutin. Tiyaking may sapat na espasyo na masusulatan ng mga estudyante ng kanilang mga sagot. Bigyan ng kopya ang bawat estudyante at ipasulat sa kanila ang pangalan nila sa itaas. Sasagutan ng mga estudyante ang unang tanong. Pagkatapos ay titiklupin nila ang papel upang matakpan ang kanilang sagot. Ipapasa nila ang papel sa isa pang estudyante na sasagot sa susunod na tanong o pahiwatig. Titiklupin ng bawat estudyante ang papel upang matakpan ang kanilang sagot at ipapasa ito sa ibang estudyante. Sa pagtatapos ng pag-ikot, ibabalik ang mga papel sa orihinal na estudyante na magbabasa ng isinulat ng kanyang mga kaklase.
Maghandang magbahagi
Magbahagi ng mahalagang tanong na gusto mong sagutin ng mga estudyante. Tiyaking ibahagi ito nang ilang minuto bago sila anyayahan na sagutin ang tanong. Halimbawa, maaari mong sabihin, “Ilang minuto mula ngayon, gusto kong ibahagi ninyo ang inyong mga opinyon tungkol sa ______________. Mangyaring isipin kung ano ang gusto ninyong ibahagi habang pinag-aaralan natin ang sumusunod na passage.” Maaaring anyayahan muna ang mga estudyante na magbahagi sa isang kapartner o grupo.
Magsagawa ng poll sa klase
Magsagawa ng poll sa iyong mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng maliit na piraso ng papel. Maaaring sumagot ang mga estudyante nang hindi isinusulat ang pangalan sa kanilang papel at pagkatapos ay ilagay ito sa kahon o sumbrero. Maaari mong kolektahin ang kanilang mga opinyon tungkol sa isang alituntunin, tanong, o desisyon na maaaring gawin ng isang tao sa isang sitwasyon. Bilang alternatibo, kung may magagamit na smartphone ang mga estudyante, maaari kang gumamit ng isang polling app na libre at madaling gamitin. Bigyan ang mga estudyante ng assignment na pag-aaralan at ng polling link tungkol sa isang tanong at pasagutin sila gamit ang kanilang telepono. Makikita mo ang mga sagot at maaari mong ipakita ang mga ito sa klase. Maraming libreng polling app na maaaring magamit.
Mga pariralang naghihikayat
Gumamit ng mga pariralang naghihikayat para sanayin ang iyong mga estudyante na magbahagi at magsulong ng talakayan sa klase.
Ito ay isang kapaki-pakinabang na tool para sa mga klase na tahimik o hindi sugurado kung paano o ano ang ibabahagi. Ipakita ang listahan ng mga parirala sa ibaba para matulungan ang mga estudyante na maisip mabuti ang maaari nilang ibahagi. Ipaaral sa kanila ang isang block ng banal na kasulatan at paghandain silang magbahagi gamit ang isa o mahigit pang pariralang naghihikayat. Pangasiwaan ang talakayan o hayaan ang isang estudyante na pangasiwaan ito.
-
Ang isang talata na gusto ko ay…
-
Ang isang pariralang puno ng kabatiran ay…
-
Ang isang aral na makukuha dito ay…
-
Nakahanap ako ng alituntunin…
-
Ang isang salita na sa palagay ko ay interesante/nakalilito ay…
-
Ang isang bagay na kailangang malaman ng isang tinedyer mula rito ay…
-
Ang isang bagay na alam kong totoo mula rito ay…
-
Ang isang bagay na hindi ako sigurado tungkol dito ay…
-
Ang isang bagay na nararamdaman ko na dapat kong gawin dito ngayon ay…
-
Ang isang bagay na natutuhan ko rito tungkol sa Tagapagligtas ay…
Mga card ng pakikilahok
Magpamahagi ng mga card na maaaring itaas ng mga estudyante bilang visual na sagot sa mga itinatanong mo. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang mga card para ipakita ang kanilang mga sagot o kapag handa na nilang ibahagi o talakayin ang kanilang mga ideya. Halimbawa:
-
Berde para sa tama, pula para sa mali
-
“Nag-iisip Pa” sa isang bahagi at “Handang Magbahagi” sa kabila
-
Isang card na may mga numero o letra na kumakatawan sa iba’t ibang opsiyon na nakalista sa pisara. Ang lahat ng estudyante ay may ituturong isang numero o titik para sa kanilang mga sagot upang makita mo ang kanilang mga sagot at pumili ng mga estudyanteng sasagot.
-
Isang card na may maraming sagot sa magkabilang bahagi (tingnan ang halimbawa sa ibaba). Kapag inaanyayahan ang mga estudyante na sumagot, ang gitnang itaas ang kanilang posisyon. Pagkatapos ay maaari mong tawagin o ng isang estudyante ang mga estudyante batay sa kung anong posisyon ang ipinapakita nila.
Panimula ng sitwasyon
Bigyan ang mga estudyante ng hindi kumpletong sitwasyon at sabihin sa kanila na magdagdag sa mga detalye para maging mas mahalaga at nauugnay ito. Halimbawa, maaari mong sabihin ang isang bagay tulad ng “Gumawa tayo ng isang sitwasyon tungkol sa isang taong malapit sa iyong edad, na nagngangalang Julia, na nahaharap sa ilang hamon sa buhay. Ano kaya ang ilan sa mga ito?” Habang nagbabahagi ang mga estudyante, tulungan silang magmungkahi ng mga detalye para maging tila tunay na tao si Julia, o ang ibang pangalang pinili mo. Maaari ka ring magdagdag ng mahahalagang detalye na makaiimpluwensya sa talakayan, tulad ng mahalagang tanong ni Julia.
Bilang alternatibo, maaari mong sabihin sa mga estudyante na gumawa ng sarili nilang sitwasyon at isulat ang mga ito sa papel. Maaari mong pagpalitin ang mga sitwasyong ito at pasagutin ang mga estudyante sa pamamagitan ng paggamit ng natutuhan nila.
Text thread tungkol sa sitwasyon
Gumawa ng isang sitwasyon na magsisimula sa isang text message, ngunit huwag ihayag sa mga estudyante ang mga pangyayaring humantong sa text message na iyon. Maaari mong bigyan ang bawat estudyante ng isang blangkong text template tulad ng sumusunod at anyayahan sila na gumawa ng usapan para sa text thread.
Speed friendshipping
Ang pagtulong sa mga estudyante na maging komportable sa pagbabahagi sa isa’t isa ay nagsisimula sa pagtulong sa kanila na makilala ang kanilang mga kaklase. Ang aktibidad na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makilala ang isa’t isa at magbahagi ng isang bagay tungkol sa mga banal na kasulatan. Pagpartner-partnerin ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagsasaayos ng dalawang hanay ng mga magkaharap na upuan. Pagkatapos ay pamarkahan sa mga estudyante ang isang passage at pasagutan sa kanila ang tanong na inihanda mo tungkol sa passage na iyon. Sabihin sa bawat magkaharap na magkapartner na sagutin ang isang tanong sa pakikipagkaibigan na inihanda mo na makatutulong sa kanila na mas makilala ang isa’t isa. Sabihin sa mga estudyante na magpalitan ng kapartner at ulitin ang proseso nang maraming beses gamit ang iba’t ibang tanong at scripture passage. Upang magawa ito ng mga estudyante kasama ng ang kapartner, hindi kailangang lumipat ng estudyanteng nakaupo sa isa sa mga upuan sa sulok.
Sticky board
Maglagay sa pisara ng ilang tanong na sasagutin ng mga estudyante o mga scripture verse na makapagbabahagi sila ng kanilang pananaw. Isusulat ng bawat estudyante ang kanilang pangalan sa (mga) sticky note at ilalagay nila ito sa tabi ng (mga) tanong o scripture verse na handa silang sagutin o bigyan ng komento.
Ibang Bersiyon: maaaring ipahiwatig ng mga kulay kung ano ang nais ibahagi ng mga estudyante, na isang kabatiran, tanong, cross-reference, at iba pa.
Kumuha ng larawan
Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang bagay sa silid-aralan o larawan sa kanilang telepono na magagamit sa pagtuturo ng alituntunin o doktrina. Sabihin sa kanila na ibahagi kung paano nila ituturo sa isang tao ang natutuhan nila gamit ang bagay o larawan.
Magsulat bago magbahagi
Bigyan ng oras ang mga estudyante na magsulat ng mga sagot sa mahahalagang tanong sa kanilang study journal bago sila anyayahang sumagot nang malakas.
4. Gumawa ng representasyon ng natutuhan nila
Ang mga lesson ay kadalasang nag-aanyaya sa mga estudyante na gumawa ng isang bagay upang maipakita ang kanilang pinag-aralan. Maaaring kabilang dito ang paggamit ng mga malikhaing kasanayan. Ang mga sumusunod na aktibidad ay ilang paraan upang matulungan ang mga estudyante na magawa ito.
Acrostic na tula
Gamitin ang mga titik ng pangalan, lokasyon, o doktrina sa paglikha ng isang acrostic na tula gamit ang natutuhan nila sa klase. Halimbawa, ang isang estudyante ay maaaring magsulat ng isang acrostic na tula gamit ang salitang tiwala tulad ng sumusunod:
T – Tularan si Jesucristo.
I – Isagawa ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo.
W – Walang dapat ikabahala sa plano ng Panginoon.
A – Ating pagkatiwalaan ang mga propeta ng Diyos.
L – Lahat tayo ay umaasang matatanggap ang Kanyang mga pagpapala. A – Alam ng Tagapagligtas ang makabubuti sa bawat isa.
Paggawa ng app
Magdidisenyo ang mga estudyante ng sarili nilang app sa isang piraso ng papel. Maaaring magtampok ang app ng isang katotohanan na itinuro sa mga banal na kasulatan na pinag-aralan at magsama ng mga aktibidad, larawan, banal na kasulatan, o sipi na makatutulong sa isang tao na maipamuhay ito.
Chiasmus
Ang chiasmus ay isang tayutay kung saan sinasalamin o inuulit nang pabaliktad ng ikalawang bahagi ng isang pangungusap, talata, o sulatin ang unang bahagi nito. Ang pangunahing mensahe ay matatagpuan sa gitna (tingnan ang Alma 36 para sa halimbawa). Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng chiasmus mula sa pinag-aaralan nila. Ilalagay ng mga estudyante ang katotohanan na nakasulat sa mga bold letter sa gitna at magdaragdag sila ng mga linya sa itaas at ibaba nito kasama ang mga sumusuportang banal na kasulatan o pahayag ng mga propeta. Maaari itong maging tulad nito:
A – ang nadarama ng mga estudyante tungkol sa katotohanan o mga karanasan nila rito
B – ang nauunawaan ng mga estudyante tungkol sa katotohanan
C – katotohanan o alituntunin ng ebanghelyo
C – katotohanan o alituntunin ng ebanghelyo
B – isang karagdagang pag-unawa tungkol sa katotohanan
A – mga karagdagang karanasan ng mga estudyante sa katotohanan at kung ano ang nadarama nila tungkol dito
Pag-aaral gamit ang comic strip
Bigyan ang mga estudyante ng blangkong template ng comic book o magpagawa sa kanila ng template sa isang piraso ng papel. Babasahin ng mga estudyante ang scripture block at gagawa sila ng komiks na naglalarawan sa mga pangyayari sa scripture block. Ipagamit sa kanila ang huling kahon upang ibahagi ang sa palagay nila ay pinakamahalagang katotohanan na matututuhan mula sa kuwento. Pagkatapos ay maaari nilang ibahagi sa klase ang kanilang komiks. Bilang alternatibo, magagamit nila ang aktibidad na ito para ilarawan ang isang makabagong pagsasabuhay ng katotohanan o alituntunin.
Gumawa ng outline ng lesson
Gumawa ng outline na magagamit ng mga estudyante sa paghahanda ng maikling lesson, pahayag, mensahe, o bilang paraan ng pagbabahagi ng scripture passage. Maaari kang magbigay ng blangkong template ng outline kung saan isusulat ng mga estudyante ang kanilang mga matutuklasan. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na magsama ng iba’t ibang impormasyon sa bawat kahon. Halimbawa, maaaring magsulat ang mga estudyante ng pamagat sa unang kahon, magbuod ng mahahalagang talata sa susunod na kahon, magdagdag ng mga halimbawa o personal na kuwento sa tatlong mahabang kahon, at maglagay ng patotoo sa huling kahon.
Gumawa ng polyeto
Bigyan ang bawat estudyante ng isang papel at sabihin sa kanila na tupiin ito sa tatlong bahagi. Maaaring gumawa ang mga estudyante ng pahina ng pamagat na naglalaman ng alituntunin o doktrinang natukoy nila. Maaaring gumawa ang mga estudyante ng mga kasunod na pahina na may mga subtitle at detalye mula sa natutuhan nila. Maaari mong sabihin sa kanila na mag-iwan ng espasyo sa likod ng polyeto para isulat ang anumang mithiin o plano na gagawin nila sa oras ng lesson.
Pagkukulay ng mga kategorya
Mag-print ng kinopyang pahina ng scripture block at magbigay ng mga colored pencil para markahan ang mga banal na kasulatan. Tukuyin ang mga kategoyang tulad ng “Mga ipinangakong pagpapala,” “Mga Pagkilos nang may Pananampalataya,” o “Mga Kautusan.” Ang bawat kategorya ay maaaring bigyan ng partikular na kulay. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga scripture verse at markahan ang mga may kulay na kategorya kapag nahanap nila ang mga ito. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang minarkahan at natutuhan nila mula sa aktibidad.
Magsuri ng plano
Maaari kang gumamit ng graphic organizer upang matulungan ang mga estudyante na suriin ang kanilang mga plano. Sasagutin ng mga estudyante ang mga tanong sa bawat bahagi ng graphic.
Flowchart
Maaaring gumawa ang mga estudyante ng isang graphic na naglalarawan ng kaugnayan ng iba’t ibang desisyon o konsepto sa lesson. Halimbawa, maaaring gamitin ang chart na tulad ng sumusunod upang ipakita kung saan maaaring humantong ang pananampalataya o pag-asa kay Jesucristo.
Paggawa gamit ang mga kamay
Bigyan ang mga estudyante ng mga materyal na magagamit nila tulad ng mga block o modeling clay para makagawa ng isang bagay na kumakatawan sa pinag-aralan nila. Halimbawa, maaaring gumamit ng mga block ang mga estudyante para kumatawan sa mga muog na iniutos ni Kapitan Moroni sa kanyang mga tao na itayo (tingnan sa Alma 48:7–9). Maaaring magsulat ang mga estudyante sa bawat block ng isang paraan kung paano tayo maaaring maghanda sa espirituwal upang mapaglabanan ang mga pag-atake ni Satanas.
Collage ng larawan
Maaaring makahanap ang mga estudyante ng mga larawan sa kanilang telepono o sa Gospel Library na nauugnay sa katotohanan. Maaari silang gumawa ng digital na collage at ibahagi ito sa klase.
Alamin – mag-isip – matuto
Hahatiin ng mga estudyante ang isang piraso ng papel sa tatlong column. Sa unang column, isusulat nila ang nalalaman na nila tungkol sa isang paksa. Sa pangalawa, isusulat nila ang gusto nilang malaman. Ang pangatlong column ay pupunan ng mga bagay na matututuhan ng mga estudyante sa oras ng lesson at pagkatapos ng lesson. Maaari silang anyayahan na tukuyin kung ano, kung mayroon man, ang nakatulong sa kanila na matuto o ang nakapekto sa kanilang nadarama sa oras ng lesson.
Mga liham para sa hinaharap
Maaaring magsulat ang mga estudyante ng liham sa kanilang sarili na bubuksan at babasahin sa isang partikular na panahon (sa misyon, kasal, pagkakaroon ng una nilang anak). Ang isa pang opsiyon ay ang pagpapasulat sa mga estudyante ng liham para sa kanilang mga kapamilya sa hinaharap. O maaari silang magsulat ng liham sa mga magiging estudyante na pupunta sa seminary at magpaliwanag ng natutuhan at nadama nila.
Gumawa ng meme
Tutukuyin ng bawat estudyante ang isang alituntunin mula sa kanilang pag-aaral at gagawa sila ng pariralang makakapukaw ng atensyon na naglalarawan ng alituntunin. Sabihin sa kanila na magdrowing din ng larawan na naglalarawan ng alituntunin. Tiyaking isasama nila ang scripture reference. Ipabahagi at ipapaliwanag sa kanila ang kanilang meme. Maaari kang magpakita ng ilang halimbawa mula sa isang huling isyu ng magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan.
Gumawa ng plano na “humayo at gawin”
Maaaring gumawa ang mga estudyante ng planong gumawa ng epektib Para magawa ito, maaari mo silang hayaang tukuyin kung ano ang gusto nilang gawin at gumawa ng mga partikular na hakbang kung paano nila maisasakatuparan ang kanilang mga plano. Maaaring kabilang dito ang pagtukoy sa mga balakid na maaaring harapin nila at ang mga partikular na hakbang upang matugunan ang mga balakid na ito. Habang ginagawa ng mga estudyante ang kanilang plano, hikayatin silang hatiin ang mga ito sa maliliit na hakbang. Ang paggawa ng maliliit na pagbabago sa mga bagay na ginagawa nila araw-araw ay makatutulong sa kanila na mas madalas na makaramdam ng tagumpay.
Gumawa ng “decision tree” na plano
Maaaring gamitin ng mga estudyante ang decision tree upang makatulong sa pagsasabuhay ng alituntunin ng ebanghelyo sa pamamagitan ng paglilista ng mga pakinabang at pinsala ng iba’t ibang desisyon. Maaari silang magsimula sa isang tanong tungkol sa isang alituntunin ng ebanghelyo at pagkatapos mailista ang mga pakinabang at pinsala, suriin ang kanilang mga pagpipilian para sa paggawa ng desisyong iyon. Gumawa ng mga hiwalay na decision tree para sa bawat tanong at desisyon sa plano.
Halimbawa: Magplanong pag-aralan ang mga banal na kasulatan.
Mga Tanong:
-
Kailan ko pag-aaralan ang mga banal na kasulatan? (Gumawa ng isang decision tree.)
-
Saan ko pag-aaralan ang mga banal na kasulatan? (Gumawa ng isa pang decision tree.)
-
Gaano karaming oras ang ilalaan ko sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan? (Gumawa ng pangatlong decision tree.)
Sa pagwawakas ng proseso, makakabuo ang pinagsama-samang tatlong desisyon ng isang plano, o layunin, na may mga partikular na hakbang upang maisakatuparan ito.
Bagong talata ng himno
Maaaring pumili ang mga estudyante ng himno tungkol sa isang katotohanan na pinag-aralan sa lesson. Sabihin sa kanila na gumawa ng isang bagong talata ng himno mula sa pinag-aralan nila. Maaaring pumili ang klase ng ilang bagong talata na ipapakita at kakantahin.
Pagkatuto na nakabatay sa proyekto
Maaaring gumawa ang mga estudyante ng proyekto sa maraming lesson kung saan magdaragdag sila ng nilalaman sa mga susunod na lesson/linggo. Maaaring ito ay isang tula, himno, video, likhang-sining na proyekto, o iba pang malikhaing pagpapahayag na gagawin nila sa mga susunod na lesson.
Muling isulat ang wakas
Sabihin sa mga estudyante na muling isulat ang wakas ng isang kuwento sa banal na kasulatan o isang kuwentong ibinahagi mo na para bang mas maganda/iba ang mga desisyong ginawa ng tao.
Mga Resipe
Gagawa ang mga estudyante ng mga resipe gamit ang natututuhan nila. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng halimbawa ng isang resipe na may kasamang mga sangkap, sukat, at instruksyon o paraan ng pagluluto. Pagkatapos ay tulungan ang mga estudyante na sundin ang huwarang iyon para maisaayos ang kanilang natututuhan. Maaari nilang bigyan ng pamagat ang kanilang resipe na “Paano maging epektibong missionary” o “Mga paraan upang maging mas epektibo ang pag-aaral ng banal na kasulatan” at pagkatapos ay isama ang sa palagay nila ay mahahalagang elemento gamit ang mga banal na kasulatan at sipi. Halimbawa, sa Doktrina at mga Tipan 76, maaaring ilista ng mga estudyante ang mga sangkap, sukat, at instruksyon para maging tao na karapat-dapat sa kahariang selestiyal. Hikayatin sila na maging malikhain sa kanilang mga recipe. Maaari silang magdrowing ng larawan na kumakatawan sa kalalabasang produkto ng resipe.
Dula-dulaan
Magsasadula ang mga estudyante ng isang sitwasyon. Maraming bersiyon sa paggawa nito. Maaari mong papuntahin ang mga boluntaryo sa harap ng silid upang isadula ang sitwasyon. Maaaring magsadula ang mga estudyante nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. O maaaring ikaw ang gumanap na taong may mga tanong at ipasagot sa buong klase ang iyong mga tanong o alalahanin.
Maikling video
Sabihin sa mga estudyante na magplano ng maikling video. Maaari silang gumawa ng script at magpasiya kung paano ipapakita ang isang bagay na natutuhan nila mula sa lesson. Kung posible, maaaring gumawa ang mga estudyante ng video at ibahagi ito sa klase.
Social media post
Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng social media post upang ibahagi ang kanilang mga personal na paniniwala o karanasan na may kaugnayan sa mga alituntuning tinalakay sa klase. Maaaring ito ay isang bagay na nai-post nila online, o isang bagay na ginawa nila sa kanilang study journal. O maaari nilang ipagpalagay na may isang taong nag-post ng tanong na may kaugnayan sa pinag-aralan sa klase at gagawa sila ng tugon gamit ang kaalaman na natutuhan nila. O maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang isang social media post kamakailan ng isang lider ng Simbahan at magsulat ng sagot o nakahihikayat na tala sa post. Para sa isang artikulo na tumutulong sa mga estudyante na gumawa ng mga makabuluhang social media post, tingnan ang “Social Media: Kapangyarihang Baguhin ang mga Buhay,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abril 2022.
Visual display
Hatiin ang mga estudyante sa mga grupo na gagamit ng mga banal na kasulatan, sipi, at iba pang resources sa pag-aaral upang makagawa ng mga poster o wall display para sa silid-aralan. Maaaring kasama sa kanilang mga poster o display ang mga mahalagang talata, tanong na masasagot ng salaysay sa banal na kasulatan, walang-hanggang katotohanan, larawan, at iba pa. Maaaring lumibot ang mga estudyante at tumingin ng mga gawa ng ibang grupo.
Magsulat ng artikulo para sa magasin ng Simbahan
Maaaring isipin kunwari ng mga estudyante na nagsusulat sila ng isang artikulo sa magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan, Kaibigan, o Liahona na nagbabahagi ng kanilang pinag-aralan at kung paano ito makatutulong sa mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo. Maaari kang magpakita ng isang artikulo bilang halimbawa. Hikayatin ang mga estudyante na magdagdag ng mga paglalarawan, chart, at infographic.