Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 2


“I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 2,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“I-assess ang Iyong Pagkatuto,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Appendix

I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 2

Doktrina at mga Tipan 76; 84; 93; 110; 121–123

Ang paglalaan ng oras upang matukoy ang paglago at espirituwal na pag-unlad ay makapagpapatibay sa ating ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at makahihikayat sa atin na manatili sa landas ng tipan. Makatutulong sa iyo ang lesson na ito na suriin ang iyong espirituwal na pag-unlad mula sa iyong pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan 76; 84; 93; 110; 121–123. Maghanap ng mga pagkakataon upang ibahagi ang ilan sa iyong mga sagot sa ibang estudyante o sa mga kapamilya.

Paalala: Bago gawin ang assessment na ito, tiyaking kumpletuhin ang mga kinakailangang babasahin kung hindi mo ito pa nagagawa: Doktrina at mga Tipan 76; 84; 93; 110; 121–123.

Pagpapahalaga sa paglago at progreso

tinedyer na naglalakad
tinedyer na nagbibisikleta
tinedyer na tumatakbo

Mag-isip ng nakapahaba o nakapahirap na pagtakbo, pag-hike, o pagbibisikleta.

  • Ano ang magagawa mo para masiyahan sa paglalakbay?

  • Paano natin maikukumpara ang ganoong uri ng paglalakbay sa proseso ng pagiging higit na katulad ni Jesucristo?

  • Paano natin mas matatamasa at mapapahalagahan ang proseso ng espirituwal na paglago?

  • Paano mo nalalaman na sumusulong at lumalago ka palapit sa Panginoon?

  • Paano ka tinutulungan ng Panginoon?

Pagpapaliwanag ng tatlong antas ng kaluwalhatian

Kunwari ay may malapit kang kaibigan na nagngangalang Olivia na hindi miyembro ng Simbahan ngunit matibay ang paniniwala kay Jesucristo. Isang araw, lumapit siya sa iyo at nagtanong, “Ano ang pinaniniwalaan ng mga miyembro ng Simbahan ninyo tungkol sa kabilang-buhay? Naituro sa akin na mapupunta ang lahat sa langit o impyerno, ngunit narinig kong naniniwala ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa maraming langit. Ano ang ibig sabihin niyan?”

Maglaan ng ilang minuto sa pagsusulat ng sagot kay Olivia na nagpapaliwanag ng iyong pag-unawa at kaalaman sa tatlong antas ng kaluwalhatian. Kung gusto mo, maaari kang magsama ng mga drowing upang tulungan si Olivia na mailarawan sa isip ang ipinaliliwanag mo. Maghanap ng isang tao at magsanay na ipaliwanag ang iyong tugon sa kanya na para bang siya si Olivia.

Ipaliwanag ang mga tungkulin, titulo, at katangian ni Jesucristo

Isa sa mga paanyaya ng Tagapagligtas sa Doktrina at mga Tipan ay “matuto sa [Kanya], at makinig sa [Kanyang] mga salita” (Doktrina at mga Tipan 19:23). Maghandang ibahagi sa iba ang natutuhan mo tungkol sa mga tungkulin, titulo, o katangian ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng paggawa ng isa sa sumusunod na mga aktibidad:

  • Gumawa ng isang listahan ng ilan sa mga tungkulin, titulo, o katangian ni Jesucristo na pinag-aralan mo kamakailan sa Doktrina at mga Tipan 76:1–7, 22–24; 93:1–10. Pagkatapos ay pumili ng isa o mahigit pa sa mga ito at sagutin ang mga sumusunod na tanong: (1) Ano ang itinuturo sa iyo ng pangalan, titulo, o katangiang ito tungkol kay Jesucristo? (2) Ano ang ipinauunawa sa iyo ng pangalan, titulo, o katangian na ito tungkol sa kung paano ka Niya matutulungan?

  • Gumawa ng visual na representasyon ng isa o mahigit pa sa mga paborito mong tungkulin, titulo, o katangian ni Jesucristo. Maaaring ito ay isang word cloud o drowing. Magsama ng mga naaangkop na scripture reference bilang bahagi ng iyong gawa.

  • Magsulat ng tula o mga titik ng isang awitin na naglalaman ng ilan sa mga paborito mong tungkulin, titulo, o katangian ni Jesucristo.

  • Ipagpalagay na nagkaroon ka ng pagkakataong ituro sa isang tao kung sino si Jesucristo at kung ano ang magagawa Niya para sa atin. Magsulat ng kahit isang talata na naglalarawan at kinapapalooban ng hindi bababa sa tatlong tungkulin, titulo, o katangian ni Cristo.

Ibahagi ang napagpasyahan mong gawin sa isang kapamilya, kaibigan, o sa isang kaklase.

Maghandang sambahin ang Panginoon sa templo

Sa Doktrina at mga Tipan 110:5–10, maaaring napansin mo kung paano tayo matutulungan ng pagiging karapat-dapat na madama na malapit tayo sa Panginoon sa Kanyang templo.

Maghangad ng personal na paghahayag na gagabay sa iyo habang sinasagot mo ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Anong mga sakripisyo ang ginawa mo o handa kang gawin upang unahin ang pagsamba sa Panginoon sa templo?

  • Anong mga pagpapala ang natanggap mo habang pinagninilayan mo ang mga tanong sa temple recommend?

  • Ano ang ginawa mo para magsikap na maging karapat-dapat na sambahin ang Panginoon sa templo?

Isipin kung paano ka pinagpala dahil sa iyong mga pagsisikap. Ano ang patuloy mong gagawin o sisimulang gawin upang mas maging handang sumamba sa Kanyang templo?

Makadama ng ibayong tiwala sa Diyos sa oras ng pagsubok

Matututuhan natin mula sa Doktrina at mga Tipan 121–122 ang mahahalagang katotohanan tungkol sa mga pagsubok.

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga bahaging ito tungkol sa mga pagsubok?

  • Nakatulong ba ang mga katotohanang ito para mag-iba ang nadarama mo tungkol sa iyong mga pagsubok? Paano?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo nang makaranas ka ng pagsubok?

Isulat sa iyong journal ang iyong nadarama tungkol sa kung paano ka sinuportahan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa iyong mga pagsubok. Isaalang-alang kung paano naapektuhan ang pananampalataya mo kay Jesucristo dahil sa natutuhan at naranasan mo.