“Huwag Matakot,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2021, 32.
Taludtod sa Taludtod
Huwag Matakot
Sinabi na sa atin ng Panginoon kung paano mamuhay nang walang takot.
Huwag matakot na gumawa ng mabuti
Nais ng Panginoon na gumawa tayo ng mabuti, kaya hindi tayo dapat matakot na gawin iyon.
Magtanim … umani
Ang ibig sabihin ng magtanim ay magpunla ng mga binhi. Ang ibig sabihin ng umani ay anihin ang inyong itinanim. Tinatawag ito kung minsan na “batas ng pag-aani.” Kung magtatanim kayo ng mabubuting binhi, aani kayo ng mabuting pagkain. Kung magtatanim kayo ng masasamang binhi, aani kayo ng masamang pagkain. Ang paggawa ng mabuti ay katulad ng pagtatanim ng mabubuting binhi. Tatanggap kayo ng mabubuting gantimpala.
Hindi ko kayo inuusig; humayo kayo sa inyong mga gawain at huwag na muling magkasala
Mapapatawad tayo ng Panginoon kung tayo ay magsisisi. Hindi natin dapat hayaang makahadlang ang ating mga kasalanan sa ating pagsisisi, pagsulong, at paggawa ng mabuti.
Nang mahinahon
Sa isang seryoso, kalmado, at mapag-isip na paraan.
Isaalang-alang ako sa bawat pag-iisip
Ito ay isa pang paraan ng pagsasabi na “lagi siyang aalalahanin,” tulad ng ipinapangako nating gawin sa sakramento.1
Masdan ang mga sugat
Ang mga sugat sa mga kamay, paa, at tagiliran ni Jesucristo ay mga palatandaan na Siya ay ipinako at nabuhay na mag-uli.2 Ipinapakita sa atin ng mga ito na nadaig Niya ang lahat ng bagay. Nagbibigay ito sa atin ng lakas at tapang at nang hindi na tayo mag-alinlangan o matakot.
Magmana
Ibibigay sa atin ng Ama sa Langit ang lahat ng mayroon Siya kung susundin natin Siya.