2021
Sa Porto Alegre, Brazil
Pebrero 2021


“Sa Porto Alegre, Brazil,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2021, 22–23.

Paano Kami Sumasamba

Sa Porto Alegre, Brazil

Porto Alegre, Brazil

Larawan mula sa Getty Images

Olá! Ako si Helaman B. At ako naman si Julia Felix O. Kami ay mula sa Porto Alegre. Ang Porto Alegre ang kapitolyo ng Rio Grande do Sul, isang estado sa bandang timog ng bansang Brazil.

Helaman B.

binata

Kasama ko ang mga magulang ko, si Lola, at ang kuya ko. May isa pa akong kuya na nasa mission ngayon sa Hungary. Ang Porto Alegre ay isang napakalaking lungsod at ilang beses na akong naligaw dito.

pamilya

Ang aming taglamig ay kadalasang mula Mayo hanggang Agosto at ang aming tag-araw ay mula Nobyembre hanggang Marso. Umuulan ng humigit-kumulang 1,397 mm (55 pulgada) bawat taon!

May dalawa pang miyembro ng Simbahan sa paaralan ko, pero hindi ko sila nakakausap kapag karaniwang araw ng pasok. At, may iba pa akong mga kaibigan sa paaralan na hindi miyembro ng Simbahan. Mabuting tao sila.

Kapag karaniwang araw, gumigising ako nang alas-6:45 n.u., naghahanda, at naglalakad papunta sa paaralan. Natatapos ang klase nang mga alas-12:30 ng tanghali, at naglalakad ako nang mabilis pauwi para kumain ng tanghalian. Pagkatapos ng tanghalian, binabasa ko ang mga banal na kasulatan, tumutugtog ako ng piyano, at nag-aaral ako ng wikang Japanese. Pagkatapos ay may seminary ako mula alas-6:30 hanggang alas-7:30 n.g. at natutulog ako nang alas-10 n.g.

Mahilig akong tumugtog ng mga himno kapag araw ng Sabbath. Ang pagtugtog ng mga ito sa piyano ay palaging naghahatid ng Espiritu sa akin, anuman ang mangyari.

Julia Felix O.

dalaga

Ako ay isinilang sa São Paulo at lumipat sa Porto Alegre noong tatlong taong gulang ako. Ang tatay ko ay naglingkod noon sa Porto Alegre bilang full-time missionary. Naninirahan ako ngayon kasama ang nanay at tatay ko, at isang taong gulang na kapatid na lalaki.

Ang mga tao sa Porto Alegre ay mahilig talagang kumain ng inihaw na karne, na tinatawag ding churrasco. Pero ang paborito kong mga pagkain ay estrogonofe (stroganoff ng mga taga-Brazil na gawa sa karne ng baka) at pizza.

Sa aking paaralan, may dalawa akong kaibigan mula sa Simbahan na nag-aaral sa ibang klase. Sinisikap naming maging mabubuting halimbawa ni Jesucristo sa lahat ng tao sa aming paligid.

dalaga sa templo

Ang templo sa Porto Alegre ay 30 minuto ang layo mula sa bahay namin. Palagi kong gustong pumunta sa templo at tumulong sa mga binyag. Masaya akong matulungan ang mga tao na nasa kabilang-buhay na.

dalagang binibinyagan