2021
Ang Kuwento ng mga Saksi
Pebrero 2021


“Ang Kuwento ng mga Saksi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2021, 24–25.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Ang Kuwento ng mga Saksi

Larawan
Ang Kuwento ng mga Saksi

Mangyaring itanong sa Panginoon kung maaari kaming maging natatanging mga saksi na binabanggit sa Aklat ni Mormon.

Sinabi sa akin ng Panginoon na kung kayo ay aasa sa Panginoon, magpapakumbaba, at magpapatotoo tungkol sa katotohanan, maaari ninyong makita ang mga lamina.

Kalaunan noong araw na iyon.

Bawat isa ay nanalangin na maipakita sa kanila ang mga lamina.

Walang nangyari.

Ako ang dahilan kaya nagsara ang kalangitan.

Hindi nagtagal at nagpakita ang anghel na si Moroni.

Pagkatapos ay narinig nila ang tinig ng Diyos.

Ang mga laminang ito ay mula sa Diyos. Tama ang pagsasalin, at inuutusan ko kayong ibahagi ang nakikita at naririnig ninyo ngayon.

Kalaunan, nakita ni Joseph si Martin na nagdarasal.

Hindi pa ako nakatanggap ng patotoo mula sa Panginoon, ngunit nais ko pa ring makita ang mga lamina. Maaari mo ba akong samahan sa pagdarasal?

Makalipas ang ilang araw at sa patnubay ng Diyos, inimbita ni Joseph ang walong iba pa, pati na ang kanyang ama at dalawa sa kanyang mga kapatid na lalaki, upang makita ang mga lamina. Hindi sila nakakita ng anghel, pero nahawakan nila ang mga lamina.

Inilakip ng lahat ng labing-isang saksi ang kanilang pangalan sa mga pahayag sa Aklat ni Mormon, na kilala bilang Patotoo ng Tatlong Saksi at Patotoo ng Walong Saksi. Bagama’t tumalikod sandali ang ilan sa Simbahan, nagpatotoo silang lahat sa buong buhay nila na nakita nila ang mga laminang ginto. Walang isa man sa mga saksi ang nagkaila sa kanilang nakita.

Print