2021
Kumonekta
Pebrero 2021


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2021, loob ng pabalat sa harapan.

Kumonekta

Maximiliano B.

16, Argentina

binatilyo

Larawang kuha ni German Sittner

Talagang nasisiyahan akong magtakda ng mga mithiin para sa bagong programa na Mga Bata at Kabataan. Sinikap kong magtakda ng mga mithiin na tutulong sa akin sa pang-araw-araw na buhay, pero halos lahat ng aking mga mithiin ay nakatuon sa paghahanda ko para sa misyon. Nagtakda ako ng mga mithiin na anyayahan ang isang kaibigan sa isang aktibidad sa Simbahan, ipasa ang mga klase ko sa paaralan, mag-ehersisyo nang dalawang araw sa isang linggo, at paghusayin ang pagdalo ko sa seminary. Nagawa ko na ang ilan sa mga mithiing ito at talagang nasasabik ako rito. Masayang makita na malaki na ang ipinagbago ko.

Nakaimpluwensya nang malaki ang lahat ng ito sa buhay ko dahil ngayon, hindi mo lamang gagawin ang isang aktibidad, isusulat ito, at pagkatapos ay wala na. Tinutulungan ako nitong magpakabuti at magbago sa lahat ng iba’t ibang aspeto ng buhay ko. Ang mga mithiin, lalo na ang mga espirituwal na mithiin, ay tumulong sa akin na manatiling matatag sa mahihirap na panahong ito, na alam ko ring tutulong sa akin habang nasa misyon ako. At sa ilang paraan, ang misyon ay hindi para sa loob lamang ng dalawang taon kundi sa buong buhay mo, kaya alam ko na kung palagi akong masikap at masunurin, ang lahat ng ito ay magkakaroon ng epekto sa akin magpakailanman.