“Marami akong hindi nauunawaan na banal na kasulatan. Paano akong mas matututo mula sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2021, 28–29.
Mga Tanong at mga Sagot
“Marami akong hindi nauunawaan na banal na kasulatan. Paano akong mas matututo mula sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan?”
Magtanong at Maghanap
“Tanungin ang iyong mga magulang, lider, at pamilya. Matutulungan ka nila na makaunawa. Pero higit sa lahat, manalangin sa Ama sa Langit at humingi ng tulong sa Kanya. Pagkatapos habang nagbabasa ka, hanapin ang mahahalagang kaalaman na nagbibigay sa iyo ng mabuting pakiramdam.
Lolade O., 15, Québec, Canada
Huwag Magmadali
“Ang isang magandang paraan para makinabang nang husto sa iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang talata nang taludtod sa taludtod. Maaari mo ring hanapin ang isang footnote o isipin kung paano nauugnay ang talatang iyon sa iyong buhay.”
Shane S., 13, New Mexico, USA
Isulat ang mga Pahiwatig
“Para sa akin, ang pagdarasal bago mag-aral at pagsusulat ng mga ideya na pumapasok sa aking isipan ay talagang nakakatulong sa akin na gawing personal at maunawaan ang mga banal na kasulatan. May maliit akong journal kung saan isinusulat ko ang mga naiisip ko habang nagbabasa ako. Tinutulungan ako nitong maunawaan at mahalin ang mga banal na kasulatan.”
Lindsay C., 16, Oregon, USA
Mga Video ng Aklat ni Mormon
“Sinimulan kong panoorin ang mga video ng Aklat ni Mormon, at nadama ko talaga ang Espiritu. Ginagamit ko ang mga banal na kasulatan para sundan ang nasa video. Kung nahihirapan kang matuto o maniwala sa mga banal na kasulatan, tutulungan ka ng Panginoon, kahit na hindi mo ito alam.”
Aidan D., 11, Nebraska, USA
Resources ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
“Gamitin ang manwal ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin! Madalas ay nahihirapan akong gawing makabuluhan ang pag-aaral ko ng mga banal na kasulatan, pero gamit ang resources sa manwal, nauunawaan ko ang binabasa ko. Mula nang simulan kong gamitin ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa pag-aaral ko ng mga banal na kasulatan, mas naunawaan ko ang mga banal na kasulatan at ang aking Ama sa Langit.”
Monique B., 18, Utah, USA